by Anon
Apat na taon ng mag-asawa itong si Bong at Lucy. OFW si Bong samantalang sales representative naman ng isang real estate itong si Lucy. Parehong mahusay sa trabaho ang dalawa at malakas kumita ng pera. P260,000 a month ang suweldo ni Bong at kumikita ng P50 to 70,000 naman si Lucy sa commissions a month. Maganda ang hinaharap nilang mag-asawa. Ang problema nga lang ay masyadong career minded itong si Bong kaya't sa tuwing matatapos ang kontrata nito ay kumakagat na naman sa panibagong kontrata kung saan halos isang taon siyang mawawala.Madalas na sinasabi ni Lucy kay Bong. "Love, malaki na ang naipon natin, kaya na nating mag-negosyo. Huwag ka ng umalis."
"Hindi pa enough yan." ang laging sinasabi ni Bong. "Parang hindi mo alam na bagsak ang ekonomiya ng bansa ngayon. Tapos gusto mong mag-negosyo? Mauubos lang ang pera natin diyan."
"Pero love." ungot ni Lucy. "Gusto ko ng magka-baby tayo."
"Darating din yun." sagot ni Bong.
"Bong I'm 27 years old." sabi ni Lucy. "Ang mga kasabayan ko may mga may-anak na. Si Patty nga mas bata sa akin ng isang taon, makakadalawa na. Ano ka ba naman?"
"Lucy!" nag-iba na ang tono ng tinig ni Bong. "Future natin ang iniisip ko."
"Yun din ang iniisip ko." sagot ni Lucy. "My god love, nakita mo ba ang mga bank accounts natin?" Pinakita ni Lucy ang mga passbook kay Bong. "Tingnan mo, sa BPI may P 4,250,000 tayo, sa Prudential may P 652,000 tayo. Sa Standard Chartered Bank may P 2,167,000 tayong ipon. Hindi pa kasama diyan ang mga pera natin sa lupa. Bong, we have more than enough para mabuhay ng maayos."
"Kahit anong laki ng pera Lucy, mauubos din yan." sagot ni Bong.
"Puwede nating inegosyo ang pera natin!" bawi ni Lucy. "Bakit ba ako nag-aral ng cooking? Hindi ba para makapag-negosyo tayo ng restaurant? Okay gusto mo ng sigurado? Yung VP namin sa company nagtatawag ng isang co-investor para ma-complete ang franchise nila ng Jollibee. Love, kayang kaya nating maging investor, Jollibee pa! Walang lugi yun!"
"I'm sorry." umiling si Bong. "Pero hindi mo alam ang hirap na dinanas ko para makapag-abroad at kumita ng malaking pera."
"Bong, pinaghirapan ko rin ang pagiging sales rep. Hindi lang ikaw ang naghirap sa pera mo. Pero gusto ko ng ma-kumpleto ang pamilya natin. Anak na lang ang kulang sa atin Bong." sabi ni Lucy.
Hindi sumagot si Bong. Lumapit si Lucy at niyakap ang mister. "Huwag ka nang tumuloy sa airport bukas. Please."
"Lucy, bagong kontrata yung lipad ko bukas! Hindi puwedeng i-ignore yun!"
"Two years kang mawawala Bong. Two years pa akong maghihintay, ganun ba?"
"Ganun nga." sagot ni Bong.
"Hanggang kelan tayo ganito?" humihikbi na si Lucy. "Hanggang kelan?"
"Hanggang kaya." sagot ni Bong pagkatapos ay humiga na para matulog. Patuloy ang hikbi ni Lucy. Hindi siya pinansin ni Bong.
Kinabukasan. Gumising ng maaga si Bong. Maaga ang flight niya, 9 am. Agad na nagbihis ito at hindi na nakakain. Nasa kama pa rin si Lucy at hindi siya pinapansin. Maya-maya lumapit si Bong at hinalikan sa noo ang asawa. Hindi kumibo si Lucy, halatang masama pa rin ang loob.
"Ginagawa ko ito dahil mahal kita." bulong ni Bong.
"Hindi mo ako mahal." sagot ni Lucy. "Mahal mo ang sarili mo."
"Pagbalik ko pag-iisipan ko ang suggestion mo." sabi ni Bong.
Hindi na sumagot si Lucy. Narinig na lang niya na sumara ang pintuan.
DUMAAN ang mga buwan. Patuloy sa pag-quota si Lucy. Nakabenta siya ng bahay na worth P 12,000,000 at sa 5 percent commission ay naka-instant P 600,000 siya agad. Inilagay niya agad ito sa bangko, Kinagabihan, nag-email siya kay Bong at binalita ang nangyari. Masaya ang sagot ni Bong sa kanya at sinabing nag-iisip na itong umuwi na for good after matapos ang kontrata niya. Tuwang tuwa si Lucy at nangako ito na lalong pagbubutihin ang pagbenta para matuwa ang mister.
DUMAAN pa ang maraming buwan at nakatakda ulit umuwi si Bong sa Pilipinas dahil three months na lang, matatapos na ang kontrata nito. Naka-online sa Yahoo Messenger si Lucy at nakikipag-usap kay Bong via Web Cam.
"Love, I can't wait to see again." sabi ni Lucy. "Alam mo, ang laki-laki na ng naipon natin. Hindi ka magsisisi sa desisyon mong umuwi na for good."
Nagulat si Bong. "Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ba sinabi mo sa akin last year na gusto mo nang umuwi for good?" tanong ni Lucy.
"Love, ang sabi ko, pinag-iisipan ko ang possibility na umuwi na for good." sagot ni Bong. "Kaya lang..."
"What?" tanong ni Lucy. "Don't tell me may sinagutan ka na namang bagong kontrata?"
Nagkamot ng ulo si Bong. "May isang company from Australia na nangangailangan ng services na ginagawa ko. Maganda ang offer, in fact mas maganda sa---"
"Sinasabi ko na nga ba!" galit ang tinig ni Lucy.
"Huwag kang magalit." sabi ni Bong. "Para sa atin naman ito."
"Para sa iyo!" mataas na ang tingi ni Lucy. "Hindi mo ginagawa para sa atin yan kundi para sa iyo! Dahil hindi ka makalayo sa trabaho mo!"
"Lucy naman."
"You know what?" sabi ni Lucy. "Useless din ang mga sasabihin ko. Kasi narinig mo na rin ito eh. Ito na lang. Mabuti pa, huwag ka nang umuwi. Tumuloy ka na sa Australia. Magpakasubsob ka sa trabaho. Yan naman ang gusto mo."
Bago makasagot si Bong ay pinatay na ni Lucy ang computer. Magdamag na umiyak si Lucy. Kinabukasan namumugto ang mga mata nito sa opisina. Napansin ito agad ng branch manager nila na si Aljon.
"Hey what happened?" tanong ni Aljon.
"The usual." sagot ni Lucy.
"Oh, that's it huh? I'm sorry Lucy." alo ni Aljon.
Hindi sumagot si Lucy. Maya-maya, may ipinakita si Aljon na dalawang ticket sa Araneta Coliseum.
"Ano yan?" tanong ni Lucy.
"Concert tickets ni Martin Nievera." sagot ni Aljon.
"I thought you're going to the concert with Maria?" tanong ni Lucy.
"Well, yeah. That's the plan. But nag-back out si Maria at the last moment. Hindi niya kasi gusto ang mellow music."
"Opposite ba kayo ng gust?" tanong ni Lucy.
"Complete opposite." sagot ni Aljon. "No wonder at the age of thirty, hindi pa rin ako makapag-asawa."
"Pareho pala tayong broken hearted ano?" sabi ni Lucy. "Well kung wala kang kasama sa concert, I'll be happy to go with you."
"Great!" sabi ni Aljon. "I'll pick you up at 6 pm sharp."
Post a Comment