© jason_the_jackal
CHA:MAGDAMAG NA KAMI sa hotel. Magdamag na rin akong binabagabag ng kunsensiya. Nakailang beses na akong nagmahal, pero bakit lagi akong nasasaktan. Bakit laging ako ang api. Kung ipagpapatuloy ko ang relasyong ito, hindi ko alam kung saan hahantong. Nakaupo lang ako sa kama, mga ilang oras na lang aalis akong muli pabalik sa Singapore pero hanggang ngayon, walang malinaw at maliwanag na usapan kung kung ano ako sa kanya. Naluluha ako nang lumabas siya ng pinto sa CR. Nakatapis, galing sa shower.
“Di ka ba mag-sha-shower? Water is great.. you gonna love it.” Nagsindi siya ng sigarilyo, kahit alam niyang naka-aircon, kaya tumayo ako hinawi ang kurtina at binuksan ang bintana.
“Tim, paano naman ako..” Sabi ko. Nakaupo na ako sa isang silya. Paikot ikot siya ng ulo. Nakatayo malapit sa akin. Medyo may katabaan na ang katawan nito, balbon ang dibdib.
“Anong paano ka..?” Sabi niya.
“Ganito lang ba, sex, tapos, tapos na..?”
“Alam mo minsan di kita maintindihan, di ba ito ang gusto mo? Ano bang gusto mo sa akin..?”
“Gusto ko naman ng assurance. Where is this leading us..”
“Cha, paulit ulit naman tayo. May asawa ako. From the very start alam mo yan. May pamilya ako, may mga anak ka. Hindi ako pwedeng mag commit ng bagay na hindi naman doable.” Sabi ni Tim.
“Sabi mo hindi mo na siya mahal. Sabi mo me chance na maghiwalay kayo, hanggang kelan ako mag hihintay, hindi na ako bumabata. I need someone..na hindi lang sex.” Tumutulo ang aking luha.
Napaupo siya sa kama. Magkaharap kami.
“Look, hindi ako ang unang nag flirt Cha. I did’nt seduce you. Lahat ng tanong mo, sinagot ko ng deretso. Lahat ng mga problema ko, sinabi ko sayo. Nung unang meeting natin, sinabi ko sayo na may chance na magkahiwalay kami, pero huwag mo namang ipilit yan ngayon. Maliliit pa ang mga anak ko.”
Umakyat ang dugo sa ulo ko. Anong flirt, anong seduce ang sinasabi ng walang hiyang ito?
“Aba, baka naman nakakalimot ka na ikaw ang nag suggest ng relasyong ito. Anong flirtings anong seniduce!” Tumayo na ako dahil nanginginig na ako sa galit.
“Cha, calm down. Maupo ka. Two hours ago, sumisigaw ka, halos mabale ang titi ko while you were riding me, sabi mo ang sarap, eh saan nang galing yang drama mong yan ngayon?”
Aba! This guy is so fuckin freak!
Sa labis na galit, sinipa ko ang balls niya. Malakas.
TSUG!
“UGGGGG ARAYKUP TANG INA!” Sigaw ni Tim. Namilipit sa tabi ng kama.
“UMALIS KA NA NGA! This is the last time na makikita kita. Ayoko ko nang makita ang mukha mo or your damn idiotic rhymes and poetries ever sa aking Facebook wall. Fuck you!”
~~~~
Sinong hindi agad mai-inlove ki Tim. Nakapa lakas humatak ng bawat titik ng kanyang mga pangungusap. Parang liriko sa aking pandinig.
Sinong hindi madadarang sa tamis ng kanyang tinig. Si Tim ay isang makata. Pure and simple. Kung siguro ang hanap ko lang ay ang makakapuno sa aking pangangailangan pagdating sa kama, mananatili ako ki Tim. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan.
Napapailing ako sa aking sarili.
Akala ko nung maghiwalay kami ng aking asawa, makakahanap ako ng isang lalakeng hindi ako paiiyakin. Hindi ako sasaktan. Hindi ako bibigyan ng sama ng loob.
At kaya akong ipaglalaban.
Madaling araw na at papunta na ako ngayon sa airport. Kinundisyon ko ang aking sarili na iyon na dapat ang huli naming pagkikita ni Tim. Ayoko ng maglaro.
Alas singko ang aking flight, kaya pinag madali ko ang taxi. Nag ring ang aking phone at nakita kung tawag mula sa aking kaibigan na si Emily kaya agad ko itong sinagot.
“Sissy.”
“Hi, ano nasa airport ka na..?” Tanong niya.
“A, pababa na ako.. malapit na..”
“Ok, oh kumusta si Tim.”
“Ah langya, later mamaya mag online ako, I will tell you everything. Wala, walang kwentang tao yun.”
“Aww. Ok, ingat Sis.”
“Thanks Sis.”
Nung ibaba ko ang telepono, nasa airport na kami. Nag aantay ang taxi driver ng kanyang bayad. Inilagay ko ang telepono ko sa side pocket ng bag upang kunin ang aking wallet. Dumukot ako ng ilang peso bills at ini-abut ko sa taxi driver.
Pagtingin ko sa aking relo, 4:30 am na.
Maleletate ako sa boarding.
Nagmamadali akong bumaba. Halos patakbo na ako. Malapit na ako sa pintuan ng biglang atrasan ako ng isang lalake na may kakulitang isa pa sa daan malapit sa may pintuan. Naakapan niya ang sapatos ko kaya muntik na akong matumba. Pero dahil nakaharang ang hila kung bag, natisod siya dun at bumagsak sa ito sa sahig. Narinig kung tumunog ang tuhod at siko nito.
BLAG!
“S-Sorry.” Sabi ng lalaki. Pero namimiliit sa sakit. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa tingin ko desente naman ang dalawang ito pero parang mga batang nagkukulitan sa daan. Dinampot ko ang nalalaglag na hawakan ng aking rolling luggage at mabilis na lumisan.
“Ano ba kasi, grow up!” Bulong ko sa dalawa na sana’y hindi narinig habang naglalakad ako papalayo.
Pumasok ako sa loob, inihanda ko na ang aking ticket at passport upang maging mabilis ang pagpasok ko. Nakaligtaan ko ng tawagan ang mga anak ko upang magpa-alam. Peste talaga si Tim, marami tuloy akong nalimutan. Narinig kung boarding na ang aking eroplano at halos wala ng laman sa pila, kaya tumakbo na ako. Buti na lang umabot ako kahit ako na yata ang huli.
Humihingal ako, hanggang sa mapasok sa ako sa eroplano. I-deneklara ko na lang na hand carry ang rolling bag ko kasi maliit lang naman ito dahil kunti lang ang dala kung gamit. Balak ko sanang ipasok na lang ito luggage bin, pero nung kinakapa ko na ang aking I-Phone, wala ito sa pinagsidlan kung bulsa. Hinanap kong mabuti, wala.
Shit. Natakot ako. Napabuntong hininga.
Hindi ko namalayan pero sigurado akong nalaglag ko yun sa taxi. Gusto ko sanang bumaba baka mahabol ko pa, pero nakasara na ang pinto ng eroplano at nag bibigay na nag instructions para sa safety. Napaupo ako sa silya, naikungko ang noo sa head rest ng unahan.
Dios ko. Nandun ang mga important files ko, ang aking mga contacts. Wala pang tatlong buwan sa akin ang gadget na yun. Kumakabog ang dibdib ko sa labis na malas. Bakit ba kung minsan nagiging tanga ako, bakit dun pa inilagay. Tiyak nasa taxi yun at sana, maisuli ng driver. Sana makahanap siya ng nakakakilala sa akin.
****
Ako si Charissa. Cha ang karaniwang tawag sa akin ng lahat.
Mula pagkabata, determinado ako sa saking sarili na maging matagumpay sa lahat ng bagay. Bukod sa pakiusap at payo ng aking mga magulang, pinag igihan ko ang aking pag-aral. Consistent honor ako mula elementary hanggang high school, dean’s lister sa buong apat na taon sa kolehiyo at nagtapos ng Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Banking and Finance. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid na itinaguyod ng mag-isa nang aking ina buhat ng mawala ng maaga ang aking ama.
Nang makapasok ako sa Hongkong-Shanghai Banking Corporation, binigyan ako ng grant upang makapag aral ng Masters in Business Administration sa Asian Institute of Management sa Manila. Naging kaklase ko dito si Rolly at naging kaibigan. Scholar din siya ng Allied Bank. Siguro dala na rin ng kanyang magandang itsura at angking talino, medyo nahulog ang loob ko sa kanya. Patapos na ang aming special studies ng mauwi ang aming pagiging magkaibigan sa pisikal na relasyon. Madalas kaming magkita, madalas kaming magtalik sa nirerentahan niyang condo o kaya sa tinutuluyan kung apartment, kung wala ang aking mga kasama. Akala ko ito na ang aking magiging asawa dahil nararamdaman ko ang pagmamahal niya.
Nagkamali ako.
Nagdi-dinner kami sa isang restaurant sa Makati, sabado noon excited kung ibinalita sa kanya ang aking kalagayan.
“Buntis ako..”
Napansin kung tila hindi nalunok ni Rolly kinakain nito. Napainom ng tubig, namutla.
“Sigurado ka?” Nanginginig ang kanyang labi. Nagtataka naman ako, alam niyang expected ito dahil halos wala na kaming ginawa kundi magtalik sa loob ng tatlong buwan. At masasabi kung masarap na katalik si Rolly. Pero sa oras na ito, parang iba ang aura ng kanyang mukha ng sabihin kung nagdadalang tao ako.
“Sigurado, nag pregnancy test ako, tatlong beses dahil delayed ako. Yes, buntis ako.”
“Si-sige, pag usapan natin, kain muna tayo.” Sabi niya, ngunit parang malalim ang iniisip. Nawala ang kanyang konsentrasyon. Hinayaan ko muna ito dahil akala ko, dala lang ng pagkabigla. Siguro ay hindi niya ito inaasahan.
Natapos kaming halos walang nagsasalita sa aming dalawa. Pinakiramdaman ko ang mga kilos niya. Malalim pa rin ang iniisip.
“So, pano ako? Paano tong dinadala ko?” Naglalakad na kami sa path walk sa may Ayala magkatabi lang. Mahina ang mga hakbang sa paglalakad. Mag aalas nuebe na ng gabi kaya kunti na lang taong makakasalubong.
Kagyat siyang napatigil. Hinarap ko siya.
“Hoy, anong plano..”
Gusto kung sabihin niyang ‘Pakakasal tayo’, o kaya ‘pwede bang bigyan mo ako ng time, para masabi ko sa parents ko, pero pakakasalan kita’. O kaya, ‘Mag hintay lang muna tayo, pero pananagutan ko yan’. Kahit ano, basta magkasama kami.
Hindi sumagi sa isip ko ang sagot niya.
“Me asawa at anak ako Cha, nasa La Union.” Pagtatapat nito. Nakayuko.
Tumigil yata ang mundo. Tumigil yata ang mga relo. Lumipad yata ang lahat na kutsilyo at tumusok sa dibdib ko. Tumigil yata ang aking paghinga. Tama ba ang narinig ko?
“Me asawa ka? me anak ka?” Nanginginig ang labi ko. Umiinit ang aking mukha at tenga.
Tumango siya, marahan.
Humagulhol ako sa sama ng loob. Napaupo ako sa aming kinatatayuan. Nakapalda ako pero nawalan ako ng paki-alam sa paligid.
“Ba’t hindi mo naman sinabi..” Naiusal ko habang naghahabulan ang aking hininga bunga ng aking mga hikbi. Naiisip ko ang mangyayari sa akin, ang magiging tingin sa akin, ang reputasyon, ang aking pangarap.
Yumuko siya upang damputin ang balikat ko para sana‘y patayuin, ngunit inalis ko ang kanyang mga kamay. Me mga napapatigil ng mga tao na umuusyuso sa amin.
“Cha..” Mahinang tawag nito.
“I hate you..huhuhuhu!” Sabi ko sa gitna ng hagulhol.
Minsan, tanga ako.
***
Tanga nga siguro ako, pero hindi naman ako bobo. Hindi ko kayang pumatay ng tao, kaya hindi sumagi sa isip ko ang abortion. Itutuloy ko ito, kahit ako lang.
Hindi ko na siya nakita mula ng gabing magusap kami. Hindi na siya pumasok sa last three weeks ng aming klase at balita ko biglang nag resign sa pinapasukan niyang bangko. Ito na yata ang pinakamapait kung karanasan ng mga panahong iyon.
At yun, sa edad na 25, nag dadalang tao ako. Nag-iisa.
Bukod ki Gemma na kasama ko sa apartment, hindi ko na sinabi sa mga kasamahan ko ang aking pagdadalang tao. Ginawa ko ang obligasyon ko sa HSBC at tinapos kung makuha ang diploma sa AIM. Hanggang sa mga limang buwan ang aking sinapupunan. Hinarap ko ang aming manager at sinabi ang kundisyon ko. Pinayagan naman ako nilang bigyan ng meternity leave. Tatlong taon pa ang aking kontrata sa kumpanya dahil sa ibinigay sa aking grant, kaya ipinangako ko sa kanilang babalik ako. Hindi ko na hinanap si Rolly. Hiniling ko na lang na tamaan siya ng kidlat.
Umuwi ako sa amin sa Iligan City. Buti na lang tinanggap ako ng maluwang ng aking ina at mga kapatid sa gitna ng aking kalagayan. Tinulugan nila ako sa aking pagbubuntis hanggang sa maisilang ko si Ken. Sa gitna ng unos, si Ken ang nag bigay sa akin ng pag-asa upang magpatuloy. Siya ang naging inspirasyon ko kung muling makabangon.
Pero kailangan pa ang kunting sakripisyo, upang maisakatuparan ang aking mga pangarap na maging maayos ang aming pamumuhay. Magdadalawang buwan na si Ken, ng bumalik ako sa Makati upang tuparin ang pangako ko sa HSBC. Iniwan ko muna ang aking anak sa aking ina at bunsong kapatid dahil walang mag aasikaso nito sa Manila. Tuwing ika-dalawang linggo, umuuwi ako o kaya tuwing isang buwan, sila Mama at Ken ang pumupunta sa akin sa Manila.
Ganito ang mga naging routine ko sa loob ng mga sumunod na buwan at taon. Ang naging karanasan ko sa ama ni Ken ang nagpatibay at nagpamulat sa aking pagkatao na maging maingat sa pag-ibig. May mga nanligaw sa akin, pero parang naging mapait ang unang mga buwan ko kaya isinantabi ko muna ang aking puso. Mag iisang taon na ang aking anak ng muli akong magka boyfriend ngunit hindi nagtagal. Naging mas masalimoot na kasi ang aking schedule dahil sa madalas kung pag uwi.
Ang pag uwi ng madalas ang nagtagpo sa amin ni Benjie. Kaibigan siya ng aking kuya ngunit mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon. Si Benj ay may-ari ng shop na nagkukumpuni ng mga motoriklo kaya madalas sa kanya ang aking kapatid na mahilig sa bike racing. Tsinito si Benj at tulad ko, maputi at makinis ang kanyang balat. Kundi nga lang tuwing hapon eh puno ng grasa ang mga mukha, kamay at paa nito, may itsura siya kung nakaayos. At dahil madalas sa amin, nalaman kung nagtapos siya ng Mechanical Engineering at nakagpag trabaho na sa ibang bansa ng mga dalawang taon. Umuwi siya ng makaipon ng kunti at nagtayo ng negosyong ito, dahil pareho ng aking kapatid mahilig din siya sa bike racing.
Mabilis ang mga pangyayari sa amin ni Benj, dahil na rin siguro sa udyok ng aking kapatid at sariling ina. Tinimbang ko naman ang lahat, mula ng manligaw ito sa akin. Nakakaramdam ako ng sweetness, lalo na pag dinadatnan ko siyang kalaro o kalong kalong si Ken. Hindi naglaon naging magkasintahan kami. Patapos na ang kasunduan ko sa HSBC ng yayain niya ako ng kasal. At dahil halos kakampi ni Benj ang aking pamilya at nagustuhan ko na rin siya pumayag ako sa hiling nito. Limang buwan matapos siyang mag propose, ikinasal kami sa Iligan. Umuwi na ako ng tuluyan sa amin matapos mag resign sa HSBC at namasukan sa bagong bukas na bangko doon. Maayos naman ang bahay sa taas ng shop ni Benj. At malapit lang sa aming bahay. Karaniwan na para sa akin ang mga tao at ibat ibang mukha sa shop tuwing hapon, pero habang tumatagal, mas dumadami pa ang mga dumadayo sa amin.
Anim na buwan matapos ikasal kami, ipinagbuntis ko si Abby.
***
Ewan kung bakit magibat ang unang dalawang taon namin ni Benj. Hindi ko alam kung bakit nagkaka problema kami sa finances, samantalang sa tingin ko kumikita naman ang kanyang shop at kumikita naman ako. Maliliit pa at ang mga anak namin, kaya di pa gaanong malaki ang gasto, pero nag aalala ako kung bakit kinakapos ako. Nag bu-budget ako at naglilista hanggang sa pinakahuling kailangang sabon. Pero sa tingin ko may problema ng. Lagi akong kinakapos sa budget.
Hindi ako sana’y manghiram dahil hindi ko naman nga gawain, pero nung kinausap ko si Benj, uminit ang ulo niya. Kesyo trabaho ko ang budgeting at kesyo na sa akin ang pera. Baka daw ako ang me problema dahil may mga bagay na binibili kong hindi naman kailangan.
Bagama’t hindi ko sinabayan ang galit niya, kalmado lang akong nakipag usap, na sabi ko baka dahil mas tumaas ang dosage niya sa bisyo. Ang halos gabi gabing inom, at halos gabi gabi siyang wala.
Sumiklab ang galit niya kaya hinambalos ng kamao ang hapag kainan. Lumikwas ang mga plato at baso, na muntik pang tamaan si Abby na nasa tabi ko. Siguro dahil natakot, umiyak si Ken na nasa may tabi niya. Nagkasagutan kami sa unang pagkakataon dahil sa inasal nito sa harap ng mga bata. Kumalma siya nung makitang ako na ang galit. Di ko siya pinansin at kinausap sa loob ng ilang araw.
Sa ikatlong gabi, inamo niya ako. Humingi ng tawad. Nagpaliwanag na dahil lumalakas ang bills niya sa shop at dahil marami ang hindi pa nakakababayad lalo na sa mga piyesang binili mula sa aming bulsa. Naintindihan ko naman, kaya pinag bigyan ko siya agad, pero pinagsabihan ko na hindi maaring basta na siyang sisigaw sa harap ni Ken at Abby. Ngumiti siya at muling humingi ng tawad. Niyapos niya ako at hinalikan. Sa sex, para sa akin, sa lahat ay mas gusto ko ay si Benj. Iba ang resistensiya niya dahil hangga’t hindi ako nangangatog at nanghihina sa mahabang oras na pagsisiping, hindi siya titigil. Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang agimat sa bagay na ito.
Sa ika limang taon ng aming pagsasama, medyo minalas ako. Maganda na ang posisyon ko sa maliit na bangkong pinapasukan ko sa Iligan, pero walang ano-ano’y biglang nagkaroon ng malaking problema.
Nag umpisa ito nung ang isang costumer na may depositing seven million pesos ay humingi withdrawal ng six million pesos, para sa itatayo niyang negosyo. Nagulat ang management, kasi walang maagang abiso kaya humingi kami ng palugit na bigyan niya kami hanggang kinabukasan ng hapon. Pumayag ang depositor, pero hindi ko alam kung bakit hindi inasikaso ng aming management ang withdrawal request, upang mag abiso na sa central bank. Kung laman ng vault ang pag uusapan, maaring may nakatago kaming nasa five million pesos cash dahil sa patakarang naka deposito ang lahat ng pera sa bangko sentral.
Nung bumalik ang costumer at nalamang hindi pa siya makaka withdraw, nagwala ito nag sisi-sigaw sa sa loob ng bangko na maraming mga tao.
Nakalma lang nang paunlakan siyang makadala ng four million pesos. Pero hindi namin nakontrol ang ginawa ng costumer paglabas sa bangko. Nagpa interview ito sa isang lokal na radyo, dahil daw sa ginawa sa kanya at pinalaki nito ang apoy ng magbigay siya ng opinyon na wala daw pera ang bangko dahil baka daw ginastos ng may-ari sa itinayong hotel at resort.
Nagkagulo kinabukasan.
Daang daang mga depositors ang pumila sa bangko upang i-withdraw ang lahat nilang deposito. Nataranta kami. Sa huling talaan ng audit, merong kaming aabut sa three hundred million solid cash-in savings na dapat ay nakatago sa Central Bank. Dahil dapat kailangan ang abiso at dahil dapat makuha namin ang pera, hindi kami makapag pa unlak ng isahan sa lahat ng withdrawals. Nagalit ang mga tao at pinag babato ang aming gusali. Dumating ang mga pulis pero nagpatuloy ang stand-off hanggang gabi, bago kami nakauwi.
Nung sumunod na araw, isang note ang natanggap ko na pinag iipon kami ng may ari ng bangko sa kanyang resort at doun idineklara niya ang pagsasara. Babayaran kami ng separation pay depende sa taon ng serbisyo. Katakot takot na kaso ang inabut ng may ari, at pati mga empleyado hindi nakaligtas sa pangungutya at pananakit ng ibang naghihimotok na depositors.
Huli na ng mabalitaan kung ginamit nga ng may-ari ang pera sa kanyang ibang mga negosyo sa pagkakaakalang maibabalik niya ito sa loob ng anim na buwan, dahil sa apat na kasosyong nangako ng investments. Pero, tinakasan siya nung halos tapos na ang hotel at resort.
Hindi maiwasang marami ang magalit, lalo na nung nag take over ang Philippine Depositors Insurance Corporation at inabisuhan ang lahat sa may mga naka deposit na isang milyun pataas, five hundred thousand pesos na lang ang makakabalik sa kanila – que si hoda ilang milyun ang naipatago sa amin. Apat na linggo matapos nito, binaril sa ulo ang aming bank manager habang namamalengke sa Iligan City Public Market.
~~~
Nanatili muna ako sa bahay upang asikasuhin ang aking mga anak. May plano pa naman akong mag trabaho pero iniisip kung ipagpaliban muna ito, dahil plano kung lisanin ang Iligan bunsod ng pangyayari. Maliliit pa noon sina Ken at Abby at hindi ko pa basta maiiwanan.
Ngunit ng namalagi ako sa bahay naging mainitin ang ulo ni Benj. Lagi kaming nag aaway kahit walang kwentang bagay. Halos napabayaan nito ang shop kaya dumalang ang costumer. Humina ang kita kaya sumakit ang ulo ko sa mga pumapatong na bills at iba pang bayarin.
Ang pinakamatinding dagok, ay ng marinig ko sa balita na nasa costudy ng mga pulis si Benjie. Kasama raw siyang dinampot sa isang pot session, nang mag-raid ang Philippine Drug Enforcement Agency sa bahay ng kanyang kaibigan.
Sa unang pagkakataon, humiram ako ng pera sa aking nanay at kapatid upang pampiyansa ki Benjie. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niya ito sa aming mag iina. Unay inunawa ko siya, dahil umiral ang aking awa at habag.
Pero lalong tumatagal, mas lalo siyang nalulong sa shabu. Nagkapang abut na sila ng aking nakatatandang kapatid na lalake kaya nagulpi ito. Binalaan siya na asikasuhin kami, pero bingi si Benj.
Maraming taon akong nagtiis, hanggang sa muli itong mahuli. Sa pagkakataong ito, hindi dahil user. Hinuli siya dahil nagtutulak na siya. 44 grams ng solid drugs ang nakuha sa kanya, kaya wala itong piyansa.
Ang mga kamag anak ko na ang nakiusap sa akin na iwanan ko na ang aking asawa. Nag-usap pa kami sa kulungan. Muli siyang humingi ng tawad. Nangako. Iniyakan ko siya. At parang mabigat na ang lahat.
Mahigit na siyam na taon na nagtiis ako. Sa payo ng aking kuya at ina, at dahil na rin sa aming kalagayang mag iina, nilatagan ko si Benjie ng Annulment of Marriage. At dahil convicted siya sa kasong drug abuse at drug pushing mabilis na naproseso ang aming legal separation.
Mga dalawang taon pa bago siya nakalaya, matapos tulungan ng mga kamag anak nito na ma-reverse ang desisyon ng Regional Trial Court na nilakad nila sa Appellate Court. Nakitaan kasi ng violations sa rules of engagement ng isagawa ng mga otoridad ang pag huli sa kanya. Napatunayang walang testigo mula sa barangay o kahit private citizen ng isumite ang affidavits ng composite team na nakunan umano siya ng shabu.
Nung panahong ito, wala na ako sa Iligan, nasa Manila uli ako at nag ta-trabaho sa isang Asian Investment Company, na pag-aari ng isang multi billion conglomerate.
Tatlong taon pa ang nakalipas, tinanggap ko ang alok sa akin sa isang Finance and Auditing Firm sa Singapore.
~~~
Mga alas dyes na ng umaga ng makarating ako sa aking apartment sa Singapore. Sinalubong ako ni Manang na nakangiti, ang caretaker na isang local, na halos naging ina at ate ko na sa pamamalagi dito.
Malapit lang ang opisina namin sa apartment na libreng ibinigay ng aming kumpanya. Malungkot dito dahil malayo ako sa aking mga mahal sa buhay lalo na ang aking mga anak, pero mas minarapat ko na ito dahil sa tatlong bagay. Una, maganda compensation package; Pangalawa, upang makalimot sa mga mapait na naganap sa aking buhay sa sariling bansa at ang Ikatlo, ay upang ilayo ang aking sarili sa mga mapanuksong mundo ng mga lalake umaaligid sa akin – na isang bagay lang naman ang kailangan. Inisip kung isara na ng tuluyan ang aking puso ng magampanan ko ng lubusan ang pangangailangan ng aking mga anak.
Hanggang sa matagpuan ko ang social networking. Na-aaliw ako sa gitna ng maraming trabaho dito sa ibang bansa. Marami akong nakilala na tulad ko may mga suliranin din sa buhay at pinag kaitan din yata ng kasiyahan. Dito ko na rin nakilala si Emily.
Kahit nasabi kong iniiwasan ko ng umibig muli at kahit nasa malayo ako, dumarating pa rin ang mga pagkakataon ng pangangailangan. Noong una, inisip kung mag karoon lang relasyon upang maibsan ang aking kalungkutan kahit walang commitments. Dito ko nakilala si Tim. Mas bata siya sa akin. May asawa at may mga anak. Sa kabila nito, nabihag ako ng mga magaganda niyang tula sa Facebook. Naging magkaibigan kami
Hanggang sa magkita nung una akong umuwi, tatlong taon na ang nakararaan. Nagtalik kami. Naging routine na magkikita kami tuwing uuwi ako sa Pilipinas. Pero habang tumatagal, nakaramdam ako ng insecurity. Parang gusto ko ng kasama. Yung mamahalin ako at sasamahan ako hanggang sa pag puti ng aming mga buhok. Hindi ito maibigay ni Tim. Hanggang sa naganap ang nangyari kagabi, bago ako umalis pabalik dito sa Singapore.
~~~
Naiayos ko ng muli ang aking mga gamit. Natuwa na si manang sa pasalubong ko sa kanyang hopia. Binuksan ko ang aking laptop saka nag shout sa aking wall.
Lost my phone. 😦
Wala naman masyadong aksion ang mga friends ko, kaya natulog muna ako dahil sa pagod at puyat. Mag-aalas tres na ng hapon nung magising ako. Nakalatag na sa mesa ang dapat sana’y hapunan na niluto ni Manang, kaya saglit akong kumain.
Pagbukas ko ng aking I-Pad, nakita ko ang message ni Emily sa PM na parang kararating lang.
Emily: Sissy, reply ka asap. Me kausap ako now, Carl daw. Nakuha niya daw ang I-Phone mo, at nag hihintay ng instructions.
Mabilis kung sinagot si Emily.
CHA: HA? AY THANK GOD SIS 😀
CHA: Baka naman pwede mo makuha Sis, padalhan ng kita ng cash para mai-ship papunta dito ang phone, andiyan ang mga files ko. 🙂
Typing message…
EMILY: Sure, sige i-meet ko siya now.
CHA: Thank you sis. 😀
Gabi na nung muli kaming mag usap ni Emily. Nakuha na niya ang phone, at pinag usapan namin ang details kung pano ito maipapadala sa akin dito. Naikwento ko ang nangyari sa amin ni Tim. She feels sorry sabi niya, pero siguro yun na daw ang pinaka mainam na desisyon.
~~~
Tatlong araw na ang nakalipas. Gabi. Tapos pa lang akong mag dinner, nakita ko ang friends request mula sa isang lalake na ang pangalan ay John Carlo Amarillo at recommended ni Emily. Hindi ako basta nag-a-add ng mga hindi ko kilala, pero dahil suggested ng aking kaibigan, pinindot ko ang accept button. Sa isip ko makilatis lang..
Binitawan ko ang I-Pad sa mesa upang kumuha ng tubig na maiinom sa ref. Napatingin sa wall kung saan nakasabit ang LCD TV. Pinanonood ni Manang sa BIO Channel ang life story ng artistang si Paul Walker. Nalungkot ako. Nung gap ang palabas, binalikan ko ang aking I-pad. Nagulat ako dahil may PM.
CARL: Hi, thanks for the add. I’m the one who found your I-Phone. Nakuha mo na?
Ah, siya ang nakakuha ng phone ko, kaya pala sinuggest ni Emily. Naupo ako at nag type. Mabilis saka nag send.
CHA: Aha, ikaw pala ang salarin. Hahaha.
Pero napaisip ako, bat ko naman sinabing salarin? Kaya nag type uli ako.
CHA: Yes, nakuha ko na. Salamat. 😀
Typing message…
CARL: Buti naman. Hinabol ka pa namin, kaya lang ambilis mo eh.
Hinabol? hindi ba ito yung taxi driver? Iniwan niya ang sasakyan niya? Teka pano niya nakuha ang phone?
CHA: Wait, pano niyo po nakuha?
Typing message…
CARL: Natumba ako sa bag mo. Yung papasok ka sa door?
Inalala ko ang mga tagpo. Mabilis akong naglalakad papasok sa airport, dahil 4:30 AM na. Ah, teka me natisod nga! Tama. Yung dalawang lalake.
CHA: Ampt! Kayo ba yon? ang kulit niyo ha, nagmamadali ako nun. 😀
CARL: Sorry.
CHA: Hindi ok lang. Tingin ko nasaktan ka ah. Ok ka lang? :p
CARL: Am ok. Ayos na.
CHA: Ok, that’s good. O sige. Thanks sa pagbabalik ng phone.. :p
CARL: Yes. Welcome. Again, thanks for the add.
CHA: No prob. Sige, Ciao! :p
Tiningnan ko ang ilang picture ni Carl. Hindi gaano malinaw ang profile niya. Baka nga hindi ito ang itsura nito. Pero, ok na rin. At least ibinalik niya ang cellphone ko.
~~~
Ilang gabi ang makalipas, nagkukulitan kami sa post ni Emily.
WE’RE OVER FORTY, SEXY AND STILL MADLY IN LOVE.
Mahaba na ang thread dahil kung ano-ano na ang pinagkukuwentuhan namin. Lalo na pag dating sa tagumpay nilang romansa. Kahit zero ako ngayon, nagbabato rin ako ng mga side comments. Walang ano-ano, biglang nakisawsaw itong bago kung friend na si Carl sa usapang Sexy at 40’s.
CARL: Sana makahanap din ako ng lovelife na over 40. :p
Nag-antay ako. Sinagot siya ni Emily.
EMILY: Marami diyan bro. :p
CARL: Papayag kahit me mga anak ako? Hahaha.
EMILY: Oo naman. Hahaha.
Medyo bumilib ako dito ki Carl. Kadalasan sa mga lalake lalo na ang mga mature, pag nambobola sinasabi hiwalay siya sa asawa. Walang nababanggit na anak. Parang ikinahihiya na meron silang mga bagahe upang magpa-impress ng mga babae. Pero itong si Carl, kakaiba. Proud na may mga anak siyang kasama habang naghahanap ng lovelife.
Interesting. Makilatis nga ng maayos. Nag private message ako.
CHA: Pssst.
Typing message…
CARL: Yes?
CHA: Ilang taon ka na ba?
CARL: 42.
CARL: Ikaw?
CHA: Hmm. 43.
Hm, a year younger, baka puwede. Kumusta kaya ang status nito. Tiningnan ko sa kanyang profile, walang nakalagay. Matanong nga.
CHA: Me sabit ka ba?
Hindi agad nag reply ang loko.. ilang saglit lang.
Typing message..
CARL: Separated. Ikaw?
CHA: Annulled.
CHA: So, technically, married ka pa?
CARL: Technically yes.
CHA: Ilang taon na siyang wala?
CARL: Seven years.
CHA: So, ilan ang naging love life mo nung nawala siya.
CARL: Wala.
CHA: Niligawan?
CARL: Wala.
IMPOSIBLE! Sigaw ng utak ko. Tawa ang ni-reply ko.
CHA: Hahahahaha.
Musta kaya ang sexlife nito. Aber at matanong.
CHA: ONS?
Hindi na naman agad nagreply. Nagbibilang siguro.
Typing message…
CARL: Anong ONS
Napakunot ako ng noo. Di niya alam?
CHA: Ons. Di mo alam?
CARL: Hindi nga, anong ONS..
CHA: One Night Stand.
CARL: Ahh.
CHA: So, ilan?
CARL: Wala.
Anak ng… ako ba pinagloloko nito. Sa isip ko lang. Meron bang ganun? Hindi ako makatiis. Natawa ulit ako.
CHA: Hahahahahahaha
CARL: Kanina ka pa, anong nakakatawa dun?
CHA: Gaga. Sinong binobola mo ako. Hahaha.
CARL: Cha, huwag kang maniwala. Hindi naman yan sapilitan. Nagtanong ka sinagot kita. Ano ba naman ang mapapala ko kung magsisinugaling ako. It’s up to you.
Kung titimbangin nga naman, wala naman reason para sabihin niya ang mga bagay na ito. Ano ba naman ang mapapala niya kung magsisinungaling. Sige, pagbibigyan ko siya.
CHA: Kunsabagay. :p
~~~
Doon na nag-umpisa ang aming madalas na PMs.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit magaan ang loob ko sa kanya. Siguro dahil very open siya sa kanyang personal life sa akin. Siya ang unang nag send ng pictures nilang apat, kasama ang tatlo niyang anak. Tingin ko masaya naman. Binigyan ko siya ng kunting detalye ng aking pagkatao. Nasabi ko nanasa Singapore ako sa isang financial firm bilang finance auditor. Hindi ko itinago ang dalawa kung anak. Tulad niya, kahit hiwalay ako sa asawa, proud akong nanay dahil mababait sina Ken at Abby.
Halos gabi-gabi nagcha-chat kami. Nagkukumustahan. Nagulat na lang sa ika apat na araw, pinasabugan niya ako ng bomba. Nabigla talaga ako. Pero na-excite naman ako ng sabihin niyang..
CARL: Liligawan kita.
Kinilig akong parang teenager. Ambilis, pero gusto ko.
CHA: Ampt! Ambilis naman. Hahaha.
CARL: Please don’t laugh. Liligawan kita. At sa oras na ito naguumpisa na ako.
Kumabog ang dibdib ko.
CHA: Ikaw ang bahala. :p
Misteryoso para sa akin ang Carlong ito. May sincerity pagkausap na nararamdaman ko. Dati, hindi ako nagba-babad sa mga PMs lalo na kung walang latoy ang kausap. Pero si Carl, natuto akong magpahalaga, lalo na’t alam kung mahirap ang maging tatay at the same time nanay sa mga anak niya. Naghahatid, nagsusundo, nagluluto, pupunta sa kanyang farm, magpapahinga, gigising ng maaga para ipag handa muli ang mga anak, gagawa ng baon, maghahatid. At pag nakakuha siya ng tiyempo, kausap ako. Tila ako ang napapagod sa routine niya araw araw. Hindi tuloy maikakaila na medyo mahabag ako kaya paminsan minsan, inaalam ko kung inaalagan ba naman niya ang sarili.
CHA: Kumain ka na?
CARL: Hindi pa, later pa. Ikaw?
CHA: Kakain na ako, hindi ako pwedeng magutom.
CHA: Anong niluto mo?
CARL: Walang masyado, tortang talong at nag prito ako ng galonggong.
CHA: Namimiss ko yan, masarap yan. :p
Totoo naman. Magaling magluto si Manang, lalo na sa mga gulay na halos pareho rin ng nabibili sa Pilipinas, pero ang mga ganyang lutong bahay na mga simple lang, naglalaway ako. Nakaka-miss.
Nai-impress naman ako dito ki Carlo dahil marunong magluto. Parang nakakatakam minsan ang mga pino-post niyang pictures sa Facebook. Gusto ko one time, makatikim ng kanyang obra sa kusina.
At dahil very proud father, naging lambing ko na sa kanya na tawagin siyang Itay. Minsan nangingiti ako sa tawag niya sa akin nitong mga huli..
CARL: Palalabs…
CHA: Tay. How r u?
CARL: Ang init. Nasunog yata ako sa farm.
CHA: Kumusta ang mga kids, andiyan na?
CARL: Oo, nasundo ko na.
Biglang lumakas ang hangin. Wala si Manang, siguro lumabas ang lola, kaya tumayo ako upang isara ang mga bintana. Isinara ko na rin ang pinto at ang ibang ilaw. Saka ko binalikan ang aking i-pad sa mesa. Dinampot ko lang, at pumasok sa aking silid. Dumapa ako sa kama. Me massage na siya.
CARL: Kailan ka ba uuwi? Gusto kitang makita.
Hm. Nag isip muna ako, sure gusto ko siyang makita. Uuwi ako para isang planadong tour sa Palawan at magpapa despedida ako ki Ken na aalis para sa kanyang one year apprenticeship sa Magsaysay Shipping Lines. Nag leave ako sa katapusan ng buwan. Kaya sinagot ko siya.
CHA: Buti naitanong mo. Ahahaha. :-p
CARL: ?
CHA: Uuwi ako three weeks from now.
Typing message…
CARL: Talaga. Wow. That’s nice.
CARL: Kelan mo ako sasagutin Palalabs?
Sa pagkakataong ito medyo naseryoso ako. Madali ang pagpasok sa relasyon. Madali ang pag bigay ng commitment. Pero if this guy is for real, gusto ko maayos na usapan. Hindi pa kami nagkikita ng personal, ni hindi ko alam kung ano talaga ang totoong itsura niya, ugali at mga bagay bagay na hindi niya nababanggit sa akin. Kailangan pag isipan ang lahat. At kailangan pag usapan ng maayos.
CHA: Ayoko ng mag-laro Carl. Pagod na ako. Matanda na ako. Gusto ko companionship na totoo. Magkita muna tayo at nang masagot ang mga bagay bagay.
Sana maintindihan niya. Oo medyo malapit ako sa kanya. Inaamin ko siguro me crush ako sa kanya. Pero gusto kung makatiyak na totoo siya.
Ayoko ko na kasing umiyak.
~~~
Biyernes noon. Marami ang dapat gawin sa aking desk, pero boring ang hapon. Gusto kung i-relax ang isip ko kaya inaaliw ko sana ang sarili ko habang kausap si Carl. Sukat ba namang nasa kalagitnaan ako ng aking pagsalaysay ng mga hinanakit ay bigla itong nagreply.
CARL: Palalabs, may mga naka online na ayaw kung kausapin. Out muna ako.
At yun. Bigla ngang nawala. Hindi man lang inantay ang aking opinyon, o siguro binasa ang mga kwento ko, bigla na lang nawala. Nawala dahil may mga iniiwasan? Nawalan ako ng gana. Nag hintay pa ako ng mga 30 minutes, wala. Isang oras wala. Uminit na ang ulo ko kasi gabi na wala pa ring katok o pasabi kung nasaan siya. Hindi ako nakatiis, sumigaw ako sa aking wall.
‘Yung bang tipong iiwan ka dahil may mga iniiwasan. Eh pwede naman mag off line, pero tuloy ang usapan. Nakaka-asar lang!.”
Wala pang limang minuto, meron na itong 460 likes.
Merong 22 comments na karamihan, ‘relax.’
At merong gustong makikampi upang bugbugin kung sino ang binabanggit ko. Meron din na-curious, kung sino at ipinag hihimutok ko, dahil tila naamoy nilang may inaantay akong ka-PM. Hindi ko na ito sinagot. Nahiga muna ako sa kama. Ang sakit ng ulo ko.
Anim na oras matapos mawala si Carl, biglang nagpop ang PM niya. Naka offline pero may message. Halatang natakot.
CARL: Ako ba ito?
Nagtanong pa? At naku siguro me pagkatanga, nag like pa sa status ko. Naasar talaga ako.
CHA: Ay hindi.
CARL: Ako to, sorry na.
CHA: Amf! Pwede mo naman kasing i-offline. Alam mo ba yun? Tapos iiwan mo ako.
CARL: Sorry. Me gagawin kasi ako. Susunduin ko ang mga bata.
At nagpapalusot pa? Hindi naman yan ang point ng argumento kaya sinagot ko siya.
CHA: Secondary reason na lang yan eh. Yung unang reason ang hindi ko maintindihan.
CARL: Sorry.
Sa totoo lang, na-miss ko siya. Ewan kung bakit nagalit ako sa maghapon dahil di ko siya nakausap pero na-miss ko siya. Lumambot ang puso ko dahil sa ‘sorry’. Ano pa bang pinaka effective na paglalambing na hindi halatang nagtampo ako, kundi ang magtanong na..
CHA: Kumain ka na?
~~~~
Masaya na ang mga usapan namin ng mga sumunod na minuto. Di ko nga napansin, mag aalas dos na pala. Siya sana ang inaantay kung magpaalam kasi parang nagtataka ako, natutulog pa ba ang taong ito? Pero parang ginaganahan pa siyang makipag kwentuhan kaya binigyan ko siya ng palugit. After 30 minutes, matutulog na ako.
Kinabukasan araw ng sabado, naka apat na palitan na kami ng messages, ng biglang mag ring ang cellphone ko. Galing Pilipinas. Kaklase ko nung high school at tinatanong ako kung makaka-attend ako ng reunion sa darating na December. Sabi ko malamang, kung matataon na ang petsa ay nasa Christmas Break ko.
Napatagal ang kwentuhan namin ni Gina dahil sa kung anong mga balitaan. Siguro mga 20 minutes bago kami nagpaalaman. Nang balikan ko ang FB, wala na siya. At me mga sad smileys na iniwan. Kahit offline tinadtad ko siya ng mensahe.
CHA: Sorry
CHA: Tumawag kasi yung classmate ko.
CHA: Sorry na Tay.
Sumagot naman siya at muli kaming nagpalitan ng mga messages. Pero nung malaman kung ok lang siya, kagyat ko siyang iniwan kung mag hanap ng makakain. Ang pinakamadali ay gumawa ng oatmeal. Abala ang isa kung kamay pero pinilit kung i-massage siya.
CHA: Lika, oatmeal tayo.
Nilagyan ko ng mainit na tubig ang oatmeal para iluto, at least five minutes.
CARL: Sige na ok lang ako. Kumain ka na.
CHA: Wala pa, after 5.
Matagal tagal bago siya nagreply. Maya-maya.
Typing message..
CARL: Hindi ko maintindihan. Maling window yata ito.
Una, hindi ko rin gaanong maintindihan ang ibig niyang sabihin. Abala ako sa aking inihahandang oatmeal.
CHA: Ha?
Pero nung ulitin kung basahin ang sinabi niya, nalinawan ako at bigla na namang umandar ang pagka-taklesa ko. Binira ko siya. Straight punch.
CHA: Sabi ko wala pa, nakasalang pa mga 5 minutes pa bago maluto ang oatmeal. Wala akong ibang ka-chat kaya huwag mo akong pagbintangan.
Binaba ko ang I-Pad. Pumunta ako sa sofa at nanood na lang sa pelikula ni Will Smith na After Earth sa HBO.
Magdusa siya.
Pero makalipas ang 15 minutes, nakunsensiya na naman ako. Binalikan ko ang I-Pad, may reply siya.
CARL: Ok.
Yun lang? Walang sorry? Muli ko itong nilapag. Ayokong magreply. Sumasakit na naman ang sentido ko. Gusto ko ng magpahinga. Nung inilagay ko sa lababo ang pinagkainan ko, at kumuha ako ng tubig na maiinom, umilaw ang I-pad, may message siya.
CARL: Matutulog na ako.
Sinagot ko ng mabilis.
CHA: ZZ na rin ako. Nyt.
CARL: Oks.
Dala ko na ang I-Pad sa aking silid. Isinara ko na ang ilaw at nagtaklob ng unan. Yun lang ang reply niya. Ipinikit ko ang aking mata. Siya pa rin ang laman ng aking utak. Hindi ako maka concentrate lalo na nung maala kung linggo na pala. Hindi ako nakatiis, binuksan ko ang PM niya at nag message ng katlong kataga.
CHA: Happy Fathers Day.
Naghintay ako, nakatutok sa PMs. Ilang saglit pa, kumabog ang dibdib ko.
Typing message…
CARL: Salamat.
Gusto kung isipin na ok ang lahat pero nakakaramdam ako sama ng loob. Muli kung ipinikit ang aking mga mata. Pinilit kung matulog kahit masakit ang aking ulo. Pero bakit hindi ako mapakali. Mga sampung minuto pa ang lumipas hindi kinaya ng aking dibdib. Baka naman nagkamali ako. Baka naman na-offend.
Ayoko ng ganito. Parang nasasaktan ako. Kaya nag PM ako.
CHA: Matutulog ba tayong may tampuhan?
Naghintay ako. 5 minutes. Wala.
CHA: Ito ba ang gusto mo?
10 minutes. Wala pa ring reply.
Isinara ko na ang aking FB. Nakatagilid sa kama, nagkumot ako ng mahigpit at tinakpan pa ng unan aking mukha, habang akap-akap ko ng mahigpit ang isa pang malaking unan. Sa gitna ng dilim sa silid, sa loob ng aking makapal na kumot at yapos na ulan, iniyakan ko si Carl hanggang sa makatulog nung gabing iyon.
I miss him. I think I love him, that much.
~~~
Napakasakit ng mga sumunod oras hanggang umaga. Hanggang maghapon. Wala atang dumaang minuto na hindi ko sinilip ang aking FB sa PMs. Sa kahit kunting mensahe galing sa kanya. Wala akong natatanggap. Wala siyang posts sa wall, walang indikasyon na nagbubukas siya.
Hanggang dito na lang ba?
Halos wala ako sa sarili buong maghapon, hanggang mag-damag. Sumunod na araw, inantay kung muli si Carl pero wala. Tanghali, hindi na ako nakatiis. Nag PM ako at nag bigay ng numero kung saan niya ako tatawagan, paglapag ko sa Pilipinas. Dalawang tulog na lang, uuwi uli ako. At inaasahan na sa susunod na biyernes ay magkikita na kami ng personal. Sana ok lang siya. Sana ok kami.
Sana magkita kami.
Sa ikatlong araw, at sa mahigit 10 messages na paghahanap ko sa kanya, umilaw ang mundo ko at tila nawala ang pagod ko sa buong linggo. May reply na siya.
CARL: Dadating ako.
Napangiti ako sa tatlong smiley faces na ipinalipad niya sa akin. Oras na para mag impake. Uuwi ako!
Siyyet! nagreply na siyaaa. 😀
~~~
Naghahanda na ako ng aking mga gamit nang maalala ko si Paul.
Uuwi ako. Me katatagpuin. Hindi naman yata fair kung hindi ko sa kanya sasabihin, na I’m falling in love with someone. Ayokong maging two-timer. Kailangan namin mag-usap. Kailangan tapusin na namin lahat ng namagitan sa amin.
Sa aking silid, mga alas nuebe na ng gabi. Patay na ang mga ilaw at tanging kandila na lamang sa pasamano ang liwanag. May maliit na mesa, at sa taas nito ang malaking poster nf Fast and Furious.
Lumuhod ako.
“Paul, you know I love you. Maraming salamat sa mga gabing pinaligaya mo ako.” Hindi ako nakatingin sa poster. Nakatingin ako sa maliit na mesa, sa baba ng poster. Naroon kasi ang aking 5 inch, vibrator. Nakatirik rin itong parang kandila patayo, malapit sa may titi ng lalake sa poster. Tumayo ako at dinampot ito.
“Goodbye Paul. Mamimiss kita.” Sabi ko sa aking vibrator, hinadkan ko ito at isinilid sa isang kahon ng sapatos upang itago sa cabinet. Medyo naluha ako sa pag hihiwalay na ito. Apat na taon din akong pinaligaya ni Paul.
****
Tatlo ang sadya ko sa pag uwi, kaya humingi ako ng emergency leave ng one week sa opisina. Una, naka schedule talaga kami kasama si Emily at ang pamilya ko na magliwaliw sa Palawan. Pangalawa upang ihatid ang aking anak na si Ken na lilipad papuntang US para sa kanyang isang taong apprenticeship bilang seaman. At ang pangatlo – makita at makausap ko ng personal si Carl.
Inilagay ko sa pangalawang listahan ang pagkikita namin. Ang unang dalawang araw, minalas kami sa Palawan. Hindi namin inaakala na ang low pressure east Philippine Sea, ay magdadala ng ulan sa buong Luzon. Malakas ang ulan kaya halos hindi kami nakapag libot.
Bumalik pa rin kaming masaya, lalo na’t na-miss ko ang mga anak ko. Dalaginding na si Abby at natutuwa akong marunong na ito sa sarili. Akala ko nung una ay mailap siya sa akin dahil halos sampung taong gulang lang siya ng mag abroad ako. Madalas siya ki Benjie, ang kanyang ama kaya tuloy lumaki itong Papa’s Girl. Masaya naman ako at mahal na mahal siya ng ama, sa gitna ng nangyari sa amin, at maging ang bagong asawa nito ngayon ay tila malapit rin si Abby.
Sa bahay na kami nina Emily tumuloy. Malapit lang naman ito sa Makati kung saan may mga lalakarin pa kami ni Ken. Umaga ng biyernes, nawindang ako sa init sa POEA, dahil sa mga dokumentong tatatakan nila para sa paglabas ng bansa ni Ken. Proseso itong ibinigay ng Pamantasan kung saan kumuha ang aking binata ng kursong Marine Engineering. Mahaba ang pila, at kung minsan maiirita ka kasi, sasabihing mali ang pinilahan gayong ilang oras kang nagtiyha upang makarating sa desk officer. Kinalma ko na lang aking sarili, dahil baka magkaroon pa ng problema ang papel ni Ken.
Natapos kami sa POEA at naghanap ng lugar na pwedeng kumain ng pananghalian. Nagutom ako sa nakakahilong pilahan at balyahan ng mga tao. Habang kumakain kami ni Ken, ipinagtapat ko sa kanya na may makikipag kita ako sa isang kaibigan.
“Boyfriend mo?” Sabi ni Ken. Nakangiti.
“Hindi ano ka ba, hihi.” Sagot ko sa kanya.
“Lam mo Ma, ala namang problema kung magbo-boyfriend ka, o mag aasawa, kakampi mo ako dun, kaya lang hanap ka naman ng matino, yung di ka pinaiiyak. Malaki na ko, kaya ko ng yumupi ng tao na parang yero lang. Yokong nasasaktan ka.”
Napatitig lang ako sa anak ko. Nag mature na si Ken. Very impressive na ang ipinagbago niya bukod sa pisikal na aspeto. Wala na akong ibang hihilingan pa, sana lagi siyang safe sa pagbiyahe niya ngayon.
“Talaga, papayagan mo akong mag-asawa uli?”
“Siyempre naman. Eh pag nag-asawa kami ni Abby, aba maiiwan ka, wala kang kasama pag matanda ka na, pasok kita sa home for the aged, gusto mo?” Biro nito.
“Aba subukan niyo yan. Susunugin ko mga bahay niyo.” Sagot ko, nakatawa sa kanya.
“At huwag kang maghanap ng mas matanda sayo.” Sabi ng anak ko. “Naku, ayoko mag alaga ng step father na hindi na maka-ihi, hahahaha..”
Natawa rin ako.
Ipinagpatuloy namin ang lunch, hanggang sa buksan niyang muli ang topic habang naghihintay kami ng bill.
“Pero BF mo ba yung katatagpuin mo?” Sabi uli nito.
“Hindi nga ang kulit.” Pero hindi na rin ako nakatiis. “Nanliligaw..”
“Gusto mo ba siya.?”
“Hindi ko pa alam. Malalaman pa lang natin. Mamaya.”
“Sige.” Lumapit ito sa akin. “Sabihin mo lang kung kailangan, gugulpihin ko.”
Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan na mapahalakhak.
“Ano ka ba.” Pinalo ko ang braso niya.
****
Mga alas tres na kami ni Ken nakarating sa meeting place. Wala kaming binigay na detalye sa isat isa kung paano makikilala, dahil naniniwala akong totoo si Carl. Ang lahat ng kanyang sinabi, at lahat ng mga larawang pinakita niya nakatago sa aking I-Pad.
Sa loob ng coffe shop, malapit sa may glass wall may nag-iisang naka-upong lalake sa bandang kanan. Nakasout ng reading glass, nag babasa ng libro. Kumakabog ang dibdib ko, hila ko mula sa aking likuran ang kamay ni Ken ng lumapit kami. Hindi ako maaring makamali sa lalakeng tinapatan ko.
“Hi”
Tumayo siya. Nakatitig sa akin at tiningnan ang anak ko.
“Cha.”
Kinamayan niya ako. Matigas ang palad niya. Pinaupo niya kami. Parang nakikita ko sa kilos niya ang nerbyos.
“Anak ko, si Ken.”
Nginitian ni Carl ang anak ko. Kahit teenager, pinakitaan niya ito ng isang gentleman’s gesture na na-appreciate ko naman.
“Ken.”
Tiningnan ko si Ken, na parang nagbigay galang din sa kanya. Sa loob ng ilang saglit pinag-aralan ko ang totoong Carl sa anyo, kilos, itsura at galaw. Maliit siya at halos kasing tangkad ko lang. Hindi siya macho, ordinaryo lang.
Pero gusto ko ang mukha ni Carl.
Ang dalawang nunal sa pisngi na parang nunal ni goma. Ang mga mata niyang mapangusap. Makapal na kilay, Ang labi niyang manipis. Hindi siya maputi at hindi rin sobrang itim. Ang balat niya sa kamay at mukha ay parang sunog lang sa araw dahil sa farming. Ang kamay at daliri niya ay parang pambabae. Gusto ko ang malinis at maayos na kuko. Weird.
“So, ano bang gusto niyo?” Sabi niya ulit.
“Sabi mo hanggang hot choco lang kami. Di hot choco lang..” Nangiti ako, pero halata ang nerbyos sa mukha ni Carl.
“Nagbibiro lang ako, ano baka me gusto kayo baka nagugutom ..” Sabi niya.
“Wala, ok na kami, kahit juice. Huwag ka ng mag-alala.”
Nung tumayo si Carl upang mag-order, hindi ako nakatiis na hindi ko siya samahan. Magkatabi kami sa pilahan. Hindi ko talaga matiis na makausap siya ng sarilinan. Nakangiti na siya, naniningkit ang isa niyang mata. Ang cute ng taong ito. Hindi artistahin, pero me appeal. Kinurot kung pino ang kanyang braso na hindi mahahalata ng mga tao.
“Kumusta kana. Buti naman nakipagkita ka..” Sabi ko. Pabulong.
“Usapan ay usapan. Ikaw kumusta ka, are we good?”
Idinikit ko ang braso ko sa kanya.
“Siyempre naman Tay.” Pabulong pero alam kung narinig niya.
Nagkuwentuhan kami pagdating sa aming table dala ang mga inorder. Sinabi ko yung dinanas namin sa POEA. Nagtanong siya ng Palawan trip kaya sinabi ko rin ang bad weather. Hindi ako mapakali, gusto kung i-rehistro ang lahat sa kanya. Nakatitig siya sa aking mata. Alam kung nabanggit nito na sa mata niya nakikita ang kalooban ng tao. Hinayaan ko naman siya.
Nagpapatuloy ako ng aking mga kwento, napapansin kung naiilang si Carl. At habang sinasabi ko ang maghapong tambay namin sa hotel sa Palawan, inapakan ko ng malakas ang paa ni Ken sa ilalim ng table.
Hudyat ito at ipinakusap ko sa kanya. Ibig sabihin, ‘safe na. Alis ka muna.’ At di hawak na nagmana nga sa akin si Ken kung talino ang usapan, mabilis na tumayo ito.
“Ma, pupunta lang ako diyan sa kabila. Me nakita akong bag, baka mas maayos yun na gamitin ko.”
Nagkunwari akong nabigla.
“Ha, ah sige huwag kang magtatagal (pero kumindat ako, tagalan mo!) Baka mawala ka diyan.” (Kumindat uli ako, umuwi ka na kung pwede, text ka na lang.).
Napangiti ang anak ko. Halata sigurong pinagpapawisan ang nanay niya. Sa isip ko lang at sana’y mabasa niya, ‘I love you anak thank you’.
Ibinaling niya ang tingin ki Carl.
“Tito, saglit lang po maiwan ko po kayo..”
Tumayo si Carl. Napaka gentleman.
“Sige Ken.”
Nakatanaw sa labas si Carl, pinagmamasdan ang anak ko. Lumapit pa ako sa kanya.
“Hanggang kelan ka ba dito sa Manila?” Bungad ko.
Mahaba ang naging kwentuhan namin. Naroon ang mga sulyap. Ang mga di sinsadyang pagkakadikit ng paa at braso. Mainit.
Nakakakilig.
~~~
Mga two hours din akong pina buelo ng aking anak na masarili si Carl. Mga 5:30, bumalik ito at ang loko-loko, bumili nga ng bag. Wala ito sa usapan. Ano ba gagawin niya diyan? Nagtaka ako. Pero hinayaan ko na lang.
Halatang malungkot ang mata ni Carl ng magpaalaman kami. Inilapit niya ang pisngi sa akin, pinag bigyan ko naman. Dumikit ang pawis niya sa aking mukha, pero ok lang. Sino ba naman ang hindi pagpapawisan sa tagpong ito. Kinamayan niya ang anak ko. Ang sweet. Me respeto ang dalawang lalake sa isat-isa. Sana magkasundo sila.
Gusto ko sana, ihatid man lang kami nito kahit makasakay lang ng taxi. Pero tumanggi siya. Parang nararamdaman ko kasi ang lungkot nito dahil ito na ang huling tagpo ng aming pagkikita. Hanggang sa makalabas kami ni Ken, tinatanaw tanaw ko pa rin siya sa bintana. Kumaway siya nakangiti.
Pero may lungkot ang mata.
Nasa taxi na kami ni Ken, di pa rin maalis sa aking isip si Carl. Ano kaya ang iniisip niya ngayon. Nakangiti ako habang nakatingin sa dinadaanan ng taxi. Wala naman akong tinatanaw.
“Ang tamis ng ngiti mo Mama.” Sabi ni Ken.
Napalingon ako. Tinapik ko muli ang balikat niya
“Tumigil ka nga. Huwag mo akong pagtripan..” Tawa ko sa kanya.
“Sandali” Naalala ko bigla. “Ano ba yang binili mong bag, para saan yan?”
“Hahaha” Tawa ni Ken. “Eh wala akong maidahilan kanina, bibili ng bag. Natagalan ako kahahanap ng bag, kaya ito nabili ko sa bangketa.”
“Ha? magkano bili mo?”
“Sixty five pesos.” Ngiti nito. Napailing na lang ako. Resourceful talaga ang anak ko.
“So, ano?” Tanong niya. Nakatingin sa akin.
“Crush mo yun, hanggang balikat ko lang.” Five-nine ang tangkad ni Ken.
Umiling muna ako.
“Hindi ko alam. Pero cute siya.”
“Mukhang mabait naman.” Sabi niya.
Tumango ako.
“I think so.” Sabi ko.
“Huwag ka lang niyang paiiyakin, mamartilyuhin ko ang mga kuko niya.”
Natawa uli ako sa anak ko.
~~~
Nakahanda na ang hapunan kina Emily ng dumating kami ni Ken. Deretso na kami dun matapos mailapag ang aming mga gamit. Excited si Emily sa aking kwento, kaya inilahad ko ang mga kaganapan habang kumakain kami. Siyempre, naririnig ng aking accomplice.
“Napansin mo ba yung mga daliri niya?” Sabi ni Emily.
“Oo, Sis, nahiya ako hahaha.”
Natawa rin si Emily.
Nung matapos kami marami pang tanong si Emily. Hanggang sa ayusin ko sa silid ko ang ibang mga gamit na sa loob ng aking bag. Nakita ko ang nababalot na paper bag
Ang mahiwagang tsinelas na binili ko sa Singapore. Hndi ko nadala kanina kasi galing kami sa POEA ni Ken. Inisip kung iwanan na lang ki Emily, para ipadala ki Carl. O, pwede ko namang idaan sa hotel kinabukasan. O, pwede ba ngayon, kahit iwanan ko sa front desk? Tenext ko siya, kung anong landline sa hotel at tatawag ako sa kanya. Agad naman siyang sumagot, kasama ang room number niya upang mabilis daw na mai-connect sa kanya ng operator.
Nakabihis na ako ng shorts, at nakasandals na lang ako. Kung pupunta ako dun, wala pang 20 minutes dahil medyo gabi na makakarating agad ako. Nakatitig ako ki Emily ng sabihin ko ang iniisip ko.
Pero medyo napangiti ang aking bestfriend. Tulog na si Ken sa isang silid, kasama ang anak ni Emily, siguro dahil sa pagod.
“So, what do you think?” Sabi ko.
Umiling muli si Emily. Ilang saglit lang…
“Go, Sis.” Makahulugan ang sabi niya. Nenerbyos ako.
Nag-wet yata ang panty ko.
Nangatog ang tuhod ko hanggang maglakad ako sa may main door. Nilingon ko uli siya.
“Sige na Sis.”
Malapit sa may pintuan ang isang maliit na table. Nailapag ko dun ang isang plastic bag na may toothbrush ko, sabon at shampoo na dala ko galing Palawan. Dinampot ko ito at isinilid sa paper bag kasama ng tsinelas.
~~~~
Nasa taxi uli ako, papunta sa Kabayan Hotel sa Makati. Parang tinuktukso ng tadhana, dahil habang iniisip ko si Carl pinatugtog ang kantang Somewhere In My Past sa FM Radio ng taxi. Naalala ko ang post niya sa Facebook tungkol ki Julie Vega. Crush niya ito nung grade 5 siya.
I met you just tonight
But I keep wondering why
It seem’s I’ve always known
You all my life…
I held you only once
But I keep wondering why
It seem I’ve held you forever
Can it be true
Could I be wrong
That somewhere in my past
I fell in love with you
I’ve kissed you only once
But I keep wondering why
It seem’s I’ve kissed your lips
So many times
I know you only now
But I’ve keep wondering why
It seem I’ve known you forever…
I loved you only now…
But I keep wondering why
It seem I’ve loved you forever…
Somewhere there was you and I
Somewhere…
~~~
Nasa harap na ako ng hotel ni Carl. Mag aalas nuebe na ng gabi. Siguro hindi naman nakaka hiya kung dadalhin ko lang naman itong kanyang pasalubong. Pwede naman akong umalis. Binasa ko ang text, room 416. Mabilis pumasok ako deretso hanggang lobby hanggang elevator. Walang ibang tao, lalo ng umakyat ako. Nanginginig ang tuhod ko lalo na ng umabut ako sa kanyang pinto.
Hanggang sa kumatok ako. Marahan. Ilang saglit lang bumukas ito. Parang nakakita ng multo si Carl ng makita ako sa labas.
“Hi.”
“Cha.” Luminga muna siya sa labas at inanyayahan ako. “Pasok ka.”
Pumasok ako ng kunti lang, malapit lang sa may pintuan at sumandal ako sa pader. Nakabukas pa rin ang pinto.
“Nalimutan ko kanina, ito pala yung gusto mong dalhin ko sa’yo, tsinelas.”
“Tsinelas?” Sabi niya
Tumango ako.
“Pinabili ko?” Tanong niya uli
“Oo, sabi mo gusto mo ng tsineles.”
Nalito ako kasi parang natawa siya.
“Joke yun, ano ka ba? Hahaha. Saka I told you, gusto kung tsineles kahit luma basta’t galing sa’yo.” Paliwanag niya.
Gust ko sanang bawiin. Akin na lang nga. Ang arte naman nito. Pero kinuha niya pa rin. Hinagkan.
“Pero andiyan na rin, thank you.”
Naramdaman ko na lang sa me pinto parang me tao. Baka naman may ini-expect siyang ibang tao. Parang pinagpawisan ako.
“Excuse sandali..” Sabi ni Carl. Pagsilip ko sa may pinto, naroon ang isang hotel boy. Me dalang tray na me mainit na tubig.
Medyo nakahinga ako ng maluwag. Kinuha ito ni Carl, at ng magpasalamat sa Boy, isinara niya ang pinto. Papunta sa sa study table upang ilapag lumapit ako sa kanya sa may likuran. Marahan kung iniangat ang aking kamay papunta sa kanyang tagiliran sa kanan. Siguroy nakuryente si Carl dahil parang napa-atras ito saka pumihit. Magharap na kami. Naamoy ko ang preskong katawan nito. Ang sabon, ang shampoo ewan ko bat ito lang – kinubabawan na ako ng libog. Hanggang sa maramdaman ko ang kanyang mainit na labi. Napayakap ako sa kanya.
Walang pagmamadali na nag iskrima ang aming mga dila. Naramdaman kung tumigas ang aking nipples na natatakpan pa ng t-shirt at bra. At parang tumigas din ang aking clitoris na ngayon ay namamasa na sa loob ng aking panty.
Malakas ang hatak ng aking libido lalo’t nataon ngayon na malapit na akong mag regla.
TAGLIBOG AKO.
Kanina pa ako nagtitimpi sa coffee shop.
Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Ilang saglit bahagya siyang kumalas. Tinitigan ang aking mga mata. Kapwa kami nangungusap.
“Cha, we don’t have to do this. I can wait. Alam mo yan.” Bulong niya. Naghahabol na ang aking mga hininga. Napakagat ako ng labi, bago ko siya sinagot.
“Ayoko ko nang maghintay. Pagod na ako kahihintay. I wanna feel what’s inside you. And I mean it now.”
Sumiklab ang init sa boung silid ng mga tagpong ito, lalo na ng muli niyang hagkan ang aking labi. Hinila ko ang kanyang damit pataas. Ganundin ang ginawa niya sa akin. Bumagsak kami sa kama. Patuloy na nag iisrikima ang aming mga dila. Naramdaman kung nagkukumahog siya sa pagkanap ng hook ng aking bra, pero wala siyang makapa. Naawa na ako kaya bahagya akong umangat.
“Walang hook diyan. Nasa harap. Halatang di ka na marunong magtanggal ng bra.” Biro ko ki Carl. Napangiti rin siya at sumagot.
“Pasensiya ka na, di pa ako nakagamit ng ganyan.” Gusto ko minsan ang sense of humor nito. Kaya kahit nililibugan, natawa pa rin ako. Hinalikan ko siya sa pisni at sa leeg.
Dinalaan ko ang kanyang dibdib. Pinasadahan ko ang kanyang nipple. hanggang sa puson. Nadaanan ko ang matigas na sandata ni Carl sa loob ng shorts. Napasinghap ako. May tunog mula sa TV kumakanta ng Love of A Lifetime ang Firehouse sa MTV Channel.
Hindi na ako makapag hintay, ibinaba ko ng sabay ang shorts at brief niya. Umalpas ang kanyang sandata, napalo ang aking mukha sa labis na tigas.
FUCK.
Ang sarap makakita ng titi. Ito ang masasabi kung titi, mataba. Mahaba. Maugat. Malapot na ang ulo dahil sa pre-cum. Dinilaan ko. Ang sarap, nakakadarang ang alat. Dinilaan ko ang buong katawan. Napatagilid na ako habang patuloy na dinidilaan ko ang kahabaan ng kanyang titi, naramdaman ko ang isang kamay ni Carl na lumalamas sa aking suso. At ibinaba sa aking shorts, pilit na binubuksan. Naawa ako, kaya bumaba ako. Sa harap niya, hinubad ko ang aking shorts at panty. Pinag handaan ko siya. Tumambad ki Carl ang aking pussy. Bagong ahit. Tayo tayo ang nipples ko. Bumalik ako sa kama at walang patumpik tumpik na isinubo ko ang titi.
Ang sarap.
Kinagat kagat ko ang laman. Dinilaan ko pati ang bayag. Mas dumami ang tumutulong likido sa mata ng ulo. Sinalsal ko. Naramdaman ko ang kanyang daliri sa aking labia. Napapikit ako alam kung naramdaman niyang naglalaway ang pussy ko.
Napaungol ako ng maramdaman ko ang isang daliri pumasok. Nakasubo ako sa titi ni Carl. Napabuka ako ng hita ng hilahin niya ito papunta sa kanya. Pinag bigyan ko siya. Tuluyan akong umakyat sa kanyang katawan bukas na bukas ang aking pagbabae sa kanyang ulunan. Naramdaman ko ang kanyang dila. Para akong mabaliw sa sarap ng himudin niya ang kaloob looban. Nadaan niya ng banayad ang aking clit. Napaungol ako sa kanyang titi na nasa bibig ko. Hanggang sa palayain ko ang aking tinig, sinalsal ko muna ang titi ni Carl. Sunod sunod, habang dinidilaan niya ang labia at clit, may nakapasok na mga daliri sa aking bukana. Kumakadyot na balakang ko. Lalabasan ako. Fuck lalabasan ako..
“Ahhhhhhhhhhhh”
Napakasarap. Kakaiba sa mga dating climax na naramdaman ko. Parang puro. Sinasalo lahat ni Carl ang aking likido. Sa sobrang sarap, naidapa ko ng tuluyan ang aking katawan sa kanya.
Nung kumalma ang aking pakiramdam pinihit ko ang aking sarili, upang tingnan si Carlo. Whew! Wala akong masabi.
“You’re good.”
Pumaibabaw ako sa katawan niya. Alam kung sabik na sabik siya kaya hindi na ako nag akasaya ng panahon. Hinanap ko ang kanyang pagkakalake at ikiniskis sa aking pussy. Naghalo na dito ang aking laway at namumuting likido, bunsod ng kakatapos na climax. Nung tantiya ko na basa na ang buong katawan ng kanyang cock, itinutuok ko ang ulo sa aking lagusan.
“Ready?” Sabi ko.
Tumango siya.
“Yes.”
Saka ako lumusong. Unti unti. Nanganak na ako, pero bakit tila punong puno ang aking hiyas sa cock ni Carl. Napakagat ako ng labi. Napatingala habang ninanamnam ko ang bawat hibla ng kanyang laman na pumapasok sa akin.
Matigas.
Mainit.
Napaliyad si Carlo sa pagkakahiga at napaungol..
“Oohhh fffuucccckkk”
Nung maisagad ko ng tuluyan sa aking lagusan ang kanyang sandata, nanatili akong nakaupo, hanggang sa isagad pa ng todo ng aking katawan sa kaloob looban. Nakahawap na siya sa aking balakang. Nakiusap.
“Huwag kang gagalaw.. please.”
Nararamdaman kung tila namimilipit ang kanyang kalamnan sa libog. Ang tantiya, malapit na siya sa sukdulan. Ako rin naman, nadadarang sa sensasyon na aking nararamdaman.
Inihanda ko ang aking sarili upang sana’y umindayog.
“Ready..” Tanong ko uli. Nakataas na ang mga mata ni Carl at nangingiwi sa sarap.
“P-pag gumalaw ka, la-labasan ako..” Sabi nito. Nginitian ko siya, at sinang ayunan. Kaya ang ginawa, umangat ako ng dahan dahan, at ng maramdaman kung nasa ulo na ang bukana ng aking labia ang kanyang sandata, umulos ako ng mabilis. Pababa.
Sagad.
Nakapahawak pa siya ng mahigpit sa aking balakang hanggang sa maramdaman ko ang pagsirit ng kanyang tamod sa aking kaloob looban. Malakas ang mga pilandit ng kanyang semilya kaya parang nararamdaman kung sinusumpit nito maging ang aking cervix.
Ang sarap ng pakiramdam.
Sunod sunod ang mga putok na nararamdaman ko habang nakaupo lang ako ng sagad sa kanyang titi. Napatukod na ako sa kanyang dibdib upang alalayan ang aking sarili sa napakasarap na sensasyon.
Ilang salit lang, nilabasan din ako sa huling yugto ng mga pumipilandit na katas ni Carl. Napaungol ako. Nanigas ang mga muscles ko. Hanggang sa tuluyan akong manghina. Ibinaba ko ang katawan ko at hinanap ang kanyang labi. Nagsipsipan kami ng laway habang humuhupa ang aming pagnanasa. Paisa isa na ang aking hininga na may mga impit na ungol dahil nararamdaman ko ang pagkislot ng kanyang cock.
Niyapos ko siya ng mahigpit.
“Masarap ako no…..” Sabi ko sa kanya.
Napahiga na ako sa kanyang dibdib. Magkasugpong parin ang aming mga sandata. Ramdam ko pa ang katigasan niya sa aking pussy. Tumutulo na ang mga likido bumubula sa aking hiyas, sa dami ng tamod na pinaputok niya sa akin.
~~~
Mas naging maalab ang aming round two. Ipinaramdam sa akin ni Carl ang kanyang resisntensiya, ang kanyang lakas at ang kanyang talent sa lovemaking. Para akong nasa alapaap ng mga oras na yun.
Nung matapos kami, nagulat ako sa naitanong niya.
“Safe ka ba?” Delayed naman yata. Dapat kanina niya tinanong to, buti na lang, sa bilang ng aking ritmo, teka anong araw ba ngayon, Friday, one-two-three-four teka naguluhan ako, kelan ba yung..
“Oo… yata..” Friday, so dapat next Wednesday datnan ako. “Oo, safe ako..” natawa tuloy ako sa sarili.
Nakahiga ako sa kanyang dibdib.
“Bat ba hindi ka sigurado, sigurihin mo, matanda na tayo para mag alaga ng baby..”
Bigla akong napabangon upang harapin siya
“Ayaw mo bang magka-anak sa akin?” Sabi ko. Nilalaro ko ng aking daliri ang isa niyang nipple.
Parang nag isip si Carl habang nakatingin sa akin, saka umusad.
“Actually, Oo. Gusto ko. Ikaw?” Sabi nito.
Muli akong nahiga sa kanya.
“Ayaw ko na. Hindi ko na yata kaya.”
“Kunsabagay. Ayoko na rin. Kaya siguro, ingat na lang tayo..”
Napangiti na lang ako. Hayy ang sarap kaya ng ‘bareback.’
Naalala ko ang schedule niya.
“Siyangapala, hindi ba ako pwede mag request na sa Sunday ka na umuwi?”
“Sa nangyari ngayon, papayag ba naman ako na bukas umuwi.” Sagot niya, nakangiti. Natuwa naman ako.
“Samahan mo ako bukas, ihatid natin si Ken. Dalhin ko na yung mga gamit ko dito bukas at dito na tayo hanggang Sunday, ihatid mo na rin ako sa airport, alas 3 ang flight ko eh..”
Hindi ko inaasahan ang reaksion niya.
“At buo na lahat ang plano mo, ha.” Biro ba to? parang seryoso siya kaya tuloy napikon ako.
“Ay kung ayaw mo, wala naman problema. Sige bukas umuwi ka na.” Tarayan ko nga! Tingnan ko kung hanggang saan siya, testing lang.
Sukat ba namang buhusan niya ng gasolina ang apoy.
“O sige, iwan ko na lang yung susi sa’yo. Bayaran ko na hanggang Sunday. I-Pm mo na lang ako pag nakabalik ka na sa Singapore.” Sabi niya.
Bumangon ako bigla, hila ang isang towel. Dinampot ko ang bag kung maliit at nag lock sa CR. Itinapis ko ang towel sa aking katawan at naupo sa bowl. Kinuha ko ang Vicks sa bag at naglagay ako sa mata.
Punyeta, ang hapdi!
Pero ang isip ko, mind-games pala ha? Sige, tingnan ko kung di ka lumuhod sa harap ko, sa susunod na tatlong minuto. Best actress yata ako sa famas.
Wala pang isang minuto, kumakatok na siya.
Malambing. Medyo natawa ako. Luluhod to. Pag-iigihan ko pa baka nga mag ‘I LOVE YOU’ pa eh.
“Chaaa.. nagbibiro lang ako.. come on.. Sorry na..”
Humikbi ako. Umpisa na ng drama.
“Chaa… Sorry.. Nag bibiro lang ako.. papasukin mo ako please.. gusto kung jumingle.”
Nung marinig ko yun, medyo nilakasan ko ang hikbi ko, habang pilit na inaabut ng kaliwang kamay ang knob ng pinto. Binukas ko. Nagmamadali siyang pumasok siguro ay natakot.
At – – sa bilang ko, one minute and forty seconds, Lumuhod siya sa harap ko.
See?!? Ang galing ko.
Inakap ako.
“O bakit ka umiiyak.. ano ba? nag bibiro lang ako..” Mahigpit ang yakap niya sa akin.
“Kasi iiwan mo na ako. Kasi nakuha mo na.” Yumapos ako sa kanya, di niya lang makita pero nakabelat ako sa likod niya. Naka thumbs up. Effective ang drama ko.
“Ha, hindi, ano ba. Hindi kita iiwan. Tsk Cha.” Hinila niya ang aking mukha kaya ibinalik ko sa dating anyo ng pag hihinagpis. Tumutulo ang mga luha ko dahil sa hapdi dala ng Vicks.
“I love you.” Sambit niya. Parang kinurot ang puso ko.
Nakatitig siya sa akin. Dama ko ang sensiridad ng sinabi niya. Na excite ako.
“Talaga..?”
“Oo. Hindi kita kayang iwan. Mahal kita.
Yinakap ko siya. Napaka sweet ng sinabi niya. Totoo.
“Talagang hindi mo dapat ako iwan, kasi pag ginawa mo yun, hahanapin kita at puputulin ko yang titi mo, you microscopic moron.”
Nasabi ko yun kasi parang hindi niya nahalata kanina na nag da-drama lang ako. Na inimbento ko lang ang luha ko. Pero nung sabihin niyang mahal niya ako, natunaw ako. Mahigpit ko siyang niyakap.
Ganito ang gusto kung pagmamahal. Me malasakit.
****
Panandalian kaming naghiwalay kinabukasan dahil aasikasuhin ko ang pag alis ni Ken. Alas siyete na ng makarating ako kina Emily. Buti na lang, tulog pa si Ken. Nagkakape ang aking bestfriend, nakataas ang dalawang paa sa sofa, naka ngiti sa akin.
“Ang tamis ng ngiti mo sis!” sabi nito.
“Wala lang..” Sagot ko. At naupo.
Lumapit sa akin si Emily, inamoy ang katawan ko.
“Hmmm.. amoy na amoy sis..”
Nagtaka tuloy ako.
“Ang alin?”
Nakangisi lang ang aking BFF.
“Maligo ka na.” Sabi uli niya.
“Bakit nga..” Usisa ko.
Lumapit pa siya sa akin, bumulong.
“Ang langsa mo, amoy kang klorox.”
“Hahahaha!” Natawa ako.
“Klorox ba ang amoy ng sperm .. hahaha” sabi ko.
“Sshhh.. marinig ka ng mga bata, ano ka ba.” Sabi ni Emily.
Natatawa pa rin ako sa sinabi ni Emily.
“Kinain mo ano..” Si Emily muli.
Tumango ako. Nakangiti.
“Nilunok mo lahat?”
Tumango uli ako. Medyo nahihiya na.
“Pinaputukan ka sa mukha, sa dibdib..?”
Tumango pa ako. Napakagat na ng labi.
“Salbahe ka!” Sabi niya. “Maligo ka na nga! nag wet tuloy ang panty ko. Nilabasan yata ako. Ang init nun siyeet!”
“Hahahahahaha”
Sabay kaming natawa sa sala.
****
Hapon. Parehong araw. Sakay na kami ng taxi ni Carl matapos maihatid namin si Ken sa Airport. Gustong gusto ko yung tagpo kanina yung yinapos ako ni Carl habang pilit kung ikinukubli ang lungkot sa pag alis ng aking anak. Nakakalungkot isipin na malayo ang pupuntahan ni Ken. Iniisip kung mature na siya, pero parang sa aking damdamin, parang bata pa ang anak ko. Nakapabilis ng panahon.
“Ayos ka lang.?” Narinig ki si Carl. Kaya nilingon ko siya, nginitian.
Teka nga, me naalala ako, me utang to ah, muntik ko ng malimutan.
“Sandali. Asan pala yung gulay na ipinangako mo?” Sabi niya.
“Yung gulay na laing? Andun sa hotel…”
“Ha? Naku hindi pa ba yun sira, ilang araw na..”
“Hindi ipinatago ko sa counter, nasa freezer nila. Special ang pagkakagawa nun kaya hindi basta masisira, pwede mong dalhin yun pagalis mo..”
“Sigurado ka ha, baka naman mag LBM ako niyan..”
“Hindi ako ang bahala.”
Napansin ko si Carl panay ang sulyap sa hita ko na natatakpan ng maiksing skirt. Hanggang sa makarating muli kami sa hotel. Bitbit namin ang mga gamit ko, upang dito na tuluyang umalis bukas pabalik ng Singapore.
Hindi ko pa man naisasara ang pinto, nabigla naman ako dambahan ako ni Carl. Nenerbyos ako, pero pinapak niya ako ng halik. Kaya nagsisigaw ako..
“Yung pinto, yung pinto..”
Pero nakikipag iskrima na ako ng dila ki Carl. Hinila niya ako papunta dun, saka niya ini lock ng maayos ang pintuan ng hotel. Sinaniban yata si Carl dahil nagmamadali itong dalhin ang aming sarili sa kama. Napatihaya ako. Kinapa niya ang garter ng panty sa loob ng skirt.
Oh my god!
Anong gagawin niya, amoy pawis ako. Syettt!.
“Hoy hindi pa ako naliligo, maghapon tayong naglakad.” Pero wala ata itong narinig dahil mas lalo pang ibinuka ang hita ko.
“Manyak ako. Huwag kang mag-alala.” Sabi niya. Sinapo ang umbok ng aking pagkababae.
Di ko na napigilan ito ng hilahin niya ng tuluyan ang aking panty. At inamoy pa. At dinilaan, naku medyo natakot ako dito. Manyak nga siguro. Napapikit ako ng bigla kung maramdaman ang pagdantay ng dila niya sa aking labia. Umiktad ako. Fuck. Nawala ata ako sa ulirat dahil parang propeller ang dila nito. Umiikot hanggang sa kaloob-loban. Naka-arko ng ang katawan ko habang nakatukod ang kama, pilit kung idinudong ang hiyas sa labi ni Carl. Dahil sa sarap, sinuksok ko ang kamay ko sa aking damit upang palaayin ang isa kung suso.
Pinisil ko ang aking utong, habang walang habas na kinakain sa baba. Mas lalo pa akong nangingisay ng pumasok ang daliri niya sa aking bukana. Una’y isa hanggang sa maging tatlo. Nilabasan ako, sunod sunod. Walang humpay. At ang hindi ko maipaliwanag na sarap, sa kaloob looban ko, kung saan nasa likuran ng clit, kinanti niya ng mahina ng kuko ang munting laman dun. Sa puntong ito – di ko kinayanan ang sarap. Di ko napigilang mapasigaw.
“FFFFUUUCCCCCCCCCCCCKKKKKKKKKKKKK!!!”
Halos mabaliw ako dahil alam kung mas dumamo ang katas na lumalabas sa akin. Hindi ko alam kung anong ginawa niya. Gusto ko ng mahimatay. Hindi ko na kaya, please tantanan mo na, sobra na. dumoble yata ang palpitation ng aking pulso. Nang tigilan ako ni Carl, basang basa siya ng aking nektar. Nakaluhod pa rin.
“My God!! Dios ko, saan ka natuto niyan, syettt!… ano yun… saan nanggaling yun..”
Paisa isa ang paghinga. Hawak ko na ang dibdib hindi dahil sa pagod kundi dahil sa matinding sensasyon na pinagdaanan ko sa loob ng ilang minuto. Per di pa tapos ang round. Tumayo siya at inalis ang pantalon, brief at pinaalpas ang kanyang sandata. Sintigas na nito ang bato, nakatayo. Naglalaway.
Inutas ko na rin ang aking skirt pero pinigilan niya ako.
“Huwag. Huwag mong tanggalin.”
“Ha..”
“Masarap kumantot pag nakapalda..”
Siya na ang nagtaas ng laylayan hanggang sa aking puson. Parang humihilab ang mga laman ko lalo na nung ikiskis niya ang ulo sa biyak, at walang abisong isinalang.
SAGAD!
“AAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH”
Malakas na parang nakadiin ang pagkaka pasak niya ng sandata. Saglit siyang tumigil. At nag tanong.
“Do you love me..?”
Tumango ako.
“Say it.”
Pinaiikot niya ang kanyang sandata sa loob. Nararamdaman kung parang bumabarina ito sa aking boung kalamnan.
“I love you..”
“Louder”
“I love you!!”
Kumadyot siya ng pinakamalakas, kaya napa ungol muli ako. At muling titigil habang nakasagad sa kaloob looban. Hindi na ako nakatiis.
“Sige na..”
“What..?”
“Kantutin mo..”
Saka niya walang habas na binayo ng binayo ng malalakas ang aking pussy. Sagad na sagad bawat pasok. Umuga ang kama. Umuga ang aking malaking mga suso. Nakasampay na ang kaliwa kung paa sa kanyang balikat. Nakatukod ang paa niya sa sahig, habang walang humpay niyang binabarina ang aking pagkakababae. Dalawang beses pa akong nilabasan, bago umabot sa sukdulan.
Lupaypay kaming bumagsak sa kama. Alas singko pa lang ito ng hapon.
****
Lumabas lang kami saglit mga alas otso kasi nakaramdam ako ng gutom.Plano ko bukas, dahil linggo makapag simba man lang. Hapon pa naman ang flight ko kaya aayain ko si Carl. Kumakain kami pero napapansin kung iba ang atension ni Carl. Palinga linga ito sa aming likuran. Hindi ko naman pinansin. Sa tagal niyang nagtrabaho dito, sure ako na may mga kakilala pa rin siya.
Pagbalik namin sa hotel, sinabi ko ki Carl ang schedule namin sana, kung ok lang sa kanya. Hindi naman siya tumanggi.
****
Nakatayo lang kami sa Simbahan ng Quiapo sa dami ng tao. Nagdadasal ako sa Poun ng Nazareno na sana iligtas niya sa biyahe ang aking anak. Ang buong taon nitong paglalayag. Si Abby, sana ay hindi dapuan ng ano mang karamdaman.
Ipinagdasal ko rin si Carl.
Sana totoo na ito. Sana ito na ang huli. Nakapikit ako, ng mapansin ko ang kalabit niya.
“Cha, kailangan na nating umalis.”
Pinandilatan ko siya kasi di pa ako tapos. Buti naman at naintindihan niya. Di na ako ata makakapila sa Nazareno, kasi tama si Carl, baka abutin kami ng tanghali sa haba ng pila ng mga deboto.
Paglabas namin, aliw na aliw ako sa mga paninda sa bangketa. Gusto ko sanang bumili, kaya nag hahanap ako ng pwedeng maipasalubong sa aking mga kasamahan sa opisina. Mabagal lang ang mga lakad ko na nakatingin sa mga naka display sa tabi.
Mahigpit ang pagkakahawak sa aki ni Carl nung una, nang mapansin kung, kinalas niyang pagkakakapit sa akin. Pagharap ko, bigla niya akong tinulak. Malakas. Humandusay ako sa mga nagtitinda sa baba, at biglang nagliparan ang mga paninda. Gulat na gulat ako sa ginawa ni Carl, kaya nung makakapit ako sa isang silya upang bumangon, biglang kumabog ang dibdib ko dahil pagtingala ko, nakikipag-agawan ng baril si Carl sa isang lalake. At wala pang limang segundo pumutok.
BANG!
Napasigaw ako kasi tinamaan siya sa mukha.
“CCCCAARRRRRLLLLLLLLLLLLLLL”
Gusto kung bumangon pero may humahatak sa aking balikat, pinapadapa ako. Bago pa man ako muling maka kilos, isa pang putok ng baril ang maririnig.
BANG!
Nagsigawan ang mga tao, nagtakbuhan sa ibat ibang sulok upang magtago. Kitang kita ko ang pagbagsak ni Carl sa semento. Kitang kita ko ang mga mata niya. Duguan ang bibig at mukha nito.
“CAARRRRRLLLLLLLLLLLLLLL.”
Dalawa pang putok ng baril ang maririnig na umalingawngaw sa paligid
BANG! BANG!
Bumagsak ang lalaking bumaril ki Carl. Sa likod nito ang dalawang pulis na nakaluhod at ang isa nakakubli sa poste. Halos malinis na sa tao ang apat na dipang lawak sa paligid kung saan naroon si Carl. Nakatingin sa akin. Bumubola ng dugo ang bibig.
Naliligo na rin sa dugo ang kanyang katawan.
***
Sumama ako sa naka standby na ambulansiya malapit sa may simbahan, ng kunin si Carl. Nag hintay pa ng isa pang ambulansiya ang iba pang mga pulis para sa nakahandusay rin na katawan ng lalaking namaril. Litong lito ako sa pangyayari. Hindi ko ito inaasahan. Pinag mamasdan ko si Carl, habang natatakpan ng emergency oxygen ang kanyang mukha, habang binabaybay namin ang pinakamalapit na ospital.
***
Duguan na rin pati ang damit ko. Kalahating minuto na si Carl sa operating room. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan, sino ang kakausapin. Hindi ko alam kung sino ang kamag anak ni Carl dito sa Manila upang ipaalam. May ilang mga taga media na ang nasa may pintuan ng ospital ngunit pinagbabawalan silang pumasok. Naririnig ko ang mga sinasabi nila.
“Si Red ba talaga..?”
“Si Red daw, sabi ng mga pulis..”
“Patay na ba..”
“Nasa operating room. Pero malubha..”
Umiiyak lang ako sa tabi. Hindi ko na naisip ang aking flight pabalik. Hindi ako maaraming umalis ngayon.
~~~~
Mag-aalas kuartro na ng hapon. Katabi ko na si Emily. Lumabas ang isang doktor na babae. Naghanap ng kamag-anak ni Carl hanggang sa ituro ako ng guard. Saka lumapit sa akin.
“Asawa po kayo..?” Tanong ng doktor
“H-Hindi po, kaibigan niya po ako. Nasa Bicol po ang family niya. Kumusta na po si Carl..”
“Ligtas na po siya” Sabi ng doktor.
Nakahinga ako ng maluwag, yinakap ako ng mahigpit ni Emily.
“Dadalhin namin siya sa recovery room in a while. Tumagos lang ang bala sa magkabilang pisngi at yung tama sa likod, tumagos rin sa may tagiliran. Wala namang na-damage na organs. Kailangan lang po namin ng dugo, meron kami dito sa ospital pero kailangan ng pampalit kaya maghahanap po kayo ng donors, o bibili tayo. Type-B po ang pasyente. Mga 1,500 cc po ang kailangan natin.”
“Sige po. Salamat po Doc.”
Binigyan niya ako ng ilang piraso ng mga resetang kakailanganin para sa recovery ni Carl, saka umalis ito.
****
Mahigit labing dalawang oras bago nagisinng si Carl. May tahi siya sa magkabilang pisngi niya. Me damage ang gums niya at tila, nabuwal rin pati ang bagang nito, kaya hindi siya makapag salita sa unang mga oras. Senyas lang ang naging kumuniskasyon namin. Ilang beses ng pabalik balik ang mga pulis, pero tanging ako lang ang nakakausap sa nangyari.
Sumunod na araw dumating si Jerry. Nagpakilala siyang kaibigan ni Carl galing sa Bicol. Pulis siya at gusto niyang tumulong sa imbestigasyon. Tulog si Carl kaya inanyayahan niya ako sa canteen ng ospital.
“Nababanggit ka niya sa akin lagi Cha.”
Tumango lang ako.
“Nainform ba yung mga anak niya..?” Tanong ko.
“Ako na ang pinapunta dito ng mother niya, nasa kanya yung tatlo, gusto nga sanang sumama ng panganay kaya lang sabi ko, delikado pa ang sitwasyon.” Sabi ni Jerry. Kumuha siya ng maliit na notebook at ballpen.
“Cha, pasensiya ka na ha, pero nakita mo ba mismo yung incident, nakilala mo ba yung bumaril?”
“Hindi eh, kasi si Carl ang tinitingnan ko, nung makita ko kung saan galing ang putok, bumagsak na yung bumaril.” Sagot ko “Kumusta na yun Namatay ba?”
“Tumawag na ako sa Station 6 , buhay pa daw. Pero nasa recovery, may tama rin kasi sa likod at paa.” Sagot niya. “So, walang nabanggit sayo si Carlo kung halimbawa the past hours me napapansin siyang kakaiba?”
“Wala” Sagot ko.
“Base kasi sa statements lalo yung mga nandun sa bangketa, itinulak ka ni Carl, tumakbo at linundag niya ang suspek. If that was the reaction, malamang nasipat ni Carl ng maaga bago pa nakapaputok. Nakilala niya ng maaga kaya nung makasalubong, pilit sanang inagapan ang shooting. Otherwise, iba ang mangyayari, tatamaan na lang siya kasi hindi niya alam. Right now, puzzled lahat sa Crame kung sino pa ang natitirang me galit ki Carl. Matagal na kasi siyang wala sa limelight ng media.”
Tumango lang ako. Actually, wala akong naiintindihan sa mga sinasabi ni Jerry.
“Anyway, eto yung card ko Cha, kindly text or call me kung magising siya. Puntahan ko yung suspek baka me makuha na akong information.”
Tumayo ako at nakipagkamay ki Jerry.
****
Nakapag sasalita na ng paisa isa si Carl sumunod na araw. Nakaka kain na rin ito kahit lugaw lang. Tinanong niya ako kung bakit nandito pa ako, dahil baka mawalan daw ako ng trabaho.
“Tumawag na ako ng emergency. Pero babalik ako by Sunday, ok lang sayo..?”
Tumango siya. Binigyan niya ako ng assurance sa kanyang mukha na ok lang siya. Nginitian ko siya habang sinusubuan. Mga ilang minuto pa, dumating si Jerry.
“Bok.. ok ka na?” Tanong nito ki Carl.
“Bok” Sagot ni Carl.
“Tamang tama.” Tiningnan ako ni Jerry, ngintian. “Upo ka Cha.”
“Ready na kayo na marinig what happened..?” Sabi ni Jerry. Inayos ang pagkakaupo sa isang maliit na sofa ng room.
Nagkatinginan kami ni Carlo. Tumango siya ki Jerry. Kinuha ang kanyang maliit na notebook.
“Ok. Here we go. Ang suspek, ang pangalan Gerardo Trampe. 58 years old, me asawa apat na anak. Dating sous’ chef ng mahigit dalawang pung taon sa Greece. Umuwi dito sa Pilipinas noong 2005. Kalaunan, nag kaproblema at naging wanted sa mga kasong, Murder, Frustrated Murder at Arson. Matagal na siyang nasa listahan ng 10 Most Wanted ng PNP sa ARMM.”
Nagulat si Carl. Nakikinig lang ako.
“Ano naman ang kinalaman ko dun sa Mindanao Bok? Bat naman ako babarilin dito..” Sabi ni Carl medyo garalgal ang boses.
Tiningnan ni Jerry si Carl at ako.
“Bok..” Sabi nito. “You’re missing the point, hindi ikaw ang target.”
Nagtaka ako.
“Sino?” Sabi ko.
Napatingin si Jerry sa akin. Medyo ikinagulat ko ito. Nabigla lalo na si Carl at napasigaw..
“Si Cha?”
“Let me finish.” Sabi ni jerry. “Ang una niyang biktima, Arsenio Bataller… ang dating..”
Dito, pinutol ko na si Jerry. Oh my god. Alam ko na. Ako na ang nagpatuloy.
“…Manager ng Southern Philippines Bank… sa Iligan City” Dugtong ko.
Napatingin si Carlo at Jerry sa akin.
“Tumpak” Sabi ni Jerry. At nagpatuloy muli ito ng salaysay…
“Si Bataller ay Binaril sa ulo habang namamalengke. Sunod niyang biktima, si Peter Chan, may ari ng banko ngunit nabuhay ito, kahit me tama ng bala sa dibdib. Si Trampe rin ang suspek ng sunugin nito ang Golden Aces Resort sa Iligan na pag-aari ni Chan.”
Muling napatingin sa akin si Jerry.
“At matagal ka niyang hinahanap Cha, dahil ikaw ang Assistant Bank Manager ng maganap yun. Di ko lang alam kung bakit nung nasa Iligan ka pa, di ka niya makita. Pero, nag pursigi siya sa paghahanap ng mga dating empleyado. Hanggang sa makita kayo ni Carl noong nakaraang sabado sa Bit Bites restaurant sa Makati. Marami siyang mga koneksion na pinagtatanungan. Siguro, nasiraan na ito ng bait, kasi balak niya yatang ubusin ang lahat na mga naging empleyado ng bangko niyo.”
Huminga ako ng malalim. Naalala ko na. Napa-iling ako kung bakit magagawa niya ito. Kaya ipinaliwanag ko..
“May savings sa amin si Mr. Trampe, three point seven million. Ipon niya sa pag ta-trabaho niya sa abroad. Nung mag-sara ang bangko, halos one hundred thousand lang ang nakuha niya. Kinulang pang pang-ospital ng panganay niyang anak na nagkasakit ng leukemia. Ang perang nasa bangko, kundi lang lang sakit ang anak ni Mr. Trampe gagamitin sana sa pagpapatayo ng maliit na restaurant sa Iligan. Nawala lahat ito dahil ginamit ng me ari ng bangko ang pera, na until today may kaso.”
Kapwa nakatingin sa akin si Jerry at Carl. Naiiyak ako.
Hindi ko ito inaasahan.
===========================
ohmygod. ang ganda ng twist. tinapos ko talaga both POV..lols
ReplyDelete