©jason_the_jackal
CHAPTER 3: Ang Pagkatao Ni Mila*
Maganda si Mila. Morena ang balat nito. Mahaba ang buhok
hanggang sa likuran. Matangos ang ilong at kapansin-pansin ang maliit na nunal
nito na nakatuldok sa kanang bahagi ng itaas na labi. Pantay ang maputing mga
ngipin. Mahaba ang pilik mata at kaakit akit rin ang mga mata nito. 5”3 ang
taas. Balingkinitan ang katawan at makinis ang buong balat. Malaki ang dibdib
at makikitaan ng manipis na balbon ang mga braso at mga binti nito.
Bukod sa angking ganda, si Mila ay isang consistent honor
student mula grade school. Nagtapos siya ng Salutatorian sa high school. Kung
siguro nga lang may pagkakataon at kung siguro may perang pang tustos sa
maraming extra-curricular activities, siya talaga ang pambato ng buong klase
nila na maging Class Valedictorian. Ngunit natalo siya dahil sa ibang aspeto na
hindi naman maipaliwanag na maayos ng selection committee nung ibigay ang final
honors. Ipinag kibit balikat lang ito ni Mila.
Isa sa hilig niya ang magbasa. Lahat ng klaseng libro,
binabasa ni Mila. Mula bibliya, general knowledge, mga nobela, non-fictions at
fictions. Lahat ng klase ng aklat, binabasa niya.
Kabilang sa mga natatanging karangalan na ibinigay niya sa
kanilang community school ang makasali sa Philippine Mathematics Olympics sa
Cebu. Iniuwi nito ang silver medal at cash na 10,000 pesos. Karamihan sa mga
teacher, naniniwalang mataas ang maabut ng bata dahil sa angking talino.
Kabilang din nga sana siya sa pinalad na lalaban sa Singapore sa Mathematics
Training Guild Asean Challenge, pero hindi na pumayag ang kanyang mga magulang.
Isa lang ito sa mga frustrations ng batang si Mila sa
kanyang buhay.
Ano mang talino at kakayahan ng anak kung sadyang nakapikit
ang mga mata ng mga magulang, balakid ito sa sana’y magandang kinabukasan. Nung
kausapin ng teacher ni Mila ang kanyang mga magulang para sa isang scholarship
na ibinigay ng University of the Philippines, kapwa tumanggi ang mag-asawa.
Nakapag desisyon na daw silang hihinto si Mila upang
magtrabaho dahil sa labis na kahirapan. Halos maiyak ang teacher ni Mila,
habang kinakausap ang ina, dahil nag-susugal ito ng Tong-its sa tabi ng
kanilang bahay, kasama ang iba pang nanay habang ang ama naman ay abala sa
katabing mesa na nakikipag inuman. Ala una pa lang ito ng hapon.
Iniyakan ito ni Mila.
Pumayag si Mila sa pagpupumilit ng mga magulang na maging
domestic helper, sa dalawang dahilan. Una ay upang maka-ipon siya ng sapat na
halaga nang sa gayon ay kahit mahuli ng ilang taon, makapagtapos siya ng
pag-aaral. Ang pangalawa ay upang takasan ang nangingibabaw na impiyerno sa
kanilang tahanan, lalo na ang demonyong naghahari sa katauhan ng kanyang
sariling ama.
Third year high school si Mila ng unang halayin ng lasing na
ama. Nasundan ito nung siya ay nasa fourth year na at wala siyang magawa dahil
sa nakatutok na gulok sa kanyang leeg. Sa ikatlong pagkakataon bago ang
kanilang graduation, nanlaban na ang dalaga. Armado na rin siya ng kutsilyo at
tinakot si Kardo na magsusumbong sa pulis sakaling muli siyang saktan nito.
Nagtangka siyang magsumbong ki Magda. Ngunit hindi pa man
natatapos ang kanyang salaysay sinampal na siya ng dalawang beses.
Dumugo ang kanyang labi.
“Kung ano-ano ang binabasa mo, pati ang tatay mo dinadamay
mo. Subukan mong mag kwento ng mga bagay na yan sa iba, palalayasin kita!”
Babala ni Magda.
Nangingingig si Mila dahil sa takot habang impit na umiiyak
sa tabi ng kanyan silid. Ilang saglit pa, maririnig niya sa dingding ang mga
ungol at halinghing ng ina.
Nagtatalik na naman si Kardo at Magda.
***
CHAPTER 4: Bangungot ng Syria
*
Sa paglisan ni Mila, may ngiti ang kanyang mga labi dahil
naka-alis siya sa impyerno. Pero, naroon pa rin ang pangamba. Iniwan niya kasi
ang kanyang kapatid na si Maricar, na noon ay nasa second year high school.
Natatakot siyang baka pati ito, diskitahan ng kanilang ama.
***
Anim silang magkakasama ng umalis sa Pilipinas. Lahat
kinakabahan dahil lahat first timer. Ganundin ang nararamdaman ni Mila, tila
pinagpapawisan ng malamig habang sumasakay sila ng eroplano. Pinalalakas niya
lang ang loob dahil sa katayuan nila sa buhay at sana maging daan ito upang
makatapos ng kolehiyo.
Habang bumibiyahe sa himpapawid nakatabi ng dalaga si Andrea
at naging ka-kwentuhan. Halos magkasingtaas sila nito at magkasingkulay. Mas
maiksi lang ang buhok ni Andrea sa kanya. Nalaman ni Mila na katatapos din lang
nito ng high school at taga Borongan, Samar.
“Malapit lang kami.” Ani Mila.
“Saan ba kayo?”
“Sa Masbate kami.”
“Ah, oo nga mga dalawang oras lang sa dagat.. malapit nga..”
Naging panatag ang loob ng dalawa sa loob sa mahigit labing
limang oras na biyahe. Nangako na magkikita lagi sakaling magkaroon ng
pagkakataon sa Syria at nangakong magtutulungan sakaling magkaroon ng suliranin
ang isa sa kanila. Nakangiti na ang dalawa sa mga pina-planong magagandang
gawin sa oras na maging maayos na ang kanilang kalagayan doon.
Ngunit nalasap nila ang unang bangungot ng Syria, paglapag
sa Damascus International Airport.
Ala una na ng hapon. Dinala sila ng isang immigration
officer sa isang maliit na opisina dahil wala silang working visa. Hindi nila
matukoy kung sino ang contact sa Syria, dahil ang habilin mula sa Pilipinas ay
may sasalubong sa kanila doun. Naririnig ni Mila na tila pinag uusapan ang
deportation. Mangiyak-ngiyak lahat sa pagkatataong ito. Pinag antay sila ng
mahigit dalawangpung oras. Gutom na gutom dahil walang makain. Pinag tiyagaan
nila ang tubig sa faucet kahit dilaw na ang kulay ng latak nito. Hindi na
alintana na ibalik sila sa Pilipinas, dahil alam nilang ito na ang katapusan.
Makalipas ang maraming oras, isang lalakeng Syrian ang
kumausap sa isang security guard na nagbabantay. Mula sa salamin na nag
sisilbing dingding nakita nila ang paglapit nito at pag bukas ng pinto.
Tiningnan sila isa-isa saka umusal..
“Get up. Your employers are waiting.”
Nagkatinginan sila ang lahat.
Kabado pero sumusunod sila sa lalaki. Magkahawak ng mahigpit
si Mila at Andrea. Paglabas ng Airport, sumakay sila sa isang a van. Dito may
malaking babae sa may passenger seat ang humarap sa kanila.
“All of you are expected to work hard and will not make any
mistakes. No one will complain, and no one is allowed to see any authorities
regarding your presence here. Or else we will send all of you back home
immediately. Do we understand?”
Naghahabol ng pag intindi ang iba sa kaunting kaalaman sa
english, pero malinaw itong naintindihan ni Mila kay sinalo niya ang grupo.
“Yes, we understand.”
Pero may pangamba si Mila. Bagama’t medyo nakangiti ang
babae, tila isang nakakatakot na babala ang binitawan nito.
Ang hindi alam nina Mila, kabilang na sila ngayon sa mahigit
17,000 na mga Filipino domestic helpers na narito. Mahigit nubenta porsiento
nito, walang dokumento, walang working visa. Hindi sila kilala ng Philippine
Overseas Employment Authority at nasa basurahan ang kanilang karapatan na mag
reklamo dahil hindi sila nakalista bilang domestic helpers sa embahada ng
Pilipinas.
At lingid sa kanilang kaalaman ang nagbabadyang panganib. Sa
ilang sulok ng mga tagong lugar sa magkahiwa-hiwalay na lugar sa Homs, Damascus
at Latakia, nagsasanib na ng puwersa ang Mujahedeen Army at ang Free Syrian
Army Movement laban sa pamahalaan. Ilang buwan na lang, sisiklab ang isang
madugong civil war sa bansang namamayagpag ang Islamic reformists. Paisa-isa ng
tumatakas ang natitirang Christian Orthodox dahil alam nilang nalalapit nang
mag-sagupaan ang dalawang higanteng mga angkan. Ang Sunnis at ang Alawitis.
Kung hindi nga lang malakas ang oil at petroleum industry sa
Syria, matagal ng dumapa ang ekonomiya nito dahil sa alitan.
***
Isang labing limang palapag na building ang tinitingala ni
Mila at Andrea pagdating nila sa lugar kung saan sila mamamasukan sa Homs,
Syria. Masaya ang dalawa nang malamang isang building lang sila magsasama.
Sa ika-siyam na palapag bumaba si Andrea. Dinala nila ito sa
kanyang employer ipinakilala habang nag aantay si Mila sa labas. Ilang minuto
pa inihatid naman si Mila sa ika labing isang palapag upang ipakilala rin sa
kanyang magiging amo.
Sinalubong sila ng isang ginang.
May kalong itong dalawang taong gulang na anak na lalake, at
nasa tabi nito ang isang anim na taong gulang na babae. Matangkad ang babae
ngunit maamo ang mukha. Matapos ang pormal na pagpapakilala, umalis agad ang
nag hatid sa kanya.
Taimtim siyang pinapasok at pinag pahinga ng kanyang amo.
Pinag meryenda. Napanatag ang loob ng dalaga. Naibsan ang tension dahil tila
maswerte siya sa amo. Nagpakilala itong si Mrs. Assilah Al-Kudsi, me ari ng
isang Jewelry Shop dalawang kanto, mula sa kanilang building. Ang asawa niyang
si Yusuf ay isang Civil Engineer at bihirang umuwi dahil nasa Kuwait ang mga
projects nito. Sinamahan si Mila ni Mrs. Al-Kudsi sa kanyang silid, at doun
ipinaliwanag pa ang mga gawain ng dalaga.
Maliban sa mga gawaing bahay, tulad ng pagluluto, paglalaba,
paglilinis, at pamamalantsa, pag-aalaga ng dalawang maliit na anak ay
pinaka-trabaho niya sa kanila. Maiiwan lagi ki Mila ang mga bata dahil sa
pinatatakbong negosyo ni Assilah.
Ang sahod niya ay 48,000 Syrian Pounds. Ngunit dahil
negative point two ang palit sa isang piso laban sa Syrian Currency, 14,000
pesos lang ang matatanggap na sahod ni Mila kada buwan. Nangako si Assilah na
sakaling magustuhan nilang mag-asawa ang kanyang trabaho madagdagan pa ito,
kahit hindi na nila padaanin sa agency.
Ang fourteen thousand pesos na sana’y sweldo, babawasan ng
4,000 kada buwan ng recruitment agency at iba pang deductions para sa
government obligations. Me matatanggap siyang kalahati nito at ang matitira,
ang agency na ang derektang magpapapadala sa kanyang magulang bilang parent’s
allocation.
***

Post a Comment