by Farut Barbakusi
"Hey, I didn't know you're still awake?"Ala-una ng madaling-araw dumating ng bahay si Julian at nagulat ito ng makitang gising pa si Luisa at naghihintay sa kanya.
"We have to talk Julian." sagot ni Luisa.
"I thought we're clear on this." sabi ni Julian habang umuupo sa silya na nakaharap kay Luisa.
"Julian..." bigkas ni Luisa. "There is another reason for this split up am I right?"
Natawa sandali si Julian. "What made you think that?"
"Julian." bigkas ulit ni Luisa. "Wala pang one year tayong kasal. Bakit nakikipaghiwalay ka na agad sa akin?"
"Come on Luisa." sagot ni Julian. "You know the reason."
"Yes!" sagot ni Luisa. "Mayroon kang ibang babaeng nabuntis and it turns out mas mahal mo yung babae kaya magiging balewala ang kasal natin. But Julian, merong ibang mga lalaking nakabuntis din ng iba pero hindi sila nakikipaghiwalay sa mga asawa nila!"
Hindi nagsalita si Julian, nakatingin lamang ito kay Luisa.
"Please, Julian." sabi ni Luisa. "Please tell the real reason. Kung talagang maghihiwalay tayo, I deserve to know the truth."
"You really want to know the truth?" tanong ni Julian. "Are you sure you're ready for it?"
"The whole truth Julian." sabi ni Luisa. "The truth."
"Okay." sabi ni Julian pagkatapos ay tumayo sa pagkakaupo at pumunta sa mini-bar sa gilid at nagtimpla ng maiinom. "I know you're having an affair Luisa."
Natigilan si Luisa. "What?"
Humarap si Julian na may hawak na alak. Nilagok muna niya ito bago nagpatuloy. "I know about you and Ariel."
Tuluyan ng hindi nakapagsalita si Luisa. Lumapit si Julian at umupo ulit sa silya niya hawak pa rin ang baso ng alak.
Umangat ang mukha ni Luisa kay Julian. "How long?"
"Oh, I guess I've always known." sagot ni Julian. "The first time na pinakilala kita kay Ariel, nahalata ko agad ang attraction ninyo sa isa't isa. At the same time, I also knew na nahuli ka ni Ariel after mag-sex sila ng girlfriend niya."
Tumahimik ulit si Luisa, pinikit niya ang mga mata niya at may namuong luha dito. Lumagok ulit ng alak si Julian.
"And our first night as husband and wife? You mentioned his name when you climaxed." patuloy ni Julian. "Yes, Luisa. I always knew there is something about you and him."
"Julian." bigkas ni Luisa ngunit hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin niya. Parang may bato na naipit sa lalamunan niya kaya't hindi niya mailabas ang gusto niyang sabihin. Ngunit ano ba talaga ang maaari pa niyang sabihin? Alam na ni Julian ang kataksilang ginagawa niya. Ano pa ang maaari niyang sabihin?
Tumulo ang luha ni Luisa. Tumungo ang ulo niya at tuluyan na siyang humagulgol. May katagalan din siyang umiyak hanggang maramdaman niya ang kamay ni Julian na humaplos sa buhok niya. Inangat ni Luisa ang ulo niya at nakita niyang luhaan din si Julian. Tumayo siya at niyakap ang asawa. Pareho silang nagyakapan. Mahigpit.
"Julian I'm sorry." bulong ni Luisa habang patuloy ang pagtulo ng luha niya. "I'm sorry. Nagpadala ako sa init ng katawan. Hindi ko nakayanan ang tukso Julian. I'm sorry, I'm sorry..."
"I'm sorry too Luisa." bulong ni Julian. "I'm sorry that hindi ko nakita from the start na hindi ka pala para sa akin." Umangat ang mukha ni Luisa at nagtama ang mga mata nila.
"I should've known that you belong to someone else, to Ariel. But I love you so much that I thought mawawala din ang attraction mo kay Ariel kapag nakasal na tayo at mapupunta ka ulit sa akin."
"No, Julian." sagot ni Luisa. "I love you. I also love you so much."
Ngumiti si Julian habang may luha ang mga mata niya. Pagkatapos ay sumagot siya na garalgal ang tinig. "But you loved him more."
Hindi nakapagsalita si Luisa. For the first time ay bumagsak sa harapan niya ang katotohanan. The truth. Mahal niya si Julian. Pero mas mahal pala niya talaga si Ariel.
"I'm sorry." sagot ni Luisa at unti-unting lumayo kay Julian.
Tahimik na pinagmasdan siya ni Julian habang unti-unting umupo si Luisa sa silya. Pagkatapos ay lumabas din sa bibig niya ang tinig na garalgal pa rin. "That's why I have to go."
Marahang tinungo ni Julian ang kuwarto nila at nagsimulang mag-impake ng mga damit niya. Hindi nagtagal ay lumabas na si Julian dala ang dalawang maleta. Nakaupo pa rin si Luisa sa silya niya at mukhang stunned pa rin sa nangyayari. Ibinaba muna ni Julian ang mga gamit at nilapitan si Luisa.
"I'm leaving na." sabi ni Julian. "Are you going to be okay?"
Tiningnan muna siya ni Luisa pagkatapos ay unti-unting tumango ito. Hinaplos ni Julian ang mukha ni Luisa pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti si Julian pagkatapos ay tumayo na. Bago siya makatalikod ay naramdaman niyang inabot ni Luisa ang braso niya.
"How about you?" tanong nito. "Are you going to be okay?"
Nilingon siya ni Julian pagkatapos ay tumango. "Yes. I'm good."
Tumayo si Luisa at niyakap ng mabuti si Julian. "I hope she'll be a better wife. Whoever she is. I really hope you'll be happy with her."
"Hey." bigkas ni Julian na nakangiti. "I was happy with you."
Ngumiti si Luisa at niyakap lalo ng mahigpit si Julian. Pagkatapos ay bumitaw na siya at hinatid ang dating asawa sa labas ng bahay. Ipinasok muna ni Julian ang mga gamit sa loob ng sasakyan, pagkatapos ay bumalik kay Luisa na nakatayo sa labas ng bahay.
"You can stay here." sabi ni Julian. "I won't contest the ownership. Pareho naman nating pinundar ang bahay na ito."
"Thank you," sagot ni Luisa, "but I think it's better we sell it na lang."
"Are you sure?" tanong ni Ariel. "Look Luisa, hindi kita guguluhin if that's---"
"It's not that Julian." sabad ni Luisa. "It will be wrong to stay here after what happened to us. Thanks but, I think I will feel better if we sell the house na lang. Really."
Tumango si Julian. "If that's what you want, okay." Lumakad papuntang sasakyan si Julian, maya-maya'y tumalikod ulit ito at binalikan si Luisa. Nagyakap ang dating mag-asawa, mahigpit.
"I want you to be happy Luisa." bulong ni Julian. "I want you to live your life again." Pagkatapos ay tiningnan niya ang mukha ni Luisa. "Don't stop living because of what happened. Give my regards to Ariel."
And just like that, nawala na sa buhay ni Luisa si Julian.
ITUTULOY
Post a Comment