Sikreto sa Opisina Part 1

by sexyyumz (Reader Submission)

Mainit ang simula ng linggo sa kompanya nina Karen at Jay. Pareho silang kilalang mag-asawa sa opisina si 
Jay (33) ay isang department head na abala sa mga investors at si Karen (32) naman ay executive assistant ng kumpanya palaging nasa frontline at malapit sa lahat ng empleyado.

Isang bagong mukha ang dumating sa kanilang floor,  si Kevin (40) dating nasa ibang department ay nailipat bilang kapalit ng dating IT head na biglang nag-resign. May seniority at karanasan si Kevin kaya’t maraming empleyado ang curious kung paano siya makakasundo ng iba.

Pagdating niya sa IT department ay agad siyang sinalubong ni Karen.

Karen (nakangiti, professional):
Good morning, Mr. Dela Cruz. Ako si Mrs. Karen Alvarez, executive assistant, nice to meet you. Ako rin po ang in-charge na mag-orient sa inyo dito.

Kevin (mahinahong ngumiti):
Good morning, Karen. Salamat… at please, Kevin na lang. Medyo matagal na rin ako sa kumpanya ninyo pero ngayon lang ako nalipat dito.

Nag-abot ng kamay si Karen at saglit silang nagkamay. Ang mga mata nila’y nagtagpo at kapwa sila napangiti kahit pormal ang usapan.

Maya-maya, dumating si Jay at lumapit.

Jay (nakangiti, pormal ang tono):
Oh, Kevin! Ayos at nandito ka na. Welcome to the department. Alam kong kaya mong hawakan ang IT team. Big shoes to fill pero ikaw na ang bahala.

Kevin:
Salamat, Jay. Gagawin ko ang makakaya. Buti na lang andiyan si Karen para mag-guide.

Napatingin si Karen kay Jay at ngumiti.


Karen:
Syempre, tutulungan ko naman siya. Para smooth ang transition niya dito.

Nagpatuloy ang orientation. Habang ipinapakita ni Karen ang opisina at mga staff, napansin ni Kevin ang pagiging masigla at approachable ng babae. Hindi lamang siya maganda, kundi may aura ng confidence na madaling makatawag ng atensyon.

Pagkatapos ng orientation, nag-usap silang dalawa sandali sa pantry.

Karen:
Pasensya ka na kung medyo mabilis ang tour ko. Busy rin kasi yung schedule.

Kevin (nakangiti, nakasandal sa counter):
Hindi, ayos lang. Actually, nakatulong na rin. At least may kakilala agad ako rito… at hindi ako masyadong maninibago.

Karen (nakatawa nang mahina):
Good. Basta relax ka lang, Kevin. Dito kasi, mabilis ang trabaho pero sanayan lang. Don’t worry, may tutulong naman sayo.

Nagtagal ang tinginan nila bago bumalik sa kani-kaniyang desk. Sa isip ni Kevin, kakaiba ang simula ng kanyang panibagong yugto sa kumpanya. At hindi niya alam kung ito ba’y magiging simpleng trabaho lang o isang sikreto na unti-unting mabubuo sa opisina.

Unang linggo pa lang ni Kevin sa department pero ramdam na agad ng mga tao ang presence niya. Sanay siya sa corporate life pero kalmado, kaya madaling nakukuha ang respeto ng mga staff. At higit sa lahat, napapansin ng mga empleyado kung gaano siya kadalas makitang magkausap ni Karen.

Tanghali, nasa pantry si Karen at naghahanda ng kape. Pumasok si Kevin at sumabay.

Kevin (nakangiti):
Lagi kitang nakikita rito, Karen. Parang ikaw ang unofficial pantry queen.

Karen (natawa, umiling):
Hindi naman. Sanay lang ako magtimpla ng kape bago bumalik sa trabaho. Ikaw? Coffee person din?

Kevin:
Definitely. At mas masarap yata pag may kasabay.

Saglit silang nagkatitigan, parehong nakangiti. Sakto namang may pumasok na dalawang officemates at napansin sila.

Staff 1 (nakangisi):
Uy, Karen, mabilis ang orientation ah. Close agad kayo ni Sir Kevin.

Staff 2 (nakisabat):
Baka naman may special treatment?

Nagkatinginan sina Kevin at Karen, parehong natawa para gawing biro na lang.

Karen (naglalagay ng asukal, pabirong tono):
Naku, hindi ah! Ginagawa ko lang trabaho ko.

Kevin (nakangiti, medyo seryoso ang boses):
Kung special treatment man ‘to, siguro dahil napaka-professional ng guide ko.

Nagpalakpakan ang dalawang staff at lumabas ng pantry, sabay sigaw ng:
Staff 1: “Oooohh, may bagong tandem na sa office!”

Medyo napailing si Karen, pero hindi maitago ang ngiti.

Karen (mahina, parang bulong):
Pasensya ka na… ganyan sila dito, mahilig mang-asar.

Kevin (mahinahon, nakatingin diretso sa kanya):
Okay lang. Sanay na ako sa teasing.… baka nga tama sila, mabilis tayong naging comfortable sa isa’t isa.

Natahimik saglit si Karen. Ramdam niya ang sincerity ng tono ni Kevin, pero bago pa siya makasagot, tumunog ang phone niya . . .si Jay, tumatawag.

Karen (kinuha ang tawag, ngumiti kay Kevin habang palabas ng pantry):
“Excuse me, asawa ko ito. Later, Kevin.”

Nanatiling nakatingin si Kevin habang papalayo si Karen, may kakaibang ngiti sa labi. Hindi niya maitatanggi sa dami ng taong nakilala niya sa trabaho, may ibang dating si Karen.

Miyerkules ng gabi, halos lahat ng empleyado sa department ay nag-uwian na. Tahimik ang opisina, maliban sa liwanag ng ilang monitor at ilaw sa cubicle ni Karen.

Abala siya sa pag-check ng report nang mapansin niyang may tao pa sa kabilang mesa …si Kevin, nakatutok din sa laptop.

Karen (nagulat, sumilip):
Uy, nandito ka pa pala? Akala ko ako na lang mag-isa.

Kevin (hindi inaalis ang tingin sa screen):
Malapit na deadline ng monthly report, gusto kong tapusin para maaga akong makasabay sa rhythm ng department.

Karen (nakangiti):
Dedikado ah. Usually, yung pinalitan mo, hanggang bukas na lang sinusumite.

Kevin (napatingin kay Karen, seryoso pero may lambing sa boses):
Eh, gusto ko kasi ipakita na kaya kong pantayan… o higitan pa.

Saglit silang nagkatitigan. Tahimik ang paligid, at tanging tunog ng keyboard ang naririnig. Ilang minuto pa, naglakad si Karen dala ang dalawang cup ng 3 in 1 coffee.

Karen (iniabot ang cup):
Overtime buddy? Para hindi ka antukin.

Kevin (tinanggap, ngumiti):
Salamat. Alam mo, bihira ako makahanap ng officemate na nagbibigay ng kape. Usually, ako yung nag-aalok.

Karen (natawa, sabay upo sa tabi niya):
Well, first time for everything.

Nagpatuloy sila sa trabaho, pero kalaunan, lumuwag ang usapan.

Kevin (mahina ang boses, parang nagbubukas ng topic):
Karen, curious lang ako. Paano ka napunta sa posisyon mo? Bata ka pa pero ang galing mong mag-lead.

Karen (nagpakawala ng maliit na buntong-hininga):
Hard work. At siyempre, may suporta rin si Jay… asawa ko.” [biglang may shift sa tono] “Pero minsan, napapagod din.

Kevin (nakatingin sa kanya, seryoso):
Natural lang mapagod. Ang mahalaga, may taong nakakaintindi.

Sandaling natahimik si Karen, ramdam niya ang bigat at lambing ng sinabi ni Kevin.

Karen (nagpanggap na biro, pero may ngiting may halong kilig):
Naku, baka mabigat ang OT vibes natin. Dapat work talk lang ‘to.

Kevin (natawa, pero may banayad na titig):
Oo nga. Pero minsan, okay din yung may real talk kahit sa opisina.

Muling bumalik sa trabaho si Karen, pero ramdam niya ang kakaibang tensyon. Sa kalmadong gabi ng opisina, tila nagsimula nang mabuo ang sikreto sa pagitan nilang dalawa.

Alas diyes na ng gabi. Tahimik ang buong floor, tanging sa cubicle nila Karen at Kevin may liwanag at tunog ng keyboard.

Matapos ang ilang oras ng trabaho, bumangon si Karen para ayusin ang mga print-out ng report. Inayos niya ito sa maliit na lamesa sa tabi, pero nagulo ang ilang papel dahil nahulog ang folder.

Karen (yumuko, nagmamadaling pinupulot ang papel):
Ay naku, lagi na lang ako ganito kapag puyat.

Si Kevin, agad ring lumapit para tulungan siya. Nagtagpo ang mga kamay nila sa parehong papel.

Karen (napatigil, nagulat, bahagyang ngumiti):
Ah…sige, ikaw na.

Kevin (hindi agad binitawan, sabay nakatitig):
Pwede naman sabay, ‘di ba?

May ilang segundong katahimikan. Ramdam ni Karen ang init ng kamay ni Kevin, at mabilis niyang binawi ang papel.

Karen (nagkunwaring chill, pero medyo namula):
Baka mapuyat tayo sa kaka drama. Dapat matapos na natin ‘to.

Kevin (nakangiti, bumalik sa upuan pero nakatitig pa rin sa kanya):
Okay, boss.

Habang naglalakad pabalik sa upuan, napansin ni Karen ang jacket ni Kevin nakasabit sa gilid ng upuan.

Karen:
Uy, buti dala mo jacket. Ang lamig kasi dito tuwing gabi.

Kevin (agad kinuha at inabot kay Karen):
Gusto mo? Para hindi ka ginawin.

Nagulat si Karen sa gesture. Sandali siyang tumitig kay Kevin bago tanggapin.

Karen (mahina, parang napipilitan pero may kilig):
Salamat… pero huwag kang masanay na lagi mo akong pinapahiram.

Kevin (nakangisi, nakasandal sa upuan):
Eh paano kung masanay na ako sa’yo?

Napatigil si Karen. Hindi niya alam kung biro lang o may laman ang sinabi. Tumalikod siya para itago ang ngiti at sumagot nang mabilis:

Karen:
Focus tayo sa work, Kevin.

Pero sa loob-loob niya, iba ang tibok ng puso. At sa tahimik na opisina, nagsimula nang mabuo ang isang lihim na kuryente sa pagitan nila.

Tahimik na ang buong opisina.

Nakatambak pa rin ang mga folder at reports sa mesa ni Karen. Nakahilig siya sa upuan, pagod pero gising pa rin dahil sa dami ng kailangang tapusin. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang asawa.

Karen (mahina ang tono, habang nakatingin sa mga papel):
Hon, OT pa rin ako. Ang dami kasing dapat ayusin para bukas… baka mga isang oras pa bago ako makauwi.

Jay (sa kabilang linya, kalmado):
Okay lang, hon. Basta huwag mong pwersahin sarili mo. At least may kasama kang staff diyan, ‘di ba?

Karen (bahagyang napangiti):
Oo, si Kevin… nasa IT room pa, may inaayos sa system.

Jay
Sige, good. Ingat ka ha. Tawagan mo na lang ako kapag pauwi ka na.

Karen
Love you, hon.”

Pagkababa ng tawag, tumayo si Karen at naglakad papunta sa bintana ng opisina niya. Kita niya mula roon ang kabilang silid kung saan naroon si Kevin. Nakikita niyang nakayuko ito sa monitor, seryoso, parang hindi alintana ang oras.

Sandaling napangiti si Karen. May kakaibang pakiramdam habang pinagmamasdan siya.

Maya-maya, parang ramdam ni Kevin ang tingin niya, tumingala ito mula sa monitor at nagkatinginan sila mula sa magkaibang silid. Sandaling katahimikan lang iyon, pero sapat na para maramdaman ni Karen ang kakaibang tension.

Karen (mahina, para sa sarili):
“Grabe… 10:45 PM na, pero parang ang dami pang nangyayari.”

Naglakad siya pabalik sa mesa, pero hindi mawala sa isip niya ang titig ni Kevin.

Post a Comment

[blogger]

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.