©jason_the_jackal
CHAPTER 9: Ang Pang-Aabuso Ki Andrea*
Isang linggo ng hindi nakikita ni Mila si Andrea. Bumaba
siya minsan sa 9th floor at kumatok sa pinto nina Andrea ngunit walang nag
bubukas. Dati, nagkakasabay sila tuwing umaga sa pagtapon ng basura o kaya kung
ipapasyal ang kanilang mga alagang bata, ngunit nitong mga nakaraaan hindi niya
makita ang kaibigan. Sa ika-sampung araw, medyo kinabahan na si Mila kaya
binantayan niya ang paglabas ng mga amo ni Andrea. Ngunit walang lumalabas sa
pinto.
“Andrea…” Sigaw ni Mila. “Andrea buksan mo ang pinto,
nandiyan ka ba?”
Pagbalik ni Mila sa kanilang apartment, hindi siya nakatiis
na ipagbigay alam sa kanyang mga amo ang pangamba sa kaibigan na nasa 9th
floor. Nabahala naman ang mag-asawa kaya tumawag sila sa building security
office upang alamin kung nasa loob ng silid si Andrea.
Pumayag naman ang security na buksan ito sa usapang
mananagot sila sakaling mag reklamo ang may-ari ng unit.
Nang tuluyan mabuksan, nagulantang silang lahat sa
nasaksihan sa loob.
Wasak na wasak ang paligid na tila dinaanan ng ipo-ipo. Sa
loob ng isang silid, may narinig silang ungol kaya mabilis na binuksan ito.
Naiyak si Mila ng makita si Andrea. Nakaposas sa kama.
Hubo’t hubad. Magang maga ang mukha nito na halos hindi na makikilala dahil sa
mga sugat at pasa nito. May mga bakat pagkapaso ng plantsa sa likod at binti at
dumudugo ang buong katawan sa mga palo ng sinturon.
“Dios ko, Andrea..anong nangyari sa’yo” Lumuluhang napaluhod
si Mila sa tabi niya. Umuungol ang kaibigan sa hapdi at pag hihirap.
Kaagad nilang tinakpan ng kumot ang katawan ng dalaga at
ikinalas sa pagkakaposas. Tumawag ng ambulansiya upang dinala sa ospital.
Kalaunan, nalaman ni Mila kung bakit nangyari it kay Andrea.
Dahil daw aksidente niyang nalaglag ang batang ina-alagaan. Dahil nung oras na
iyon sinasabay niya ang pagluto ng makakain ng mag-asawang sigaw ng sigaw dahil
nagugutom. Dahil banggag sa cocaine ang mag-asawa. At dahil hindi siya pumayag
sa kumbidang sex threesome na anyaya ng among lalake. At dahil doon, ipinosas
ang dalaga at tatlong araw na ginahasa, habang pinanonood ng among babae.
Hinahalay habang dinuduruhan, sinasampal, at hinahagupit ng sintoron.
At dahil hindi makatulog ang among babae sa gabi sa mga
ungol ng naghihirap na kasambahay ininit ng babaeng amo ang planta at pinaso
ito. Matapos ang lahat, ikinandado si Andrea ng mag-asawa. Mabilis na tumakas
matapos makatanggap ng tawag na magiging madugo ang gulo sa Syria sa susunod na
mga araw.
Wala silang paki-alam sa ikinulong na katulong kaya iniwan
itong parang aso, habang nakaposas sa nakakandadong silid.
****
Na-confine si Andrea dahil bukod sa dehydration, may mga
fractures ang buto nito sa ibat ibang bahagi ng katawan. Inabunuhan ng amo ni
Mila ang gasto na walang pag-aalangan o kundisyon.
Tumawag si Mila sa Philippine Embassy sa Damascus, ngunit ng
makitang wala sa opisyal na listahan si Andrea, hindi na muling bumalik sa
telepono ang kausap niya. Nung tumawag muli ang dalaga, iba na ang nakausap.
Muling idinetalye ang kalagayan ni Andrea, ngunit sigaw ang inabut niya sa
babaeng nasa kabilang linya.
“Ano ba naman kasi kayo! Pupunta kayo dito walang dokumento,
pagkatapos ngayong me problema hihingi kayo ng tulong! Aba ang tanga-tanga
niyo! Wala kayong binayaran sa gobyerno natin kaya magdusa kayo diyan.”
Naluha si Mila sa narinig saka marahang ibinaba ang
telepono. Naisip ni Mila, sa ibang bansa, kahit kapwa Pilipino hindi minsan
naituturing na kababayan at kakampi ang mga ito.
Buti pa minsan ang hindi kakulay. Makatao.
Pansamantalang kinupkop nina Mila sa unit nila ang kaibigan.
Tunay ngang mabait ang mga amo niya, dahil pumayag ito na kahit pansamantala
lang mamalagi sa kanila si Andrea habang hindi pa sila nakakahanap ng tulong.
****
SA BAHAY NILA SA MASBATE, Nakangiti si Maricar ng mahanap
nito ang maliit na notebook ni Mila. Nakahiga siya sa kama habang pinag aaralan
ang ilang mga mathematical equations ng kapatid. At sa bandang ibaba, kung saan
may nakalagay na smiley nakita niya ang isang solution.
Ate Mila,
Good news. First honor ako Ate. Sana tuloy tuloy na. Salamat
sa mga payo mo at sa mga itinuro mo sa akin. Wala na ngang tatalo kahit sino,
pagmagaling ang command sa English at marunong ng pasikot-sikot sa Math. Daig
ko pa ang nasa alapaap dahil napakadali na lang ng iba. Ang isa pang good news
Ate, marami na rin akong pa-order na mga tusino. Ako lang ang may gawa nun Ate,
at nilagay ko sa magandang packaging.
Pero may bad news ako Ate. Sana huwag kang mabibigla. Nahuli
ko si Ina at si Ben sa likuran natin nag-hahalikan noong isang gabi. Totoo ang
kutob ko Ate, may relasyon silang dalawa, at parang matagal na. Hindi ko
magawang isumbong si Ina ki Ama dahil natatakot ako. Ano ang dapat kung gawin?
Sana huwag na lang si Ben ang inibig mo, hindi siya karapat dapat sa’yo.
Tungkol naman ki Ama, lagi akong may kutsilyo sa aking unan.
Huwag kang mag-alala, kaya ko ang sarili ko. Ate, me naririnig akong mga balita
na medyo mainit na ang mga protesta sa Syria, okey ka lang ba diyan? Lagi kang
mag iingat at lagi kitang ipagdadasal na sana’y ligtas ka lagi.
Siyangapala, nakita ko na ang solutions sa equation mo.
Nakaka enjoy naman tingnan hehehe.
Ang sagot ko = ‘I love you’
I love you din Ate. Sana huwag kang magbabago. Huwag mo na
akong bilhan ng cellphone, nakabili na ako yung mura lang. Ipunin mo na lang
yan, para pag dating mo, makapagpatuloy ka rin ng pag-aaral.
Nagmamahal,
Maricar
9x – 7i > 3 (3x -7u) – Ayan nilagay ko na rin para
pareho tayo.
***
CHAPTER 10: Ang Digmaan Sa Syria
*
March 9, 2011 ng matanggap ni Mila ang sulat mula sa kanyang
kapatid. Masikip ang dibdib niya sa ibinalita ni Maricar tungkol ki Ben at sa
kanyang ina. Halos hindi siya makapaniwala. Ngunit alam niyang hindi gagawa ng
kwento ang kanyang kapatid. Ipinasadiyos na lang niya ang dalawa.
Naniniwala siyang baka masaktan lang ang kanyang ina sa
ginagawa nito dahil mahigit labing tatlong taon ang agwat nila ni Ben.
Sumunod na araw, kinausap ng mag-asawa si Mila at si Andrea
dahil kailangan nilang lisanin ang Homs papuntang Jordan. May mga kapatid doon
si Yusuf at pansamantalang titira sila doun. Pwede na rin nilang idaan si
Andrea sa embassy sa Jordan. Delikado na kasi ang mga key cities ng Syria dahil
sa umiigting na ang Arab Spring. Protesta ito ng mga sibilyan dahil sa pang
aabuso ng mga military sa kapwa sa mga ordinaryong sibilyan. Pero mas naging
mabangis pa rin ang mga pulis at militar.
March 11. Mag-aalas sais ng umaga, kumalabog ang mga
malalakas na pagsabog malapit sa tinitirhan nina Mila na nag hahanda na sana sa
kanilang pag lisan. Maririnig ang sigawan ng mga tao, at iyakan ng mga bata –
habang lumalakas ang maingay na komosyon sa buong paligid. Itinaas na ang red
alert at nag utos na ng force evacuation dahil hindi inaasahan ng Ba’ath
Government na sumasakalakay na ang anti-government alliance. Umaatake na maging
ang Mujahedeen sa lahat na mga lalawigan at ciudad ng Syria.
Huli na sina Mila.
****
Malakas ang ugong ng serena sa buong Homs City. Hudyat na
dapat mabilisang pagtago at paglisan ng lahat ng mga residente. Nagpang-abut
ang mga rebelde at tropa ng mga militar sa Tamam Street, Central Business
District ng Homs.
Mainit ang bakbakan at halos malapitan ang dalawang grupo.
Litong-lito ang mga sibilyan kung saan magtatago dahil hindi inaasahan na
mismong sa gitna kung saan maraming mga tao magaganap ang unang silakbo ng
digmaan. Naka-pangingilabot ang bawat tagpo dahil ang frontmen ng Mujahedeen ay
parang handang mamatay. Naglalakad papalapit sa mga kalaban ang dalawang
pangkat sa gitna ng kalsada. Walang humpay na umuusok ang dalang tig-iisang
Bushmaster-AR15 Semi-Automatic rifle na karaniwang gamit ng Navy Seals.
Sa kanan, malapit sa department store kung saan umuusok ang
nakatagilid na bus, pilit na nagkukubli ang American Journalist na si John
Collins. Nasa likod nito ang malaking military bag, sout ang camouflage at
sinisipat ng kanyang 300 milimeter digital Canon Stills ang bawat tagpo ng
bakbakan. Malapit sa may poste, nakatago rin ang kanyang alalay na si Jamal,
habang pasan ang Panasonic P2 video camera. Naihi na siya sa pantalon sa takot.
Takot na takot na baka makita sila at paulanan ng bala o kaya’y tapunan ng
granada.
Habang abala si John sa palipat lipat na pag pitik ng bawat
eksena sa magkabilang panig, nakita niya sa camera ang tila isang pamilya na
sumasakay sa van. Parang Syrian couple na may dalawang maliit na bata at isa
pang babae. Sa building, may isa pang pasunod na babae. Tila dayuhan din.
Nung ibaling niya sa mga anti-government forces ang camera,
natakot siya sa eksena. Isang atake ang tiyak tutunaw sa van, dahil nakatutok
ito malapit sa condominium entrance hawak ang Rocket Propelled Grenade (RPG).
Hindi niya magawang sigawan ang mga sibilyang nakikita dahil baka makita ang
kinalalagyan nila.
Ilang segundo lang, kumawala ang bala ng RPG papunta sa
building, at sumabog.
KABOOM.
Tumilapon ang babae. Duguan.
Pilit naman na umalis ang van mula sa may bukana ng
building. Ngunit ng mapalapit ito sa mga armadong grupo ng mga anti-government
forces, pina-ulanan sila ng bala sa pag-aakalang mga militar ang nasa loob.
Bumaliktad ang van ng pumihit ito ng pabalik.
Hindi pa nakuntento ang mga armado, nilapitan at pinalibutan
nila ang sasakyan. Muling inispray ng kanilang Bushmaster at AK-47, upang
masiguro na walang matirang buhay sa loob ng sasakyan.
Gumanti ang militar ng kanilang RPG sa protesters kaya medyo
napa-atras ito. Hanggang sa sumugod ang tropa ng gobyerno, upang itaboy ang mga
kalaban.
Lahat na ito naidukumento ni John sa mahabang lente ng
kanyang Nikkon digital camera, at nakunan din ng video ng alalay niyang si
Jamal.
****
Mag-aalas dyes ng umaga, makapal na usok ang iniwanang bakas
ng magkabilang panig sa halos dalawang oras na bakbakan sa lugar na iyon. Saka
lang tumayo sina John at Jamal. Palinga-linga silang nilapitan ang van upang
tingnan kung ano ang kalagayan ng mga pasahero. Bukod dito, nagkalat ang mga
bangkay mula sa magkabilang panig.
Pero parang maiiyak si John sa nasaksihan ng tingnan niya ng
malapitan ang mga nasa sasakyan. Wala ng buhay ang mga ito. Tadtad ng tama ng
mga bala sa ulo at katawan ang mga biktima. Kabilang na ang dalawang bata na
halos hindi makilala ang itsura. Patay ang buong mag-anak na Al-Kudsi na sana’y
tatakas papuntang Jordan. Sa likuran ng upuan, tadtad rin ng tama ng bala ang
katawan ng isang babae na tila isang asian. Hindi halos makilala ang mukha.
Lumapit pa si John, at sinikwat ang papel malapit sa bangkay ng babae. Inabut
niya ang passport, binuklat at binasa.
MILA B. AGONCILLO, San Isidro, San Pascual, Masbate.
Philippines.
Naawa ang amerikano sa sinapit ng dalaga. Napailing dahil
alam niyang walang kinalaman ang mga biktimang ito sa alitan dahil lang sa
pulitika.
Naramdaman niya ang kalabit sa balikat ng kasamang si Jamal.
“Over there..” Nakaturo ito sa may bukana ng building.
Nakita ni John ang isa pang babae, pasuray-suray naglalakad
papalayo. Duguan at warak ang suot na damit.
***
Dinala ni John at Jamal ang duguang babae sa refugee camp sa
isang industrial site, sa western area ng Homs City. Marami na ang sugatang
sibilyan ang naipon dito dahil sa mahigit pitong oras ng bakbakan sa Homs.
Ganito na rin ang sitwasyon sa ibang panig ng Syria nung araw na yun. Wala ng
malay ang babae ng lapatan ng medisina ng mga volunteer doctors. Umalis muna
sina John at Jamal habang ginagamot ang babae upang makikabit ng YMAX link sa
satellite facility sa nakita nilang streamer na Red Cross International,
malapit sa temporary hospital shelter. Walang nakakaalam kahit si John na ang
pasilidad ay pag-aari ng Central Intelligence Agency.
Bago pa man lumabas ang videos at photos ni John sa
international media, pinag-aaralan na ng mga analyst sa operations center sa
Langley, Virginia ang scenario at probabilities kung hanggang saan tatagal ang
nag umpisang giyera sa Syria.
May mga lihim na nakangiti sa tabi habang nanonood ng video
sa situational room ng CIA building. Malaki na naman ang kikitain nila sa
suplay ng armas, bala at mga medisina tulad ng antibiotics, cottons, rubbing
alcohols at cadaver bags sa mga susunod na buwan at taon.
Negosyo ang giyera.
***
Nagumpisa si John magsulat ng kanyang situational news
brief, habang sunod sunod na nag-uupload ng mga bagong kuhang letrato at video
sa YMAX. Kaagad nag-umpisa ang bidding sa bilihan ng material niya sa AP
Headquarters sa New York. At dahil exclusive ang mga larawan at videos, two
thousand dollars ang kaagad ini-offer ng BBC.
Tinapatan ito ng CNN ng five thousand dollars. Ilang minuto
pa, nag-uulat na nang breaking story si Wolf Blitzer sa CNN News Center sa
Atlanta. Lumalabas na rin ang exclusive photos at videos, kung saan naka lagay
sa downstream char-gen sa baba ng logo ng CNN:
Tumawag ang CNN Atlanta sa satellite phone at nag ulat ng
audio report si John ng situationer. Ang nasaksihan niyang masaker sa isang
pamilya at kasamang Filipina. Hindi niya muna pinangalanan ang mga biktima
ngunit idinetalye niya ang buong pangyayari. Bago siya nagpaalam, inulit niyang
isang Filipina ang kasamang nasawi.
Matapos ang lahat, muli niyang binalikan ang pagsulat ng
ilang news brief. At mula sa kanyang likuran, tinapik siya ni Jamal at ibiginay
nakuha niya sa bag ng babaeng kasama nila ngayon at ginagamot. Kagyat na
natigil si John sa sinusulat at binasa ang passport.
ANDREA R. BUENAFE. San Nicolas, Borongan, Eastern Samar, Philippines.

Post a Comment