©jason_the_jackal
CHAPTER 13: Pagbangon*
LAWRENCEVILLE, NEW JERSEY
Sa bintana, pinanonood ni Mila ang makapal na snow na
sumasakop na sa halos buong kalsada hanggang sa tarangkahan ng kanilang
tahanan. Tumatagos sa kanyang laman ang lamig, kahit tatlong patong na ang suot
niya at kahit nasa full throttle ang centralized heater nila. Ilang oras na
lang, darating na si John. Isang taon na silang kasal ngayon at bukod tanging
pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. Hindi niya makalimutan ang naganap sa
Syria, bago siya napunta sa America.
Lagi niya itong naalala, lalo na ang kanyang mga amo at ang
mga anak nito. At lalong lalo na ang kanyang kaibigan na nadamay sa digmaang
iyon. Natatandaan niya, bumalik siya sa apartment dahil naiwan ang gamit ni
Mrs. Al-Kudsi, kung saan naroon ang mga mahalagang papel ng kanilang mga
negosyo. Dahil malapit na ang mag-asawa sa van, si Mila na ang pinakuha.
Pinakiusapan na rin niya siya ni Andrea na madala na rin ang bag na naiwan din
sa may pinto dahil nataranta sa mga tumatagos na bala. Akap akap ni Andrea ang
mga bata sa loob ng Van, ng biglang sumabog sa bandang taas ni Mila ang isang
RPG. Tumilapon siya. Naririnig niyang nagsisigaw si Andrea sa kanya, ngunit
makulit ang mga military sa tapat na umalis na sila. Nung humarurot ang Van,
nawalan ng malay si Mila.
Huli na ng malaman niyang, patay lahat ang sakay nito.
Tadtad ng bala lahat kabilang na ang mga bata – at lalo na si Andrea na halos
hindi nakilala sa dami ng tama ng bala sa mukha.
Sadya niyang pinatay si Mila, upang buhayin si Andrea.
Sinadya niyang ilibing ang lahat ng mga mapait na kapalaran
ni Mila upang sa gayo’y makapag bagong buhay sa katauhan ni Andrea. Isinumpa
niya sa sarili na kahit hindi kapiling ng tunay na pamilya si Andrea sa Samar,
hindi siya titigil sa pagtulong. Hindi alam ng pamilya ni Andrea, lihim siyang
nagpapadala ng monthly allowances sa mag-anak upang matustusan ang pag-aaral ng
mga kapatid ng nasirang kaibigan.
Bago pa man pumunta ng US, ipinagtapat na ni Mila kay John
ang tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Maluwag naman itong tinanggap ng
lalake dahil sa dinanas nito lalo na sa mga magulang.
Dinala ni John si Mila na ngayon ay kilalang si Andrea sa
New Jersey, sa tulong ng kaibigan at longtime source na empleyado ng State
Department. Nabigyan sila ng mga dokumento hanggang sa maisakay sa US Army
Cargo plane mula sa Oman, hanggang sa Estados Unidos.
Ipinagkatiwala muna ni John si Mila sa kanyang nakatatandang
kapatid na si Kathy na isang Real Estate Broker sa New Jersey. May isa pa
siyang assignment sa Indonesia na noon ay malapit na ring magkagulo dahil sa
pulitika. Nung bumalik si John, apat na buwan makalipas – halos mataranta ang
kapatid niya sa mga magandang mga kwento tungkol sa babaeng isinama niya sa
America.
Si Mila o Andrea para sa karamihan, ayon sa scale ng US
intellect standard, ay may IQ level na 155 sa edad na 18. Nung subukan nito ang
pinakuhang test sa Senior High School – one hundred percent perfect score ang
resulta, kaya agad siyang ini-akyat sa grade 12. Nasa top 1 siya nung sumapit
ang graduation.
Sinubukan nila ni John na pakuhanin ng scholarship si Mila
sa Princeton University at ng lumabas ang resulta, mismong ang Vice-Chancelor
ng College of Applied Mathematics ang nag abut sa dokumento ng scholarship
grant sa bahay nina Mila upang personal na i-welcome ito sa Princeton. Kasabay
nito ang pangakong teaching job sa oras na matapos niya kurso.
Tumanggap si Mila ng mga tutorial lessons sa mga batang nasa
grade school, kahit junior high school sa lahat ng subjects lalo na sa Science
at Math. Dahil maganda ang feedback ng mga magulang sa mga natuturuan niya,
dumami ang tinuturuan ni Mila. 10 dollars per hour ang bayad sa kanya sa bawat
estyudiante. Araw araw, 3 hours ang sessions nila at 5 hours tuwing weekends.
Wala pang isang buwan, may ipon na si Mila ng mahigit 8,000
dollars. Dahil lumalaki na ang batang tinuturuan, ipinagamit na ni Kathy ang
isang space ng malaking room sa lumang bahay nila nina John. Labing apat na
buwan ang makalipas, bukod sa ambag niya para sa rentals sa pamilya ni John na
nung una’y ayaw tanggapin ni Kathy, nakapag ipon na ang dalaga ng mahigit
110,000 US dollars sa tutorial lessons lang.
Maging si Kathy, gusto ng mag retire sa Real Estate Business
dahil mukhang nag-click sa neighborhood ang tutorial business ni Mila.
****
CHAPTER 14: Ang Romansa
*
Sa unang dalawang taon, naging malapit si John at Mila sa
isa’t isa. Si John ay 34 years old na deborsiyado, ngunit walang anak sa unang
naging asawa. Last assignment na ni John ang Indonesia, tatlong taon na ang
nakararaan bilang International Journalist, dahil tinanggap nito ang alok sa
KWQT-FOX News 11 na maging News Chief.
Si Mila ay nasa ikalawang taon na ngayon sa Princeton. At
noong isang taon, bunsod na rin ng kanilang pag-iibigan, pumayag si Mila na
pakasalan si John. Ngayon may sarili na rin silang tirahan, malapit sa
unibersidad kung saan pumapasok si Mila.
****
“Hello, angel.”
Nagulat si Mila. Mula sa likuran narinig niya ang asawa.
“You scared me. My God!” Hawak niya ang dibdib. Nakangiti.
Ni hindi niya narinig ang pagdarting nito at kung paano nakapasok.
“Happy Anniversary, sweetheart.” Malambing ang tinig nito.
Nagningning ang mata ni Mila. Mula sa likuran ng lalake,
inilabas at iniaabut ki Mila ang hawak niyang isang kumpol ng jasmine flowers.
Hanggang ngayon, romantiko pa rin si John.
“Thank you. This is so sweet of you.. Happy Anniversary..”
Lumapit si Mila. Yumapos sa katawan ng asawa. Lumuluha na naman ang mga mata ng
babae. Hawak na nito ang bulaklak na bigay ng asawa.
Hindi ito ang araw ng kanilang kasal. Ito ang araw na
nagkita sila noon sa Syria. Sa loob ng tatlong taon, hindi nila kinaliligtaan
ang araw na ito.
“There you go again. You always cry everytime I do this..”
Nakangiti si John. Mahigpit ang yakap ki Mila
Naramdaman niya ang mahinang hampas ng kamao ng babae sa
kanyang dibdib.
“Coz’ I like it a lot.” Sagot ni Mila. Tiningala niya ang 5
foot 10 na asawa. Nginitian. Bahagyang yumuko si John, dinampian ng mainit na
halik ang maliit na labi ni Mila.
“I love you.” Sabi ni John.
“And I love you more, babes. Thank you. Thank you for
everything..” Sabi ni Mila.
Muli siyang dinampian ng halik ni John.
“You’re so emotional. Come on, cheer up..” Sabi ni John.
Ngumiti na si Mila.
“I know you’re starving. Come, I going to feed you. You’re
going to need more of your strength later..” Nakangiti si Mila, habang hila ang
kamay ng asawa papunta sa kanilang dining table.
“Hahaha, you’re kidding right?” Natawa ang lalaki.
Inilagay niya ang bulaklak sa isang glass vase at ipinatong
sa gitna ng mesa.
“Says who?” Pinauupo niya ang asawa. “I intend to abuse you
all night.” Nakangiti pa rin si Mila. “But first, you have to eat.”
Mula sa oven, kinuha at inilapag ni Mila ang ginawa niyang
lasagna. Binuksan ang umuusok pang chicken scallop in lemon glaze. At binuksan
din ang binili niyang 1955 Clos Du Bois: Pinot Noir, upang lagyan ang kanilang
wine glass.
Napanganga si John.
“So… Do you wanna know, what I’ve been doing this
afternoon?” Binuksan ni Mila ang stereo. Saka bumalik sa mesa upang pag
silbihan ang asawa.
Napailing muli ang lalaki. Manghang mangha ki Mila. Malaki
na nga ang ipinagbago nito.
“Damn.”
Sa speaker, maririnig ang mahinang himig mula sa single ng
Skylark.
WILDFLOWER

Post a Comment