Luisa: The Unfaithful Wife Part 8

by Farut Barbakusi

Naka-shades ang mga mata ni Luisa nang bumalik ito sa opisina. Nahalata agad ng mga ka-opisina niya na may pinoproblema ito dahil kaninang umaga lamang ay masaya naman ang itsura nito ngunit ngayong hapon ay biglang nagbago. Marahan ang lakad ni Luisa papunta sa office niya nang biglang tawagin ng sekretarya niya ang atensiyon niya.

"Miss Luisa, confirmed daw po ang dinner date ninyo ni Mr. Ariel kay Mr. Matt Dawson mamayang 8 pm."

Hindi nagsalita si Luisa at tumango na lang. Pumasok ito sa loob ng opisina niya at isinara ang pintuan. Nagsimulang magtanong ang mga kasama niya sa opisina.

"Nag-away kaya sila ng mister niya?"

"Nagkita ba sila ngayon? Ano naman ang dahilan?"

"Alam mo na yun di ba? Sino ba naman ang hindi makakahalata---"

Biglang natigil ang usapan ng dalawang babae nung makita si Ariel na nakatingin sa kanila. Pagkatapos ay bumaling ang tingin ni Ariel sa saradong opisina ni Luisa at tumalikod ito para magtungo sa opisina niya. Sa loob nito ay inangat niya ang telepono at tinawagan ang local ni Luisa.

BRRIINNNGG! BRRINNGGG!

Nakaupo si Luisa at nakatingin sa ceiling. Parang hindi niya naririnig ang ring ng telepono.

"Come on Luisa, pick up the phone." bulong ni Ariel.

Sa wakas ay napansin din ni Luisa ang nagri-ring na telepono. Inangat din niya ito.

"Hello." mahina ang tinig ni Luisa.

"Luisa." sagot ni Ariel sa kabilang linya. "Baby, what's wrong?"

Hindi napigilan ni Luisa na umiyak. Humagulgol ito sa telepono.

"Luisa, Luisa." ulit ni Ariel. "Do you want me to come over?"

"No, no." sagot ni Luisa habang pinipigilan ang pag-iyak niya. "I just need to be somewhere today. Would you take me away from the office?"

DINALA ni Ariel si Luisa sa pinakamalapit na mall. Dito kinuwento ni Luisa ang sama ng loob niya. Kaninang tanghali ay nagkita sila ni Julian kung saan ipinagtapat nito na may nabuntis ito. Nagkaroon sila ng kaunting sagutan tungkol doon ngunit ang labis na isinama ng loob ni Luisa ay nang sabihin ni Julian sa kanya na may pagtingin ito sa babaing nabuntis at gustong pag-usapan na ni Julian ang settlement nilang dalawa.

"What?" gulat na bigkas ni Ariel. "Wala pang one year kayong kasal ah!"

"Yun din ang tanong ko sa sarili ko. Bakit gusto na niyang makipaghiwalay agad." sagot ni Luisa na humihikbi pa.

Natahimik sandali si Ariel at mukhang nag-iisip. Pagkatapos ay tumingin ito kay Luisa.

"Luisa, is it possible na may alam siya tungkol sa atin?"

Nagtama ang mga mata nila ngunit hindi nagsalita si Luisa.

"I mean, think about it." patuloy ni Ariel. "Parang ang bilis niyang mag-decide. Bagong kasal kayo but he's already giving up on you because nakabuntis siya ng ibang babae? Puwede naman niyang suportahan ang bata ng hindi kayo maghihiwalay di ba?"

Nag-isip din si Luisa. Nawala ang luha sa mga mata nito at biglang naging seryoso ang mukha.

"Ariel, you could be right." sagot nito. "Pero, paano niya malalaman yun? Walang ibang nakakaalam ng relasyon natin kundi ikaw at ako lamang."

"Okay, let's think about it." sabi ni Ariel habang hinihimas ang ulo niya. "Yung first time natin sa beach, tayong dalawa lamang di ba?"

"And it's dark." dagdag ni Luisa.

"Yes." sang-ayon ni Ariel. "The second time is in a motel, pero tinted ang sasakyan ko so it's impossible na may nakakita sa atin."

"The last time naman is in my office." wika ni Luisa. "But nobody is around."

"If he did knew, he must've gotten that information from someone who saw us." sabi ni Ariel. "But that someone would have to be so good since hindi tayo nakahalata."

"I don't know." sabi ni Luisa na iiling-iling. "Baka naman talagang mas mahal niya ang babaing yun kesa sa akin."

"Could be." sabi ni Ariel. "But kung sa akin nangyari ito... Ewan ko."

Hindi nagsalita si Luisa at nakatingin lang kay Ariel.

"Ano ang plans mo ngayon?" tanong ni Ariel.

Hindi agad nakapagsalita si Luisa. Bumuntung hininga muna ito.

"If... that's what he wants. Ibibigay ko." sabi ni Luisa. "Actually, I'm hating myself crying like this."

"Why?" tanong ni Ariel.

"Because I have been an unfaithful wife that's why." sagot ni Luisa, namumuo muli ang mga luha sa mga mata nito. "I don't have the right to cry and feel sorry for myself because ako ang unang nangaliwa."

Lumapit si Ariel sa tabi ni Luisa at niyakap ito. "Don't blame yourself like this. Kasama mo rin ako sa kasalanang ito. But I only did it because.... because I love you so much."

Umangat ang mukha ni Luisa at nagtama ang mga mata nila.

"I love you Luisa." bulong ni Ariel. "I love you so much that even though kinasal ka na kay Julian, hindi ko magawang mag-step aside na lang. It's unfortunate that I never had a chance na maligawan ka nuon. Girlfriend ka na ni Julian nung makilala kita so I never had a chance talaga.. Sana, ikaw ang asawa ko ngayon at..."

"... ikaw naman ang asawa ko?" bulong ni Luisa.

Tumango-tango si Ariel bago sumagot. "Yes."

Nakatitig silang dalawa sa isa't isa as if ngayon lang nila nakikita ang totoong pagkatao ng bawat isa.

SAMANTALA, sa isang park naman ay magkasabay na naglalakad si Julian at Dina. Nakaakbay si Julian kay Dina at tinitingnan naman ni Dina ang ultrasound picture ng baby nila.

"Ang weird ng feeling." sabi nito kay Julian habang tinitingnan ang picture.

"What do you mean?" tanong ni Julian.

"Hindi ako makapaniwala na magiging mommy na ako." sagot ni Dina. "Nakakapanibago."

Ngumiti si Julian at kinapa ang tiyan ni Dina.

"Wala pa pong bulge yan ano?" sabi ni Dina.

"I know." sagot ni Julian. "I just want to feel our child."

Ngumiti si Dina. "Bakit? Excited ka na bang maging daddy?"

"In a way, yes." sabi ni Julian. "Yan ang first born ko. If only..."

Biglang tumahimik si Julian. Niyakap naman siya ni Dina.

"Did she know na ba?"

Tumango si Julian. "I told her six hours ago."

"What did she say?"

Ngumiti si Julian at umiling. "It doesn't matter. The important thing is... it's over for us."

"Are you sure sa decision mo?" tanong ni Dina. "You don't have to do this. Kaya ko namang buhayin ang bata at ayokong ipilit ang sarili mo sa amin kung hindi mo naman ako mahal."

"I love you Dina." biglang sagot ni Julian. "Hindi pa ako kinakasal kay Luisa, mahal na rin kita. Ang problema lang ay nung maging secretary kita, girlfriend ko na si Luisa and...."

"... and what?" tanong ni Dina.

"I'm twenty nine and you're just above twenty."

"It's only a couple years." sagot ni Dina. "Yung iba nga diyan twenty years ang tanda ng lalaki."

"Okay you got me there." sabi ni Julian.

"But seriously Julian," seryoso ang tanong ni Dina, "what really made you decide to split up with her?"

"I love you." sagot ni Julian. "I love you and our baby."

"You're hiding something." sagot ni Dina. "I can feel it."

Bumuntong-hininga si Julian. "I have my reasons."

"What is it? Come on!"

"Please." pigil ni Julian. "This is something I could not tell you. Please understand."

Tumahimik sandali si Dina, maya-maya'y hinalikan nito sa labi si Julian.

"I don't need to know." sabi nito. "Thank you for choosing me."


ITUTULOY

Post a Comment

Post a Comment

Emoticon
:) :)) ;(( :-) =)) ;( ;-( :d :-d @-) :p :o :>) (o) [-( :-? (p) :-s (m) 8-) :-t :-b b-( :-# =p~ $-) (b) (f) x-) (k) (h) (c) cheer
Click to see the code!
To insert emoticon you must added at least one space before the code.

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.