Ang Lihim ni Mila Part 11-12

©jason_the_jackal 

CHAPTER 11: Ang Pagkamatay Mila

*

Isang araw makalipas nito, nagulantang ang buong Pilipinas ng pangalanan na sa local news ang pinay na nasawi sa giyera sa Syria. Biglang nag-ipon ipon hindi lang ang barangay kundi halos buong lalawigan sa bahay ng mga Agoncillo sa San Pascual, Masbate. Nung mainterview ang mga pulitiko, ipinakita nila sa video na binibigyan nila ng tulong pinansial si Aling Magda at Kardo, na kapwa umiiyak sa sinapit ng anak.

Hindi matanggap ni Maricar ang balita. Hindi siya makapaniwala. Hindi siya makakain, hindi makatulog. Maghapong umiyak sa kanyang silid at halos mag wala dahil sa balitang ito.

Pero ang mas nakakalungkot, hindi yata nila makikita agad ang bangkay ng anak, dahil nagtuturuan ang mga opisyal sa Philippine Embasssy sa Syria, kasama na ang mga labor attaches kung sino ang gagastos sa transport ng bangkay. Dahil hindi dokumentado si Mila sa lista ng OWWA at DFA wala itong maliwanag na benipisyo kahit ganitong sitwasyon.

Malaki ang naitulong ng mabugbog sa Philippine Media ang problemang ito, dahil nagalit ang pangulo. Saka lang gumalaw ang mga opisyal na Pilipino sa Middle East na magtulong tulong na maiuwi ang bangkay ni Mila, kasama ang libo-libong OFW sa Syria na pilit pinauuwi ng pamahalaan.

At sa pangkalahatang hakbang, ang pinakamabilis na aksion ng Philippine officials sa Syria, Beirut at Jordan na nagtutulong sa repatriation process kasabay ng bangkay na iu-uwi sa Pilipinas ay— tatlong linggo.

Bakit? Kulang daw kasi ang pamasahe. At hindi hindi daw sila baliw na mag-aambag ng sarili nilang pera.

***

Inabutan ni John sa loob ng malaking tent ang maraming mga pasyenteng tinamaan ng shrap nails, bala at mga falling debris sa bakbakan. Sa isang tabi, sa bandang kanan nilapitan nila ang babaeng tinulungan nila ni Jamal. Sinusubuan ito ng isang volunteer nurse.

“Hi, how are you?” Tanong ni John.

Hindi siya matandaan ng babae. Nakatingin lang ito ki John at sa kasama nito, kaya ang nurse ng nag aaruga ang nagpaliwanag sa kanya.

“He was the one who helped you get here..”

Tiningnan siya ng babae. Ngumiti at umusal..

“Thank you. Thank you, very much.”

Ngumiti si John.

“I’m, John, this is my friend Jamal.” Pakilala nito. Nasa likuran niya si Jamal.

“Oh, by the way we got your passport..” Inaabut ni John ang passport.

“You’re Andrea right? I’ve been trying to locate Filipino officials to report your situation, but I can’t get a line to Damascus.”

Napatitig muli ang babae ki John, binuksan niya ang passport at binasa. At ibinaling ang mga mata sa iba pang mga pasyenteng katabi nito. Ang iba, umuungol sa sakit na nararamdaman. Maraming mga bata ang nagiiyakan sa mga lapnos na sugat sa katawan. Kalunos lunos ang kundisyon ng mga babae at mga bata.

Inisip niya ang kundisyon niya. Ang kanyang pamilya. Ano ang mga mangyayari. Muli niyang narinig si John.

“Don’t worry, as soon as you are ready and well, we will help you get home. Would you like that, Andrea?” Nakangiti si John sa kanya.

ANDREA.

Tama, siya si Andrea. Tumulo ang luha nito. Nabahala tuloy si John kaya hinawakan ang kamay ng dalaga at naupo sa tabi.

“Don’t cry. It’s fine. You’re safe.”

Napahigpit ang pagkakahawak niya ki John. Umiiyak at umusal.

“I- I don’t wanna go home. Please. Help me. I don’t wanna go back..”

Napatingin si John sa kasamang si Jamal at sa Nurse na nasa tabi nila. Saka muling ibinaling ang mata ki Andrea. Dalawang kamay na ang nakahawak sa babae. Mas mahigpit ang kanilang pagkakahawak.

Kinukurot ang puso ni John sa pakiusap ng dalaga.

***

Labing limang araw, nakarating sa wakas ang bangkay ng biktima sa Masbate. Awang-awa ang buong barangay sa sinapit ng dalaga. Naroon maging ang mga teacher nito, ang mga kaibigan ng dumating sa Masbate Airport ang kabaong, na inihatid ng ilang representatives mula sa Department of Foreign Affairs.

Dahil matagal na ang bangkay, naka selyo na ang kabaong kaya nakasara na itong itinurn over kina Aling Magda.

Sa unang gabi ng burol. Daang daang tao ang nagtipon sa chapel ng barangay upang makiramay. Sa likod ng chapel, sa may halamanan, magkayapos si Ben at Magda. Hindi alintana sa kanila na mula sa pader na humahati, nakaburol ang kabaong ni Mila.

“Pagkatapos nito, ilalayo kita dito..” Bulong ni Ben ki Magda.

“Saan tayo pupunta.?” Sabi ng babae.

“Bahala na, sa Maynila. Kahit saan.. ilalayo kita dito..”

Nagisip ng bahagya si Magda. Hinigpitan ang yakap sa lalake.

“S-sige.. sige. Sasama ako sayo..”

Hinalikan siya ni Ben sa labi. Nag-iskrima ang kanilang dila.

“Siyangapala, wala na akong pera..”

Ngumiti si Magda. Dumukot sa sout na jacket. Marami siyang pera, dahil maraming abuloy. Iniiabut ang kumpol ng mga tig-lilimang daan sa lalake.

“Salamat.” Muli nitong hinalikan ang babae.

Ilang saglit pa.

“Nalulungkot ako.” Bulong ng babae. “Pwede ba dito?”

“Dito” Taka ni Ben.

Tumango ang babae.

“Baka me makakita.”

“Wala, madilim. Sige na..”

Ilang saglit pa, nakababa na ang panty ni Magda, nakasampa sa pader ang likuran niya. Umuuga ang mga halaman habang mahinang binabayo ni Ben ang pagkababae nito.

Sa loob ng chapel, hindi matigil ang hinagpis at hagolhol ni Maricar sa nakasaradong kabaong ng kapatid. Halos wala na siyang hininga sa labis na paninibugho, habang yakap yakap ang ataul. Tila naputol na ang kanyang mga pangarap.

Wala na siyang kasangga.

‘Paalam Ate Mila. Paalam po..’

***

CHAPTER 12: Ang Liham

*

THREE YEARS LATER

Mag-iisang taon ng patay si Mang Kardo dahil sa heat stroke. Nasa gitna ito ng palayan, ng bigla na lang matumba isang hapon. Hindi na ito umaabot sa ospital. Nang masawi ito, dalawang taon na siyang mag-isa matapos iwanan ni Magda, kasama ang kalagoyo na lumayas dalawang araw lang matapos mailibing ang bangkay ni Mila.

Iniwan din siya ni Maricar, dahil pinagtangkaan niya itong gahasain, isang gabi nung umuwi siyang lasing. Tumalon si Maricar sa bintana kahit dis oras ng gabi at kinalampag ang mga kapitbahay. Sa galit ng ilang mga babaeng kapit bahay, pinag hahampas si Kardo. Pilit nilang inilayo si Maricar sa manyak na ama. Sa awa ni Maricar, hindi niya itinuloy ang kaso laban sa ama. Umiiyak itong nakaluhod sa harap ng kapitan del baryo at nangakong hindi na siya uulit at hindi na niya muling gagambalain ang anak.

Ang huling balita ni Maricar sa ina ay nasa Cavite na ito ngayon at may iba ng kinakasama. Si Ben ay nakakulong sa New Bilibid Prisons matapos mahuli ng NBI agents sa Manila. Matagal na pala itong may warrant sa kasong robbery at homicide. Matapos ang paglilitis, three life sentence ang hatol sa kanya, dahil brutal ang pagkakapatay sa isang matandang babae na napatay ni Ben matapos nakawan sa Laguna, limang taon na ang nakararaan. Noon pa man lulong na sa shabu si Ben. At dahil wala ng pag-asa, ibinaling ni Magda ang pagtingin sa iba. Hindi na ito nagparamdam ki Maricar.

Nagtapos si Maricar ng Valedictorian, umiiyak na binasa nito ang kanyang valedictory speech sa harap na mga graduates noon. Ini-aalay niya ang lahat sa nasirang si Ate Mila. Ang kanyang bestfriend, ang kanyang teacher at ang kanyang idolo.

Kinukopkop ngayon si Maricar ni Mrs. Irene Chavez sa Masbate City dahil nasa kolehiyo na siya ngayon sa kursong Agricultural Engineering. Hindi ito ang pangarap ni Maricar, ngunit ito lang ang kayang ipangako ng nag aaruga sa kanyang pamilya.

Biyernes ng hapon, pag uwi niya sa bahay na tinutuluyan, dumeretso agad si Maricar sa silid. Napansin niya ang isang plastic na tila mail package ng Air21. Nakalagay ang kanyang pangalan, kaya ginunting niya ito at kinuha ang isang liham. Binuksan ang sobre at binasa.

Hi Maricar,

How are you my sweet little princess? I have waited so long to write this letter, but I have to hold myself so I could stick to my plan. My husband and I took us 8 months to finally locate your whereabouts and it is really overwhelming to know that you are doing well after the horrifying events that we both shared.

Nagtaka si Maricar, nalito. Hindi niya kilala kung sino ang letter sender, kaya’t hindi pa man natatapos ang liham, binaliktad niya ang sobre upang tuklasin ang sender.

ANDREA COLLINS

Hindi niya ito kilala, ngunit pinagpatuloy ang pagbasa ng liham.

At the back of this letter there are some instructions for what you are going to do and prepare for the next 2 months, starting today. You have to be ready because you’re coming to America, where you are going to finish your studies and where nobody would ever hurt us anymore.

I miss you. I am dying to see you again.

Nanlaki ang mata ni Maricar. Napanganga. Kumabog ang kanyang dibdib at tila tumindig ang lahat ng balahibo sa kanyang katawan. Sa baba ng liham makikita kasi ang signature insignia na kilalang-kilala niya.

“9x-7i >3 (3x-7u)”

Hindi siya maaring magkamali. Totoo ito. Ang kanyang binasa at hawak ay isang lihim na liham ni Mila.

****

Post a Comment

[blogger]

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.