by: jason_the_jackal
Hapon na ako nag report sa opisina matapos matulog. Sinalubong agad ako ng dalawang ahente.“Sir, hihintay ka ni director..”
“Dumating na ba.. bilis ah.. sige..”
Bago ako umabot sa kwarto ng aking amo, si Director Aragdon, naririnig ko na ang hiyawan, tawaman. Mukhang nagkakasiyahan.
Pagbukas ko sa kanyang pinto, naroon ang mga department heads, at iba pang senior agents ng aming bureau. Nakita ako ng aking amo. Nakangiti.
“Putang ina… Dave… hayop ka… ikaw pala mismo ang kumana..”
“Sir..?” hindi ko agad nakuha ang kanyang paunang salita.
“Eto pinag pipiestahan namin ang mga pictures habang binabarurot mo yung suspek.. tangina ka… ha ha ha ha…”
“tingnan mo yang ari mo oh, hayop sagad na sagad sa puke ah! Hahahaha..”
Kinuha ko ang printed picture. Shit, talagang sapol na sapol ang aking mukha. Tumawa ako. Naka ngiti rin at nag iingay ang mga tao sa loob ng silid ni Sir.
“Putris, bakit di ka gumamit na lang ng asset natin ha..?” nakatawang tanong pa rin ni Director.
“He he… gusto ko Sir i-try ang threesome..”
“Puta, ang libog mo talaga…..”
Nagtawanan ang buong kwarto.
“O siya sige, ikaw na muna dun sa mga suspek, may hinihintay akong mga taga DOH daw, tang ina, ano na naman kaya ang problema..”
“Sige sir..”
———- ——— ———-
Sa aking opisina, naka upo si Rommel at si Cathy. Walang imik, nakayuko. Kasama ko dito ang iba pang ahente at asset, na kaagad nag timpla ng aking kape.
Nagulat si Rommel ng makita ako.
Naka long sleeve, kurbata, at naka strap sa aking katawan ang holster kasama ang caliber 40 pistol. Nakasuot ako ng ID badge, naka-lagay ang malaking letra. NBI.
“Kumusta, Cathy, Rommel..” Naupo ako sa aking desk. Hawak ko ang kanilang folder.
Nakayuko lang ang mag asawa.
“Eight months, putris pinahirapan niyo kami. 80 complainants so far, parehas ang reklamo. Mag popost kayo ng mga blogs, sa mga sex sites. Inimbita niyo ng threesome. Matapos niyong pasarapin, nanakawin niyo ang mga gamit, alahas at sasakyan. At pagkatapos i-ba-blackmail ninyo ng mga kinuha niyong pictures. KAPAL NIYO AH!”
Nakayuko lang ang dalawa.
“Ilang buwan na ba kayong nag operate..?” tanong ko. Walang sumsagot.
Tinadyakan ko ang upuan, ‘BLAG’ namutla ang dalawa. “SAGOT!”
“T-two years two years na sir..” Nanginginig na sagot ni Rommel.
Kinabahan ako. Tinungo ko ang aking computer, at nag type para buksan ang gmail.
“Halika dito!” Dinampot na si Rommel ng isang asset.
Nanginginig si Rommel na lumapit sa aking desk top.
“Buksan mo ang email address mo..” Hindi ito gumagalaw.
“BUKSAN MO!… sisipain kita..”
Kaagad nagmamadali. Nagtype si Rommel, at nabuksan ang kanyang email. Tumambad ang daang daang mga sumasagot sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko. Binasa ko isa isa… iba iba, putang ina, hindi lang ata isang daan ang mga nandito.
“Roy, i-print mo nga ito, i-track ninyo ang IP address at i-locate ninyo ang mga taong ito…. Posibleng mga biktima pa sila..”
“Dami nito sir..”
“Sige na…”
May kumatok sa aking pinto, marahang nagbukas.
“Dave..” Si Aron, Senior Agent.
“Pare..”
“Tawag ka ni amo’, isama mo daw ang mag asawa .”
Nagtaka ako, kasi kagagaling ko pa lang duon. Ngunit wala akong nagawa, pina alalayan ko ang mag asawa.. para sabay sabay naming bisitahin ang aking Director.
Kung gaano kasaya ang inabutan ko kanina.. ganun kalungkot ang inabutan ko ngayon. Sa sofa ng opisina ni Sir, may naka upong mga tao, hindi ko kilala. Dalawang matandang babae at isang lalaki.
Si Director mismo ang nagpakilala sa akin ng mga bisita.
“Dave.. si Undersecretary Alonzo, Department of Health.” Lumapit ako habang tumatayo ang matandang babae.
“Hi, Attorney..” Sabi nito sa aken habang kinakamayan ako.
“Dave na lang ma’am..”
“Yes Dave.. with me are Doctor Rosario and Doctor Revilla. They are from San Lazaro hospital..”
Ewan kung bakit kumakabog ang dibdib ko. May hawak na folder ang mga kaharap ko.
“Natanggap namin ang reports na nahuli ninyo si Angela Losa at ang asawa nitong si Reggie….”
Naguluhan ako, hindi ko kilala ang sinasabi niya. Nakita ko si Director, senenyasan ang dalawang ahente na escort nina Rommel at Cathy.
Pinapasok.
Lumapit sa amin. Pinagmasdan ng mga doctor.
Tiningnan ang aming Amo at bahagyang tumango..
“Deffinately, she is Angela.. hindi kami maaring magkamali..”
“Angela…?” tinawag ito ng doctor na lalaki. Medyo napatingin ang babae na kilala kung si Cathy.
Lahat lang kami nakatayo sa opisina ni Sir. Malaki ito, kaya kahit ang ibang agents ay naka palibut din sa amin.
“Dave..” lumingon sa aken si Undersecretary Alonzo.
“Siya si Angela Gaspar-Losa. She is a fomer call center agent sa Makati way back in 2003 until na madetect siyang HIV positive, at na-quarantine sa San Lazaro. Dalawang taon lang, lumala ang sakit ni Angel, naging high risk ang case niya – – at three years ago, siya na ang number two bilang AIDS carrier patient ng DOH…
Nanlalambot ang tuhod ko, nanginginig ang laman ko sa mga naririnig. Ngunit nagpapatuloy ang doctor.
“Two years ago, tumakas si Angela, sumama sa kanyang asawa na si Reggie. Hindi na namin nasundan, kahit saan saan pa kami nag hanap… We’re very concerned Dave, na-aalarma kami. Alam namin na ibinubugaw ni Reggie si Angel, umabot sila mula Manila, Davao at Cebu… God forbid!”
Walang nagsasalita sa kwarto. Walang kumikilos. Hindi ki Angela/Cathy o Rommel/Reggie ang atension nila. Lahat ng mga kasamahan ko pati si director – – – nakatingin sa akin.
Nanlalamig, at parang pinagpapawisan ako. Nangnginig ang kalamnan.. hanggang sa tumalikod ako.. papalabas.. nadanan ko si Reggie.. nag tama ang aming balikat. Narinig ko pa ang manipis na boses nito.
“Naisahan din kita..”
THE END
Copyrights 2009, Jason, The Jackal.
Post a Comment