© jason_the_jackal
SIX MONTHS LATER.
June 8. Graduation ni Danica sa UST. Narito kami lahat ng mga anak ko sa Manila. Narito na rin si Cha at ang anak niyang sina Ken at Abby, nakikituloy kina Emily. Nasa hotel din nila si Maya, kasama niya si Ted. Sa unang pagkakataon magkakakilala kami ngayon.
Mauuna kami na magpapakasal kasi ki Maya. Nagkaroon daw ng conflict sa schedule kaya na-postponed ang kasal nila. Bukas, matapos ang mga kaganapang ito, aalis kami ni Cha. Kasama si Abby at Ken, uuwi kami sa Iligan upang pormal na makilala ang pamilya ni Cha.
May plano rin kaming munting salo-salo doon, imbitado ang ilang malapit na kamag anak nila. Babalik kami dalawang araw ng kasal, sa June 19. At dalawang araw pa ule, babalik na kami sa Bicol. Kami na lang ni Cha, kaya iiwan ko ang sasakyan ko kina Emily. Dala ko na ang lahat na gamit ni Charissa pag uwi namin.
Sa kasalukyan, itong si Danica muna ang aming aasikasuhin. Dahil alas kuatro ang seremonya nila, mamaya. Nagkita na kami ni Cha kagabi subalit dahil kasama ko ang mga anak ko, at mga anak niya rin – inayos muna namin sila.
Ngayon, susunduin namin sa hotel si sina Maya.
Ang huli naming tawag, nasa Dusit Hotel sila tumutuloy. Pumunta daw kami doon para mag-lunch. Tinawagan ko si Cha at sinabi ang aming plano. Niyaya ko siya na sumama upang makilala si Maya at ang fiancé nito, pero tumanggi siya dahil may pinamimili daw sila nina Abby.
Mamaya, sa UST naroon sila sabi ni Cha.
***
Dala ko ang aking sasakyan upang maging mabilis ang mga lakad namin.
Sa kotse, maraming tanong si Jacklyn sa mga nangyayari. Tulad halimbawa nang kung anong itatawag niya sa bagong asawa ng kanyang ina. Biniro siya ni Danica na tawaging Lucifer, pero napatigil ito sa pagtawa ng panlisikan ko ng mata.
Nabaling din sa akin ang atension ni Danica, kung bakit kailangan daw pati ako pakakasal.
“Akala ko ba pinag usapan na natin ito. Kung talagang ayaw ninyo, aba pwede ako umatras.” Sabi ko.
Napansin ko sa rearview mirror na nagkatinginan si Danica , Jacklyn at Jed. Umusog ang bunso malapit sa likod ko at nagtanong.
“Pwede?”
Nagmamaneho lang ako. Ma-traffic parin ang Manila.
“Oy, Papa. Pwede?” Ang kulit ng batang ito.
Nilingon ko siya nung nakahinto kami. At ngumiti.
“Joke lang. Hehehe.”
Natawa si Danica.
“Seryoso nga, bakit ba ayaw mo akong mag-asawa. Si Mama pwede?” Tanong ko, naka tingin sa kanila.
“Eh kasi, ano – nababasa ko kasi ang mga step mother daw, evil. Baka gawin lang kaming katulong, pag wala ka.” Banat ng bunso.
“Nabasa ko rin yan.” Sabi ko, “Ang title yata eh, Cinderella.”
Bumalik si bunso sa maayos napagkaka upo sa likuran ko.
Tahimik lang si Danica. Parang walang naririnig. Sinipat ko siya sa rearview mirror, naka dungaw lang sa dinadanan namin sa kalakhang Manila. Palibhasa matured na rin tila nakaka intindi na si Danica ng sitwasyon.
Tumakbo muli kami dahil green light. Saka ko siya sinagot.
“Mabait si Tita Cha. You’ll see. Pag nakilala niyo siya ng lubos astig yun. Rocker. Pareho ko yun, Jeprox.”
Hindi na sila umimik. Tila naidlip, habang binabaybay ko ang lugar papunta sa Dusit Hotel.
***
Pagbaba namin, tinawagan ko si Maya. Nasa may entrance daw may right portion ang restaurant. Nakita namin siya sa salamin kaya kinawayan na siya ni Danica.
Pagpasok namin, mag-isa lang siyang naka upo.
“Asan si Ted?”
“Umalis. Babalik din. Mag lunch na tayo.”
Tumayo si Maya, upang yakapin ang mga anak namin.
Nabigla ako ng makita kong, may laman ang tiyan ni Maya.
“Buntis ka?” Nagulat ako.
“You’re pregnant?” Anas ni Danica. “Di ka pa ikinakasal, Ma.” Parang iritado ang anak namin sa nakikita. Pero yumakap pa rin ito sa ina.
“Teka, umurder na kayo. Mag uusap lang kami sandali ng Papa niyo. Mabilis lang to.” Tumayo si Maya at sumenyas na lumipat kami malapit sa glass wall. Meron dun table for two.
Pagkaupo namin, umorder na sa waiter ang anak ko, habang magka harap kami ni Maya sa di kalayuang mesa nila.
“Ilang buwan na yan?” Tanong ko sa kanya.
“7 months.”
“Ang bangis ni Ted.”
Umiling siya. Nakangiti pa rin.
“Hindi ito kay Ted.”
Nagulat ako. Napatitig sa kanya.
Nahiwagaan ako ki Maya.
Officially, hindi na kami magka-ano ano. Hindi ko na siya asawa, liban sa ina siya ng tatlo kong anak, wala na kaming ugnayan sa isat isa. Gusto kong iwaksi sa isip na maging mapang husga, pero naawa ako sa taong kakasamahin nito, e.
Hindi ko inaasahan ang susunod niyang sasabihin.
“Baog si Ted. Carl.”
“H-Ha?”
“Sterile si Ted, kaya hindi nagtagumpay ang una niyang pag-aasawa. Matagal ko ng alam yun. Bago pa naman kami naging kami, nasabi na niya. Pero gustong gusto niya kaming magka-anak.”
“So, Ano to? Artificial insemination?
Umiling siya.
“Natural concepcion.” Sagot niya.
Bigla ako.
“Putang-ina Maya, huwag kang magbiro.” Hindi pa rin ako makapaniwala.
Hindi siya kumibo. Gulat na gulat ako ki Maya. Hindi ito yung dinunselya ko noon. Iba na siya.
“Actually, idea ito ni Ted.” Siya muli.
“Alin? Na magpa buntis ka sa iba?”
“Yes.”
Napakunot ako ng noo.
“Crazy bastard.”
“He’s not. He loves me, Carl. Ramdam ko yan. Mahal na mahal niya ako.”
“Oo, kasi kung hindi – sinaksak ka nun, pagtulog mo.”
Natawa siya.
“Do you wanna know kung sino ang tatay nito?”
“Hindi.”
“You have the right to know, Carl.”
“What for?”
“Importante sa akin.”
Seryoso siya. Napatitig ako sa mata niya. Ilang saglit lang..
“Go on?”
Natigilan muna si Maya. Saka sumagot.
“Ikaw.”
Nanlamig ang katawan ko. Bumigat ang pakiramdam ko. Anong sabe?
“H-Ha?”
“Ikaw.”
“Paano naman ako?”
Lumapit siya sa akin. At marahang umusal..
“Sino ang gumanun sa akin ng gumanun, seven months ago, Carl?”
Itinaktak niya ng apat ng beses ang hintuturong daliri sa palad ko.
“Shit.. AKO??”
Napasigaw ako, na talagang nagpalingon sa mga tao sa paligid pati na ang dalawa naming anak.
“Sshh.”
Napalapit din ako sa kanya. Hininaan ko na ang aking tinig.
“What the fuck Maya, akala ko ba safe ka nung week na yun?”
“Hindi.”
“Eh bakit hindi mo sinabi?” Gulong gulo ako. Hindi ko alam kong anong sasabihin sa kanya. Naghahabulan ang aking pag hinga. Umaakyat yata ang altapresyon ng mga oras na ito.
“Relax, Carl. Relax.” Pinapakalma niya ako.
“Di ko alam, parang hindi magandang idea tong pag punta namin dito.”
“Carl, pwede ba akong magpaliwanag?”
Ano pa ba ang paliwanag na kailangan dito. Malinaw at malaki na ang ebidensiya sa tiyan niya. Nagkantutan kami. Seven months ago.
“Carl, please.”
Napatingin muli ako sa labas. Sa mga dumadaang tao. Sa ibat ibang klase ng mga mukha na may kanya kanyang suliranin. Sino kaya sa kanila ang nakatira at nakabuntis ng ex wife, na ikakasal sa ibang lalake?
Teleserye pwede. Sa totoong buhay? Wala. Ako lang. Yata.
Nagpaliwanag pa siya.
“Sabi ni Ted, It’s better na ikaw ang maging ama. Nag try kami mag consult for artificial insemination pero ang fear namin pareho, ang genes ng magiging donor Carl. Mahirap mag gamble. Though nag bibigay sila ng mga profile ng mga sperm donors, pero the best plan is.. ito. Ikaw.”
At mas lalong naging komplikado ang lahat. Para akong napagka-isahan. Nag plano sila, hindi ako kasama. Napa iling ako.
“Sorry Carl, walang ibang paraan.”
“Plinano niyo lahat ito?”
“Yes Carl, Sorry.”
“At the height ng time na galit ako sayo, dahil iniwan mo kami. Umuwi ka para mag papirma ng annulment, tapos you seduced me, akala ko lang in-heat ka, ako etong naglalaway na maka-kantot, kinabayuan kita kahit may galit pa ako sa’yo. Yun pala, planado to?”
“Sorry Carl.”
“Hindi ko alam kung ano sasabihin ko Maya. Pero I felt betrayed.”
“Gusto ko sanang sabihin sa’yo nun. Kaya lang baka magalit ka. Kilala kita. Alam kong hindi ka papayag.”
“Talagang hindi.”
Mula sa aking likuran, bigla akong may narinig na lalake.
“Andito ka na pala. I was calling you.”
Paglingon ko, nasa may likuran ko ang isang 5”10 na lalake na naka casual lang sa sout ng slacks at collared shirt. Pero magandang lalake, kahit matanda na, siguro’y mga 55. Puting-puti ang buhok na hindi na yata tinina. Makinis ang mukha, matangos ang ilong.
Naalala ko ang itsura niya ki Rafael Alunan, dating Secretary ng DILG noong nasa media ako. Ganitong ganito ang anyo ng nasa likod ko.
“Hi Hon. Halika andito ang mga bata, and si Carl. Sorry, nasa bag yung CP ko di ko naramdaman.”
Tumayo ako. Hanggang balikat lang ako ng lalake.
“Hi,” Sabi ko.
“Hi, Carl, Ted.” Nakangiti siya.
Nagkamayan kami.
Nung tinitigan ko si Ted, nakaramdam ako ng kaba. Pero nilabanan ko. Inisip ko na ang kaharap ko ay Rafael Alunan. Noon, ininsulto ko na si Alunan sa opisina niya matapos pagalitan ang reporter ko.
Hindi ko siya aatrasan.
“Mga anak, lika kayo sandali.” Tawag ni Maya.
“Ted, hon, meet Danica, Jacklyn and my son Jed”
“Hi po.” Halos magkasabay na bati ng mga anak ko ki Ted.
Kinamayan din ni Ted ang mga ito, naka tayo pa rin siya. Saka bumaling muli sa akin.
“Upo ka, Carl. Buti naman safe yung biyahe niyo. Nag-aalala kami ni Maya kasi nakita namin sa TV maulan sa Bicol, dapat kako nag eroplano na lang kayo. ”
“Okey lang. Safe naman, saka – mabagal naman ako magmaneho.”
“Sobrang bagal.” Rolling eyes. Pang-aasar ni Jacklyn.
Natawa si Danica at Maya. Alam nilang ang mantra ko lagi, noon pa man. Safe driving.
“Ah guys, tamang tama, may mga gift ako sa inyo. Sana magustuhan niyo.” Si Ted, sa mga anak ko.
Nakaramdam ako ng selos. Buti na lang, sinalo ni Danica.
“Ay naku, Sir. Hindi po namin matatanggap. Sorry po. Okey lang kami.”
“Hindi Beh, maganda siya. Actually si Tito Ted ang nagpili at nakaisip nun.” Kabig nin Maya.
Hindi kumibo ang magkakapatid. Hindi na rin nakadugtong si Ted.
Hilong hilo pa ang isip ko, nadagdag pa ang pagsulpot ng aasawahin ng dating misis ko. Ano ba itong napasukan kong gulo?
***
Ilang na ilang ako sa hapunang ito. Magkatabi si Maya at Ted, kaharap kaming mag-aama, habang nagkukuwento at nagbabalintaan ng mga kung ano-ano. Halos hindi ko kayang isubo ang kakainin ko.
Tunaw na tunaw ang pagkatao ko.
Pero narito na rin, wala na akong magagawa. Sibilisado pa rin ako.
Maaga akong natapos, nag dessert pa sila. Tinanong ako ni Ted.
“Nagyoyosi ka ba Carl?” Sabay labas ng isang kaha nang Marlboro Gold sa kanyang bula.
“Tumigil na po.” Sabad ni Jacklyn. Inapakan ko ang paa.
“Ouch, Paa”
“Oo, may smoking area ba dito?” Sabi ko.
“Doun sa bandang dulo, smoking area.” Sabi ni Maya.
Tumayo kami ni Ted. Matagal na akong tumigil manigarilyo dahil una, magasto pangalawa – wala naman kwenta. Hindi ko kailangan. Pero Ngayon, gusto kong mag yosi. At makausap ang taong to. Hindi ako mapalagay. Tingin ko’y pinagtatawanan niya ako sa isip niya.
***
“Hanep na ang init sa Manila. Two years, since naka uwi ako Carl.” Bungad ni Ted, pagkaupo namin sabay sindi ng kanyang yosi.
“Penge ha.” Sabi ko. Dampot ko sa kaha niya.
“Sure. Sige lang.”
Parang marijuanang hinithit ko ang ng isang hagod ang sinindihan ko. Matagal tagal ng panahon bago nakaramdam ng nicotine ang baga’ ko. Nasindak yata, naubo ako.
“Uhu uhu uhu.’ Tang ina matapang ang yosi.
Hindi ako inintindi ni Ted, nakakuyakoy ang paa niya. Relax na relax habang naninigarilyo.
“Gusto mong kape?”
“Sure.” Sabi ko.
Tinawag niya ang waiter, at umurder ng coffee, buti na lang libre pala ang kape sa mga guests. Mga ilang saglit na katahimikan, inunahan ko niya.
“Itong sitwasyon ni Maya, alam mo ba na ako ang ama?”
Plan A. Pag-mali ang sagot niya, ihahampas ko siya sa konkretong poste na nasa tabi niya.
Napatingin siya sa akin.
“Yes Carl. Pinag-usapan namin yan. Pasensiya ka na.”
“Eh ang akin lang kasi, dapat alam ko naman. Ngayon ko lang nalaman, mali naman yata.”
“Sinabi ko yan ki Maya, pero takot pa rin siya sa’yo. Guilty pa rin siya sa lahat ng bagay.” Sabi niya. Maamo ang mukha ni Ted. Tingin ko, di papalag to pag inaya ko ng suntukan.
Baka nga umiyak.
“So, ganun pa rin, itutuloy mo pa rin pakasalan siya?”
Lumunok siya.
“Carl, mahal na mahal ko si Maya. 2 years, pinangarap namin ito. Na makasal, na magka-anak. Ang lahat na ito matupad dahil sa tulong mo. Pinayagan mo siya sa annulment.. at..”
“..buntisin ko… uli?” Ako nang dumugtong
“Sorry Carl. Pero, it’s not that. I can’t have kids. Nung sinuggest ni Maya, habang nasa Bicol siya na what if ikaw, natuwa ako. Alam kong safe kami sa lahat, hindi ako nakaramdam ng selos. Honestly, natuwa ako, Carl. I am very happy. ”
Hayop na lalake to. Kakaiba. Sa isip ko lang.
“Mamahalin ko ang batang yan Carl. Let me do that honor. Please. Forgive us, pero, ang tanging hiling ko lang sa’yo – give me a chance. Papatunayan ko kung gaano ko kamahal si Maya, at ang magiging anak namin.”
“Sino pa ba nakaka-alam nito?.”
“Wala na. Tayong tatlo lang.”
***
Bago ang graduation, nagkita kita na kami nina Cha at mga anak niya sa UST. Ipinakilala ko siya ki Maya. Nagusap sila sa tabi. Nakipag-usap rin ang mga anak ko sa mga anak ni Cha.
Nasa tabi lang kami ni Ted. Pinagmamasdan sila.
Masaya ako. Mukhang, maayos ang lahat. Kuyang kuya ang dating ni Ken sa mga anak ko. Malapit siya, lalo na ki Danica.
***
Ika-anim na oras na naming binabagtas ang daan at ngayon ay Andaya Highway ang aming binabaybay sa boundary ng Bicol-Tagkawayan. Naramdaman kong napa hikab si Cha at umunat matapos ang siguro’y isang oras na pag idlip.
“Tay, malayo pa ba?” Tanong nito.
“Hi, Okey ka lang? Mga three hours pa.”
“Diosmi, ang layo talaga.. ang sakit na ng puwet ko.”
“Gusto mo mag-stop over? Mag-stretch kaya?”
“No, sige lang. Baka gabihin tayo.”
“Idlip ka lang, pag dilat mo ule, andun na tayo.”
“Okay na. Teka, anong araw ba ngayon?”
“Sunday.”
“21?”
“Yes.”
“Naku, Carl!”
“Ano?”
“Happy Fathers Day!”
“Father’s Day ba?”
“Oo eh, Nalimutan ko.”
Lumapit siya sa akin, humalik sa pisngi. At isinandal ang ulo sa aking balikat.
“Thanks.”
“Dapat pala mag quickie tayo, Father’s Day Special.”
“Hahaha.”
“Gusto mo?” Sabi niya.
“Huwag na. Ano ka ba. Gagabihin tayo. Duon na lang sa farm.” Lambing ko.
“Aha. Me balak ka ah? Hahaha.”
Natawa kami pareho.
Binuksan ko ang radyo ng kotse dahil sa lugar na ito ay may nasisipat ng signal mula sa mga FM stations ng Naga. Katatapos lang ng commercial break at segues ng isalang ng DJ ang paboritong kanta namin ni Cha mula sa bandang Firehouse.
Love of a Lifetime.
Nagkatinginan kami. Kapwa napangiti. Ito yung kanta na sumalo sa amin sa hotel, noong una kaming magtalik. Itinudo ko ang volume ng car stero. Napahawak siya sa kamay ko at buong sigla naming sinabayan ang kanta sa loob ng sasakyan.
~I guess the time was right for us to say, We’d take our time and live our lives, Together day by day~
~We’ll make a wish and send it on a prayer~
~We know our dreams will all come true, With love that we can share~
~With you I never wonder, will you be there for me?~
~With you I never wonder, you’re the right one for me?~
~I finally found the love of a lifetime, A love to last my whole life through~
~I finally found the love of a lifetime, Forever in my heart, I finally found the love of a lifetime~
~With every kiss, our love is like brand-new, And every star up in the sky, Was made for me and you, ~
~Still we both know that the road is long~
~We know that we will be together, Because our love is strong~
~I finally found the love of a lifetime, A love to last my whole
life through~
~I finally found the love of a lifetime, Forever in my heart~
~I finally found the love of a lifetime~
Natapos ang kantang tuwang tuwa kami ni Cha. Nag-high five pa kami at nag kiss ng mabilis sa nakakabinging bersion ng aming kinanta. Patuloy na binagtas ko ang daan habang medyo natahimik si Cha sa kanyang kinauupuan.
Tahimik ang highway, bukod sa paspasang road widening construction na dinadanan namin. Nasa 60kph ang maximum speed ko, dahil may mga gamit kaming dala at medyo nalulubak kami minsan sa mga bitak na bahagi ng highway.
Malayo-layo pa, nakita ko na ang kasalubong kong truck na papuntang Maynila.
Walang ano-anoy nagulat ako dahil biglang sumulpot mula sa likuran ng truck ang isang humaharurot na bus na nakikipag-gitgitan, habang kinakain ang aking linya. Umiilaw. Bumubusina. Napasigaw si Cha.
“DIOS KO, CARL!”
Sa kabilang linya, ang 16 wheeler truck na kinakarera ng bus ay di rin nagpatinag. Tantiya ko’y wala ng paraan ang bus na umiwas sa akin pero wala akong mapuntahan kahit sa tabi, dahil may tambak na mga bato ang road widening. Buong lakas kung inapakan ang preno sabay hatak sa hand break at kabig ng manibela sa kanan upang kahit paano – takasan ang taghoy ng makamandag na katapusan.
SSSKKKKKRRREEETTTTCCCHHHH.
KLAG! KLAGAG! CLASSHHHHHHH! EEERRKKKKKKKKK.
Sumalpok pa rin ang bus sa kaliwang bahagi ng headlight ng aking Honda Accord. Ngunit mula rito, inararo kami paatras hanggang sa dikdikin pa lalo ng humampas ang buntot ng kotse sa malaking puno sa tabi ng daan.
Mistulang latang pinison ang aming kalagayan. Ipit na ipit kami sa loob sa sikip dahil yuping-yupi ang buong kaha at umusug ang wasak na makina. Saka lang natigil ang bus. Sa aking unahan, nakikita ko ang nakasampay na tao sa wasak na windshield ng bus, na parang lumusot sa lakas ng impact.
Umuungol.
Kalunos-lunos ang bawat sandali.
Kapwa kami naka-seatbelt ni Cha ngunit wala akong maigalaw sa aking katawan liban sa aking kamay. Naramdaman ko ang pagpisil ni Cha sa aking palad.
Mahigpit.
Sa aming mga kamao at braso makikitang nag iipon at umaagos ang umiitim at malapot na dugo buhat sa tumatagas na mga sugat sa aming katawan. Nakatingin sa akin si Cha.
Pinilit kong magsalita.
“C-Cha.”
“C-Carl.”
“S-Stay with me.. stay with me..”
“Y-Yes.”
***
ONE YEAR LATER.
Napagod yata kami ni Cha sa buong maghapon. Nagpapahinga kami ngayon at naka-upo sa damuhan sa munting burol kung saan matatanaw ang kalakhang sukat ng aking sinasakang lupa.
Natapos din sa wakas ang palitan namin ng salaysay sa balangkas ng aming mga kahapon kung paano kami nagsimula at nagkasama ngayon. Wala kaming itinago. Wala ng dahilan upang mag-kunwari.
Magkayakap kaming magkatabi habang itinuturo sa kanya ang aking palayan at maisan na kaygandang pasmasdan ngayon. Kumikislap sa dalandanang kulay mula sa palubog na araw ang mga gintong butil na sumasayaw sa kapatagan.
Malapit na ang anihan.
Tahimik kami habang nakasandal si Cha sa aking balikat. Nakayapos ang kanyang kamay sa aking likod hanggang baywang.
“I love you, Carl.” Bulong niya.
“I love you too, Cha. Mahal na mahal kita.”
Nagkalapit ang aming mukha hanggang sa maglapat ang aming mga labi sa dampi ng halik. Hanggang sa maihiga ko siya dahan-dahan sa damuhan at mapaibabaw sa kanyang malambot na katawan. Mula sa gawing kanan, narinig namin ang mga kaloskos ng mga paa.
“Shh. Wag kang maingay, andiyan yata ang mga bata.” Sabi ko.
Tinanaw rin ni Cha kaya nasilayan namin ang dalawa naming panganay. Si Ken at Danica, papalapit sa amin. Magkahawak ang kanilang mga kamay. At tila me dalang basket. Siguro’y pagkain.
Dali-dali kaming tumayo.
“Halika, pagtaguan natin.” Sabi ko. Pabulong. Nakangiti.
“S-Sandali..” Nakangiti rin si Cha habang tumatayo.
Bago pa man tuluyang maka-akyat ang dalawa sa dati naming kinalalagyan, nakakubli na kami sa isang malaking puno upang pagmasdan sila. May ngiti ang kanilang mga labi. At may ningning ang mga mata sa mga panakaw na sulyap sa isa’t isa.
Nagtaka ako.
“Cha..” Bulong ko.
“Sshhh..”
Magkatabing naupo ang dalawa sa dati naming puwesto. Ngunit nanlaki ang mga mata ko ng biglang hagkan ni Ken ang labi ng aking anak. Tinanggap naman ito ni Danica at yumakap sa binata.
“Anak ng…” Galit ako.
“Tay.. hayaan mo na sila..”
Ngunit hindi ako nagpa-awat. Lumakad ako upang lapitan ang dalawa. Bente-uno na si Danica ngayon at bente-dos na si Ken ngunit parang hindi ako makakapayag sa inaasal nilang ito. Hindi sila magkadugo pero mali sa aking pakiwari. Hindi ko ito kayang pabayaan. Nasa likod ko si Cha. Nakayapos sa aking likuran hanggang sa makalapit kami ng husto.
“Urrhmm.” Parinig ko. Kinurot ako ni Cha sa tagiliran.
“Hi Papa.” Si Danica.
“Hi Ma, kumusta na po?” Sabi ni Ken.
Naupo si Danica.
“Papa, Happy Father’s Day po.” May luha na ang kanyang mga mata.
Dinig ang impit na mga hikbi.
“We miss you so much Papa, I love you Papa. Why Papa? Why?”
Mula sa likod, inakap ni Ken ang aking anak na naiiyak na rin.
Napayakap na rin sa akin si Cha na nalungkot bigla sa tagpong ito. Dinungaw namin ang marmol na nauupuan ni Danica sa aming paanan kung saan sa itaas na bahagi, may naka-ukit na mga titik:
IN MEMORY OF:
CARLO and CHARISSA
AMARILLO
“A dedicated father. A very caring mother.”
THEY ARE GONE, BUT NEVER FORGOTTEN
REST IN PEACE
“Shh.. Danica. Tahan na. Sabi ko na ba, iiyak ka na naman eh.”
“We miss him Ken.”
“Kami rin ni Abby, we miss her. Pero kailangan nating maging matatag.”
“Oh, Ken.”
“Danica.”
Naglapat ang kanilang mga labi.
Hinatak ako ni Cha.
“Tara na.” Sabi niya.
“Saan naman?”
“Doon, anywhere.”
“Pero?”
“Tsk. Hamo mo na sila. They’re in love. It’s their time.”
Ang aking natitirang diwa, bumubulong sa sumasayaw na ihip ng habagat. Sana nga lang ay marinig nila ang aking nais iparating.
“Mahal na mahal ko kayo mga anak ko. Papa is happy now. Goodbye baby girl. Goodbye.”
Nakatingin pa rin ako sa kanila habang hinihila ni Cha. Tama nga siguro siya. Ito na nga siguro yung panahon naman nila. Napangiti ako at sumigla sa nakikita kina Danica at Ken habang tinatangay kami ng hangin. Maalab na pinagsasaluhan ng kanilang mga labi ang init – sa lumalamig na takipsilim.
***
Wakas
Very sad ending
ReplyDelete