by sexyyumz (Reader Submission)
Matapos ang presentation, nagsimula ang maliit na salu-salo sa opisina. May nakahandang pagkain at inumin sa pantry simpleng celebration para sa successful na meeting.
Masaya ang lahat, may kwentuhan, at tawanan. Nasa gitna si Jay, habang kinakausap ang ilang senior staff tungkol sa susunod na hakbang. Si Karen naman ay nakaupo sa tabi, nakangiti habang pinupuri ng iba ang husay niya kanina.
Mula sa kabila ng mesa, nakaupo si Kevin. Habang kumakain ng kaunti, napapatingin siya kay Karen. Kapag nagtatama ang mata nila, saglit silang nagkakapalitan ng ngiti mabilis, palihim, pero sapat para kiligin pareho.
Staff (biglang nagtanong habang may hawak na juice):
“Boss Jay, saan po tayo magpa-party kapag officially closed na yung deal?”
Napatingin ang lahat kay Jay, naghihintay ng sagot. Ngumiti siya at tumingin sa grupo.
Jay:
“Syempre dapat special ‘yon. Kapag tuloy na tuloy na at pirmahan na, maghahanda tayo sa isang magandang lugar. Mas malaki pa kaysa dito sa opisina.”
Staff 2 (nakangiti):
“Sir, baka sa beach? Hehe.”
Natawa ang lahat. Samantalang si Karen, saglit na lumingon kay Kevin. Ang mga mata niya parang nagsasabing “naalala mo ba?” at sinagot iyon ng isang pilyong ngiti mula kay Kevin na parang nagsasabing “syempre, paano ko malilimutan?”
Habang tuloy ang tawanan at kasiyahan ng lahat, may sariling lihim na party na iniisip ang dalawa.
Sa loob, ramdam ang kakaibang atmosphere hindi naman awkward, pero may halong pagod, kasabay ng di maipaliwanag na kilig na naiipit sa pagitan nina Kevin at Karen.
Jay (nakahinga nang malalim, nakatingala):
“Buti na lang maayos lahat. Sa totoo lang, malaking pasalamat ako sa inyong dalawa. Kung hindi dahil sa teamwork natin, baka hindi ganito ka-smooth ang naging resulta.”
Karen (nakangiti, nakahawak pa sa folder niya):
“Team effort naman talaga, Jay. Lahat tayo may ambag.”
Kevin (tumingin sandali kay Jay, tapos mabilis na sulyap kay Karen):
“Yeah, tama si Karen. Ang importante, solid tayo sa Friday. After that, pwede na tayong mag-relax.”
Ding! — bumukas ang pinto ng elevator sa basement parking.
Sabay-sabay silang naglakad palabas. Si Kevin, medyo nauna, pero huminto bago pumasok sa sariling sasakyan.
Kevin (nakatingin sa kanilang dalawa, kalmado ang boses):
“Unahan ko na kayo. Ingat kayong dalawa sa byahe.”
Jay (nagtaas ng kamay bilang paalam):
“Sige Kev, ingat din. Kita-kits bukas.”
Ngumiti lang si Karen, mabilis at tipid, pero sapat para mabasa ni Kevin ang ibig sabihin: “Good night, babygirl message na lang mamaya.”
Sumakay na si Kevin sa kotse niya at pinaandar ito. Habang papalayo, napatingin siya saglit sa rearview mirror nakita niyang magkasabay na naglalakad sina Jay at Karen papunta sa kanilang sasakyan. May kakaibang halo ng emosyon sa dibdib niya: saya, pananabik, at lihim na apoy na alam niyang hindi pa nagtatapos.
Pagkaparada ng kotse ay diretso na silang umakyat sa condo. Tahimik ang biyahe, dala ng pagod sa mahabang araw, pero pagkapasok nila sa unit ay bahagyang nag-iba ang hangin.
Pagkasara ng pinto, hinila agad ni Jay si Karen palapit. Mainit ang halik niya, ramdam ang excitement na kanina pa niya tinitimpi mula nang matapos ang presentation.
Jay (paos at sabik ang tono):
“Ang galing mo kanina… grabe, ang proud ko sa’yo.”
Napasandal si Karen sa pader, tinanggap ang halik pero hindi gaanong gumanti. Nakapikit lang siya, hinayaan si Jay na magpaka-init sa kanyang labi, leeg, at balikat.
Dumapo ang mga kamay ni Jay sa bewang niya, marahang ibinaba ang zipper ng kanyang blazer. Pero nanatiling kalmado si Karen, walang masyadong tugon kundi ang banayad na paghinga.
Karen (mahina ang boses, halos pabulong):
“Pagod lang ako, Jay… pero sige lang.”
Hindi napansin ni Jay ang malamlam na mga mata ni Karen, tila may ibang iniisip habang dinudumog siya ng halik ng asawa. Hinayaan niya lang, walang pagtutol, ngunit wala rin ang gigil at init na madalas niyang ibinibigay.
Sa loob-loob niya, ramdam niyang may apoy pa rin sa katawan niya pero hindi ito naglalagablab kay Jay ngayong gabi.
Mainit ang mga halik ni Jay, sunod-sunod na ulos habang nakadagan siya kay Karen sa kama. Mabigat ang hininga niya, bawat galaw ay may diin ng pananabik at pagmamay-ari.
Pero si Karen… nakapikit lang, kagat ang labi, pilit pinapantay ang hininga. Alam niyang dapat ay maramdaman niya ang parehong init, pero may kulang.
Jay (paos, habol-hininga):
“Ang sarap mo, babe… ang tagal kong hinintay ‘to.”
Pinisil ni Jay ang bewang niya, binilisan ang ritmo. Ngunit sa bawat ulos, dama ni Karen ang kabigatan hindi ang apoy. Walang gigil, walang kuryente na dati niyang nararamdaman.
Karen (mahina, pilit na ungol):
“Mm… ahh… sige lang, Jay.”
Pero sa loob-loob niya, alam niyang nagkukunwari siya. Ang ungol ay hindi mula sa sarap, kundi para lang huwag mapansin ni Jay na wala siyang tinatamaan.
Sa bawat pagbayo, ang utak niya’y kusang lumilipad pabalik sa motel sa init ng haplos ni Kevin, sa marahas na halik, sa biglang pag-angat at pagbuhat sa kanya. Ang mga sandaling iyon ang pumupuno sa kanya, ang mga ulos na iyon ang nagpapayanig sa buong katawan niya.
Ngayon, habang humahabol si Jay ng sarili niyang rurok, si Karen ay nananatiling bitin nakangiti ngunit hindi ramdam, nagtatago sa likod ng mga huwad na ungol.
At sa mismong sandaling iyon, narealize niya: hindi ang katawan niya ang kulang, kundi ang koneksyon.
Pagkatapos ng ilang minuto, bagsak agad si Jay sa kama. Humihilik na ito, dala ng pagod sa opisina at sa mga araw ng paghahanda para sa meeting. Nakayakap pa ito kay Karen pero wala nang malay.
Si Karen, nakatihaya lang, parehong hubad ang katawan nilang mag-asawa sa ilalim ng kumot. Nakatingin siya sa kisame, nag-iisip. Mabigat ang dibdib niya hindi dahil sa ginawa nila, kundi dahil sa kakulangan ng init na matagal na niyang hinahanap.
Tumunog ang cellphone niya. Tahimik niyang dinampot mula sa side table, nakasindi lang ang maliit na ilaw ng screen.
Mula kay Kevin:
“Galing mo kanina, babygirl. Kung pwede lang kita hubaran sa harapan nila, gagawin ko. Night, babygirl. ”
Napakagat-labi si Karen habang binabasa iyon. Napatingin siya sa tabi niya si Jay, tulog na tulog, walang kamalay-malay. Dahan-dahan siyang napangiti, may halo ng hiya at pananabik.
Parang may kuryente na dumaloy sa katawan niya. Yung simpleng text ni Kevin ay mas malakas pa kaysa lahat ng ulos na binigay ni Jay kanina. Napahigpit siya ng hawak sa cellphone, sabay huminga nang malalim.
Karen (mahina, pabulong sa sarili):
“Good night din… baby ko.”
Pinatay niya ang ilaw ng phone at muling nahiga. Ngunit imbes na makatulog agad, nakapikit siyang muling binabalikan sa isip ang bawat haplos, bawat halik, at bawat bulong ni Kevin—na siya lang ang tunay na nakakakilala at nakakapuno sa kanya.
At habang lumilipas ang oras, lalo niyang nararamdaman na darating ang panahon… hindi na siya makakapagpanggap pa.
Hindi pa tuluyang nakakatulog si Karen. Nakapikit na siya, pero hawak pa rin ang cellphone sa gilid ng kama. Biglang nag-vibrate ulit.
Mula kay Kevin:
“Gising ka pa ha. Anong gagawin mo this weekend, babygirl? ”
Nanlaki ang mata ni Karen at mabilis na tumingin sa tabi ..si Jay, tulog pa rin, walang kamalay-malay. Nakagat niya ang labi niya bago dahan-dahang nag-type ng reply, takot na baka marinig ang pagtunog ng keys sa maliit na tunog ng virtual keyboard.
Karen (nag-type):
“Magjo-jogging ako.”
Sandaling naghintay, nanginginig ang kamay niya habang pinindot ang send. Ilang segundo lang, dumating agad ang sagot.
Mula kay Kevin:
“Jogging? Gusto mo may kasabay ka? Para mas mabilis ang takbo… tapos baka sa dulo, ibang cardio gawin natin. ”
Mapapikit si Karen at halos mapahagikhik sa ilalim ng kumot, agad na tinakpan ang bibig para walang lumabas na tunog. Napailing siya at napabuntong-hininga.
Karen (mahina, bulong sa sarili):
“Loko ka talaga, Kevin…”
Habang nakahiga, kinagat niya ang labi niya, may halong kaba at pananabik. Tumibok nang mabilis ang puso niya, hindi dahil sa takot na mahuli, kundi dahil sa posibilidad na may mangyaring bago ngayong weekend.
Sa gilid ng kama, niyakap siya ni Jay nang mahigpit sa pagkakatulog nito. Ngunit sa isip ni Karen, ibang braso ang naiimagine niyang yumayakap sa kanya.
Sabado ng umaga. Maagang nagising si Karen, masigla ang katawan kahit na medyo puyat sa mga nangyari sa buong linggo. Tumayo siya mula sa kama at dumeretso sa aparador, sinimulang pumili ng maisusuot.
Pinili niya ang simpleng black sports bra at light gray na leggings na paborito niya sa jogging. Isinuot niya rin ang kanyang running shoes at itinali ang buhok sa ponytail. Habang tinitingnan ang sarili sa salamin, nakangiti siyang napailing.
Karen (mahinang bulong):
“Okay… jogging lang ito. Walang malisya…”
Pero sa gilid ng isip niya, naaalala niya pa rin ang text ni Kevin kagabi.
Paglabas niya ng kwarto, nadatnan niyang nag-aalmusal si Jay sa mesa may kape at tinapay. Umupo siya saglit para sumabay.
Jay:
“Oh, maaga ka ata ngayon. Jogging ba?”
Karen (nakangiti, kunwari chill lang):
“Mmhm, oo. Kasama ko sina Mia at Lara. Hindi na kami gagamit ng kotse, maghintayan na lang sa baba ng condo, tapos diretso na.”
Jay (nagkibit-balikat):
“Ayos ‘yan. Buti may kasama ka. Ingat ka ha.”
Karen:
“Don’t worry. Saglit lang naman kami.”
Humigop si Jay ng kape at tiningnan siya saglit, bago muling tumingin sa laptop na bukas sa mesa. Halata kay Jay na utak-opisina pa rin kahit weekend.
Karen (nakangiti habang tumayo):
“Okay, alis na ako. Text kita kapag tapos na kami.”
Jay (walang angal, ngumiti lang):
“Enjoy. Love you.”
Karen (saglit na natigilan, pero ngumiti rin):
“Love you.”
Bitbit ang maliit na sling bag, bumaba na si Karen ng condo. Sa lobby, nakita niya sina Mia at Lara na nag-aantay na, parehong naka-sportswear. Masayang bati at tawanan muna sila.
Habang naglalakad palabas ng building, hindi napigilan ni Karen na idukot ang cellphone sa bulsa ng leggings niya—chinek kung may message mula kay Kevin.
At doon nga, may unread message.
“Nasa baba ka na? Ang ganda mo siguro ngayon sa suot mo. Sana ako kasama mo.”
Mabilis siyang nag-lock ng screen at kinagat ang labi, tinago agad ang ngiti para ‘di mahalata ng mga kaibigan.

Post a Comment