by sexyyumz (Reader Submission)
Sandali silang natahimik habang naglalakad palabas ng opisina. Nang makarating sa labas, ramdam nila pareho ang gutom.
Sa Fast Food (Al Fresco Area)
Pumwesto sila sa isang mesa sa labas, may kaunting hangin na dumadaan, at konti na lang ang tao sa paligid. Tahimik ang gabi, tanging tunog ng sasakyan sa malayo ang maririnig.
Habang naghihintay ng pagkain, naglaro ang mga mata nila. Hindi sila masyadong nagsasalita, pero ramdam ang bigat ng presensya ng isa’t isa.
Nag-init ang pisngi ni Karen, napayuko siya at napangiti. Dumating ang pagkain, nagsimula silang kumain, pero halos hindi sila nagkikibuan. Kapag nagtatama ang mga tingin nila, parang humahaba ang oras.
Habang humihigop ng softdrinks si Karen, napansin niyang mataman siyang tinitingnan ni Kevin. Hindi ito bastos, kundi parang pinag-aaralan ang bawat galaw niya.
Hindi agad nakasagot si Karen. Bumagal ang paghinga niya, at ang simpleng dinner na iyon ay biglang naging mas intimate kaysa inaasahan.
Pagkatapos nilang kumain, tumayo na sila at sabay na naglakad palabas ng fast food. Tahimik ang paligid, halos wala nang tao sa labas maliban sa ilang sasakyang dumadaan. Medyo madilim din ang daan papuntang parking lot.
Habang naglalakad, bahagyang lumingon si Kevin kay Karen. Napansin niyang medyo kinakapa ni Karen ang gilid ng daan, parang nag-aalangan sa dilim.
Nagulat si Karen, pero hindi siya nakatanggi. Ramdam niya ang init ng palad ni Kevin nang dahan-dahan niyang inilapat ang kanyang kamay.
Ilang hakbang lang pero parang tumigil ang oras. Tahimik silang naglalakad, tanging tunog lang ng mga paa nila ang maririnig. Paminsan-minsan, nagtatama ang mga sulyap nila, at may ngiti sa labi ni Kevin na parang alam niya kung ano ang nararamdaman ni Karen.
Pagdating sa parking lot, binitawan ni Kevin ang kamay niya bago sila tuluyang magkahiwalay.
Sumakay sila sa kani-kanilang sasakyan, pero bago pa umalis, pareho silang napatitig saglit sa rearview mirror na para bang parehong ayaw pang matapos ang gabing iyon.
Maagang pumasok si Karen sa opisina, dala ang makapal na folder ng reports. Si Kevin naman ay nasa workstation na, abala sa laptop at naka-headset. Normal ang paligid may ingay ng mga printers, may tawanan ng ibang staff, at may mga nagmamadaling naglalakad.
Pero sa pagitan nila, may kakaibang init.
Habang dumadaan si Karen malapit kay Kevin, hindi niya maiwasang mapatingin. Ramdam niya ang bigat ng tingin ni Kevin kahit hindi ito lumilingon agad.
Nagpatuloy si Karen sa trabaho pero sa bawat pagkakataon na dadaan siya malapit sa mesa ni Kevin, hindi niya maiwasang sulyapan ito. Si Kevin naman, laging handang saluhin ang tingin niya na mabilis, palihim, pero matalim.
Tanghali na, habang nagmamadali si Karen sa pag-abot ng papeles kay Kevin, pareho silang napatigil nang magdikit ang mga daliri nila.
Nagpatuloy ang araw, pero sa bawat pasada nila sa isa’t isa … sa pantry, sa hallway, kahit sa pagpasa ng dokumento ay laging may saglit na dikit ng kamay, braso, o balikat. Para bang hindi sinasadya, pero pareho nilang alam na higit pa ang ibig sabihin nito.
Uwian na, halos sila na lang ang naiwan sa floor. Tumama ang tingin ni Karen kay Kevin, at mabilis niya itong iniwas. Pero bago siya lumabas, narinig niya ang boses ni Kevin.
Natigilan si Karen, mabilis na kumabog ang dibdib. Hindi siya lumingon, pero ramdam niya ang tensyon na parang kumukulong lihim sa pagitan nila.
Gabi na, abala pa rin si Karen sa pag-type ng report sa desk niya. Nakayuko siya, seryosong nagbabasa ng spreadsheet sa monitor, habang nakatayo si Kevin sa likod niya, dala ang ilang dokumentong kailangan niyang pirmahan.
Habang nakasandal si Karen sa swivel chair, pasimpleng dumikit si Kevin. Saglit niyang inilapag ang papel sa mesa, at sa paglapit niya, dumaan ang kamay niya sa likod ni Karen… halos hindi halata, pero sapat para madama ni Karen ang magaan na haplos sa likod ng kanyang blouse.
Parang kuryenteng dumaloy sa katawan ni Karen ang sandaling iyon. Agad siyang napatigil sa pagta-type at bahagyang napatingala kay Kevin.
Bahagyang ngumiti si Karen, pilit na pinapakalma ang sarili. Pagkatapos ng ilang segundo, umatras si Kevin, kinuha ulit ang papel, at bumalik sa mesa niya na parang walang nangyari. Naiwan si Karen na hindi mapigilan ang pamumula ng pisngi habang tinutuloy ang trabaho.
After Work
Pauwi na, halos sabay silang bumaba ng building. Hindi nila pinapansin ang mga kasabay ang ibang empleyado sa ibang dept., pero nang maghiwa-hiwalay na, sabay silang naglakad papunta sa parking area.
Napatingin si Karen, hindi niya napigilang mapangiti. May halong init at kilig ang simpleng biro na iyon. Ramdam niya ang gaan ng loob niya kay Kevin na parang may espasyong binubuksan ito sa kanya na matagal nang sarado.
Sa maliit na fast food na malapit sa office, umupo silang magkatapat. Habang kumakain, minsan nagtatama ang kanilang mga tuhod sa ilalim ng mesa. Hindi na umaatras si Kevin, at hindi na rin iniiwas ni Karen.
Sandali siyang natigilan. Pinilit niyang ngumiti, pero sa loob-loob niya, ramdam na ramdam niya ang tinutukoy ni Kevin. Hindi lang ito simpleng kasamahan sa opisina may lihim na init na unti-unti nang lumalalim.
Malalim na ang gabi.. matapos ang dinner nila. Medyo malamig ang hangin habang sabay silang naglakad papunta sa parking lot, dala ang kani-kaniyang gamit. Tahimik lang sila habang naglalakad, pero ramdam ni Karen ang kakaibang tensyon na parang nakabitin mula pa kaninang haplos sa opisina.
Nang makarating sila sa mas madilim na bahagi ng parking lot kung saan halos walang tao, biglang huminto si Kevin.
Bago pa makalayo si Karen, marahan siyang hinila ni Kevin pabalik. Naramdaman ni Karen ang mainit na yakap mula sa likod …mahigpit, pero may halong lambing.
Napalunok si Karen. Ramdam niya ang tibok ng dibdib ni Kevin na nakadikit sa likod niya. Dahan-dahan, hinarap siya ni Kevin, inilagay ang kamay sa kanyang pisngi, at tinitigan siya nang matagal.
Hindi na nakatiis si Kevin at marahang inilapit ang kanyang labi kay Karen. Una’y mabilis lang, parang teasing ang nangyari. Ngunit nang hindi siya umiwas, muling hinalikan ni Kevin si Karen, mas matagal, mas mariin.
Napalapit ang kamay ni Karen sa dibdib ni Kevin, hawak niya ito na parang nag-aalinlangan pero ayaw ding tumigil.
Huminto sandali si Karen, nakatitig sa kanya, halatang gulong-gulo. Pero bago pa siya makapagsalita, muli siyang hinalikan ni Kevin, ngayon mas mapusok, mas puno ng gigil, ngunit nananatiling may halong tamis.
Sa ilang segundong iyon, nakalimutan nilang nasa parking lot sila. Ang mundo ay sila lamang.
Pagkatapos, dahan-dahang kumalas si Karen, habol ang hininga, at pinilit ang isang ngiti.
Pagkatapos ng sandaling tensyonado at matamis na halikan sa parking lot, magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ni Karen habang umaalis sa lugar. Nagpaalaman sila ni Kevin, simpleng ngiti lang at maikling tingin bago sumakay sa kani-kaniyang sasakyan.
Pag-uwi, sinalubong agad ni Jay si Karen. Wala itong kamalay-malay sa nangyari. Pagod din si Jay mula sa trabaho, kaya’t niyakap niya lang si Karen bago sila sabay na nahiga.
Habang nakahiga sa tabi ni Jay, nakatingin si Karen sa kisame, pilit pinapakalma ang sarili. Ramdam niya pa rin ang labi ni Kevin sa labi niya, at ang higpit ng yakap nito. May kakaibang init sa dibdib niya na hindi mawala.
Biglang nag-vibrate ang phone niya sa tabi ng kama. Dahan-dahan niya itong kinuha, tinakpan ng kumot para hindi makita ni Jay.
Isang message mula kay Kevin:

Napalunok si Karen, nakagat ang labi habang binabasa. Napatingin siya kay Jay na himbing na natutulog, tapos bumalik ang tingin niya sa cellphone.
Post a Comment