by: N/A
Isang coffee shop ang pinasok ni Arthur. Agad na hinanap ang
researcher ng C5G. Natagpuan niya ito sa pinakasulok ng shop. Tila hindi
mapakali. Nang mag-angat ito ng paningin at makita siya ay agad itong nakahinga
ng maluwag. Napasandal ito sa upuan. Nilapitan niya ito.
“Anong nangyari? Bakit kailangan ipapatay si Ballerina?”
“Ako ang sagutin mo.” mahina ngunit mariin nitong sagot sa kanya. Halos itabing
na sa mukha ang suot na sumbrero. “Paano nalaman ng C5G ang ginawang
pagpapakasal ni Laughing Bear?”
Nagkibit-balikat si Arthur. “I have no idea.” totoong sagot niya. “Alam mong
maraming magagaling na researcher ang kompanya. Hindi lang ikaw.” humila ng
silya at naupo paharap kay Reduce. Ipinatong ang dalawang braso sa mesa.
Nagbuntong hininga ito. “Alam ko ‘yon!” paangil nitong sagot. “Pero itinago ko
‘yong mabuti.”
“Nakakasiguro ka ba?” pang-uuyam niya. ” sulat ni Woody Bear ang natanggap
namin ni P.”
“Merde!” Mahina itong napasuntok sa mesa. At tumingin sa kanya na hindi
makapaniwala.
Bahagya siyang natawa. “Don’t blame yourself.”
Nangunot ang noo nito. May galit sa tinig nito ng magsalita. “Bakit parang
hindi ka nag-aalala? Papatayin nila ang matalik mong kaibigan. Nakukuha mo pang
tumawa.”
“Je sais.” nakangiti niyang sagot.
Tinitigan siya nito. Napailing bago ngumiti. “Hanggang ngayon hindi ko pa rin
mapasok ang utak mo.”
“I’ve talked to Ballerina this morning.”
“And?” naghihintay ito sa mga sasabihin pa niya.
“And I offered him my preposition.”
“And?”
Huminga siya ng malalim. Handa siya sa anumang mangyayari sa ginawa niyang
desisyon. Ang mahalaga ay ang kaligtasan nina Junifer at Parc. “And I know that
he will accept that.”
“What kind of preposition or should I guess?” nakatiim ang mukha nito, kahit
hindi na ito magtanong ay nakikita sa mukha niya ang kasagutan.
“My life.” mahina ngunit mariin pa rin niyang sagot.
“Bullshit!” mahinang mura nito. “Hindi ako makapaniwalang wala man lang ako
nagawa para pigilan ka.” Isinandal nito ang likod sa sandalan ng upuan.
“Sa ibang pagkakataon Reduce hihingiin ko ang tulong mo. Sa ngayon ang mahalaga
sa akin ay ang kaligtasan ni Ballerina.”
Kinuha ni Reduce ang notebook style laptop nito sa knapsack bag nito na nasa
ilalim ng mesa.
“Hindi na nagugustuhan ng board ang mga transaksyones na ginagawa ni Ballerina
sa ibang mga share holders ng kompanya. Masyado na raw siyang nagiging mabait.
Kailangan daw ay bigyan ng leksyon si Ballerina. Pauvres il!” Iniharap nito sa
kanya ang laptop at ipinakita ang mga sister company ng C5G. Hindi siya
nagaksayang tingnan man lamang iyon. ” Hindi rin niya inaasahan na malalaman ng
kompanya ang pagiging ‘Angel’ niya sa samahan. Ang pagtatago niya ng sekreto sa
C5G ang dahilan kung bakit siya ipapatay. May balitang marami na siyang
naibibigay na impormasyon sa kalabang Kompanya.”
Mahinang tugtog na nanggagaling sa stereo ang naging pagitan sa pananahimik
nila.
“Anong naiisip mong paraan?”
“Aucun.” umiling pa ito. “Matigas si Ballerina. Nakahanda raw siya sa
mangyayari. Masyadong mataas ang pride ng lalaking ‘yon!”
Bahagyang natawa si Arthur. Parehong temperamental ito at si Ballerina kaya
hindi magkasundo. “Pero hindi naman natin hahayaan na mangyari ‘yon ‘di ba?”
“Naturellement! Kahit saksakan ng pride ‘yon, hindi ko naman siya hahayaan na
mamatay siya ng paganoon lang. After all malaki ang utang na loob ko sa kanya.”
Tumayo siya. “Partons! Puntahan natin si Ballerina.” Humakbang na siya palabas
ng coffee shop.
“Sure.”
Inilagay muna ni Reduce ang laptop sa knapsack bag nito bago sumunod kay
Arthur.
Sa building ng isa sa mga sister company ng C5G. Hindi inaasahan ng sekretarya
ni Ballerina ang biglang pagpasok ng lalaki sa opisina nito. Hindi na ito
nakagalaw ng tutukan ito ng baril. Ngumiti ang lalaki bago ipinutok ang baril.
Walang buhay at dilat ang mga matang sumubsob ang matandang babae sa mesa nito.
Tinitigan muna ng lalaki ang nagkalat na dugo sa mesa bago balewalang naglakad
sa nakasarang pinto ng private office ni Ballerina. Nakiramdam bago sumandal sa
puting pader. Marahang binuksan ang pinto ng isang kamay. Automatic na bumukas
ang ilaw at napamura ng makitang wala nang nadatnan na Ballerina sa loob.
“Bullshit!”
Agad na pinindot ang communication device na nakakabit sa kaliwang tainga nito.
“He’s not here. Nakatakas siya. Search the whole building!”
ITUTULOY
.png)
Post a Comment